Chapter 4

498 Words
Her POV Kinabukasan, pagpasok kong opisina. Nakita kong parang nagkakagulo ang mga department head ng bawat department. Wala pang alas 8 pero andito na ang mga boss sa bawat deparment. Nakita ko si Adie at ang ex kong tsonggo na nagkukumpulan habang kinakausap ng Executive Assistant ng VP. Pagkatapos ay umalis na ito. Nakita ako ni Adie at kinawayan. "Bakla, bat ngayon ka lang?" Tanong ni Adie. "Bakit, anung meron?" Tanong ko. "Wala ka bang nareceived na email kagabi? All department heads must come early for a little briefing" " for what?" Tanong ko. "Bakla darating ngayon yung big boss and we must prepare our report before lunch. Magkakaroon ng meeting, probably 1pm." sabi ni Adie Nanlaki ang mga mata ko. "O sh-, my gulay bie di pa ko nakakagawa ng report". Panic filled my heart. "Kaya nga, ako rin naman. Bilisan na natin. Tapusin natin toh before 11."nagpapanic narin si Adie. "Bakit naman ganun, unannounce yung pagdating? Kakainis naman!" Inis na sabi ko. "Di ko rin alam bakla, sabi nila ganun daw talaga yung big boss. Minsan lang daw kasi pumunta yun dito kaya meeting agad" " O sige bie..tara na ng makarami ng gawa" paalam ko. "Babush, kita nalang tayo sa board room mamayang 1pm" paalam di ni Adie. Dali-dali akong pumasok sa office ko at binuksan ang computer and started typing. Di ko na nagawa ang ritwal ko na magkape dahil sa panic. I am the head of finance department and Adie is the head of sales department. Wala na kong time mag-almusal dahil sa pagmamadali. ----------------------------------------------------- 12:30 na ng tanghali pero kalahati pa lang ang nagagawa ko. Naiiyak na ko. Nakakainis pa kasi nagloko ang printer ko. Nag makita kong hindi na talaga ako aabot, hinanda ko na lang ang mga naprint ko. Nagdasal na sana naman di ako gisahin ng big boss ng maraming tanong dahil baka mapansin niyang di ako prepared. Usap-usapan pa naman na terror ang big boss at pag nakita niyang di ka efficient, tsugi ka agad. Wala siyang paki kung head ka pa ng isang department. Kaya kinakabahan talaga ako. Nang matapos akong magprint. Tiningnan ko ang oras at 12:57 na. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Tumakbo ako papuntang elavator para makarating 23rd floor. Nasa 10th floor kasi ako. Pinagpepray ko na sana naman , di ako ma-late ng bongga. Lakad-takbo ako papuntang boardroom. Nakita kong may mga men in black na nandun. Ibig sabihin, andyan na ang big boss. Lalo akong nagpanic. Nakita ako ng mga men in black at bakas ang gulat sa kanila. Mayamaya nagulat ako dahil yumuko sila sa harap ko. Parang nagbibigay galang. Napanganga ako sa ginawa nila. "Hinihintay na po kayo ng big boss sa loob", sabi nung isang men in black. Binuksan nila ang pinto. At pumasok na ko. Nakita kong lahat ay nandun na. Maliban sa akin. Nakita ko rin si Adie na pinandidilatan ako ng mata kasi late ako. "Ms. Reyes, your late?" Napalingon ako at napanganga. Para akong tinakasan ng lakas sa nakita ko. Ang taong ayoko ng makita. . . . . Yung lalaking, nakaniig ko ng araw na yun.  . . . Ayun at nasa harapan ko. Nakakunot ang noo. I'm so dead.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD