I SEE A MONSTER CHAPTER 19 Alam naman ni Arkanius kung nasaan si Abegail. Dahil naaamoy niya ang dalaga saan man ito naroon. Ngunit kailangan muna nilang huwag magkita pansamantala. Dahil narito na sa mundo ng mga tao ang kanyang ibang lahi. Alam niyang ang kanyang kapatid na naman ang binilinan ng kanyang ama upang hikayatin siyang bumaliknsa kanilang mundo. Mabilis na nagtungo si Arkanius sa lugar kung saan niya naaamoy ang mga katulad niyang lobo. Sa isang iglap ay narating niya ang lugar. Nakita niya sina Astrel at Miguel na may sinasaktan na tao kaya mabilis siyang nagbagong anyo. Mabilis din itong nakalapit sa mga ito, nagulat sina Astrel sa biglaang pagsulpot ng binata. Ngpakitaan sila ng kani- kanilang mga pangil ay tila galit na galit sa isa't- isa. Mga matang nanlilisik na han