Chapter 3

646 Words
Her POV "Bakla, kumusta naman ang bakasyon mo" sabi ni Adie. Para akong nagising sa pagkakatulala sa harap ng PC. "Ha?" Tanong ko. Kumunot ang noo ni Adie. "Anung ha? Ang sabi ko kumusta ang bakasyon mo? Me sakit kA ba bakla?" Taas kilay na sabi nito. Natauhan naman ako at tumitig sa kanya. "Sorry bhie...puyat lang" depensa ko. O ano nakakita ka ba ng boylet dun na mas gwapo pa ke "Arthur de panget"..nanggigigil na sabi ni Adie. "Pag naiisip ko pa rin yung ginawa ng lalaking kupal na yun..tumataas ang presyon ng dugo ko. Sana man lang pinagpalit ka sa me class at mas maganda sayo kaya lang wala rin siyang utak at ipinalit ka sa mukhang pato" gigil na sabi ni Adel. Napangiti ako. Wala talagang tatalo sa babaeng toh. Ito lang talaga ang naging kaagapay ko nung panahon na kumalat yung balitang break na kami ni Arthur. "Bes, alabyu talaga. Your the man!" Sabi ko sabay yakap sa kanya. "Tse, tigilan mo ko. Kung nakinig ka sa akin ang pinabayaaan mo kong sabunutan ang higad na yun di sana di ako naiimbyerna ngayon" nakasimangot na sabi nito. Natawa ako sa sinabi niya. Nung araw kasi na yun, susugod sana ito sa higad na yun at sasabunutan niya. Kaya lang pinigilan ko. Kasi naman ayoko ng iskandalo. Kaya ang lumabas tuloy, ako ang nang-aagaw kasi chinismis na ng higad na yun. " pabayaan mo na.. I don' t care about them. Ang mahalaga e me taong naniniwala sa akin at ikaw yun bes" sabi ko. "Ayyyy....ang bakla ang sweet naman.." Touch na sabi ni Adie. "Anyway anu ngang nangyari sa bakasyon mo?" Tanong uli ni Adie. Ngumiti ako at tumango sa kanya..making sure na di ako halata. Me tumawag ke Adie kaya nagpaalam muna siya sa akin. Tumango ako. Habang tinitingnan ko si Adie palayo sa akin. Naalala ko yung nangyari sa bakasyon ko. Nagising akong masakit ang katawan at para akong binugbog. Tapos naramdaman kong me katabi ako. Pagtingin ko nakita ko yung lalaking tumulong sa akin kagabi. At saka ko narealize ang katangahang nagawa ko kagabi. Giving yourself to a stranger. Yung bagay na di mo naibigay sa ex bf mo ay kusang loob mong naibigay sa taong ito. Ni pangalan ay di mo nga naitanong. Di ko alam kung anong utak ang pumasok sa akin kagabi at nangyari ito. Buti sana kung isang beses lang. Kaya lang paulit ulit naming ginawa ito hanggang sa mapagod kami at makatulog. I felt panic realizing it. Dahan dahan akong umalis sa higaan. Tiniis ang sakit sa ibabang bahagi ng katawan. Kinuha ang damit na bahagya ng tuyo at sinuot itong muli. Nang matapos magbihis ay minsan pang sinulyapan ang lalaki bago lumabas ng bahay. Nakita kong papasikat pa lang ang araw. At wala ng bagyo. Naglakad ako sa daang nakita ko. Hanggang makita ko ang kalsada at ang kotse ko. Buti na lang di tinangay ang sasakyan ko ng malakas ng hangin. Sinubukan kong paandarin ito. At laking tuwa ko ng umandar ang sasakyan. Huminga ako ng malalim at tumingin muli doon sa dinaanan ko. At umalis na sa lugar na yun Pagdating sa bahay. Agad akong naligo dahil pakiramdam ko nanlalagkit na ang buong katawan ko. Pagkatapos kong maligo, napansin ko na parang me tattoo ako sa leeg. Sa pagitan ng aking leeg at balikat. Hindi naman siya mukhang hickey. Mas mukha siyang tattoo. Inisip ko kung san ko ba ito nakuha. Nang walang maisip ay pinabayaan ko na lang ito sa aking leeg. Pinilit ang sarili na kalimutan ang nangyari at isipin na lang na experience ito. Atleast naging maganda ang first experience ko. At kahit di ko kilala ang lalaking yun, naramdaman kong ingat na ingat siya ng gabing yun sa akin. Buti na lang at di ko ito naibigay sa Arthur na yun. So sa madaling sabi, ang 5 days vacation leave ko ay ginugol ko sa bahay ko. Babaunin ko na lamang na magandang bagay ito at kalilimutan ang lalaking yun. Sana lang di na kami magkita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD