CHAPTER 8: Winonna

3653 Words
  I Want You Back.              *** Winonna Villaraza. "What should I wear? Hmm. Heto na lang kaya?" Itinapat ko sa aking katawan ang pang pitong outfit na pinagpipilian ko for today. Ngayon na kasi ang first day namin ni Sabrina na magkatrabaho sa dream house ng Lola ng new girlfriend n'ya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may bagong girlfriend na s'ya. I should be happy for her, but nah, magiging masaya lang ako kapag nakita ko mismo at naramdaman kong sa iba talaga s'ya sasaya at hindi sa akin. I know how to fight, but I also know when to stop. I'm not that desperate, at mas lalong hindi ako selfish. This is the day na sasabihin ko sa kaniya na gusto ko siyang i-win back. Tama naman si Georgina eh, hindi kami bumalik dito for nothing. Kasi kapag mahal mo, ipaglalaban mo. At ngayong wala nang problema, I'll get what's rightfully mine. Pero sabi nga ni Georgina, matuto kaming kumatok. Iba ang pagkakaintindi ko doon, bukod pa sa pagkakaintindi ni Princess. Kaya naman sinuot ko na ang kung ano mang madampot ng kamay kong damit, which is an asymmetrical top and tulip-shaped skirt. Nag-wedge lang akong shoes at tote bag. Hinayaan ko na lang ang buhok kong nakalugay. Hinawi ko ito pa-side kung saan litaw ang colar bone ko at ang bagong piercing ko sa itaas ng tenga. "Okay, this is it, Winonna. Wala nang mag-ba-back out. You," Itinuro ko ang aking reflection sa full body mirror ko. "will get what once been yours." There's a flaming determination in my eyes as I grab my car keys on the side bed table. Lumabas na ako ng kuwarto ko at pagdating ko sa dining area, nakahanda na ang lahat. Even my daily dose of coffee. Alam na alam kasi ni Mama na hindi ako makakapagtrabaho nang maayos kapag hindi ko naiinom ang daily dose of coffee ko. Coffee is life for me. Instant heater na rin kasi ito sa akin, lalo na noong nasa Germany pa ako. "Anak! Halika na at kumain. Pinaghanda ko lahat ng gusto mo. Alam ko miss na miss mo na ang lutong pinoy. Puro ka na lang kasi tinapay sa Germany, eh." Hinila na ako ni Mama patungo sa upuan ko, katabi ang mailap ko pa rin na kapatid. Napabuga ako nang malalim na hininga nang mag-hi ako kay Wendy pero irap lang ang isinukli nito sa akin. Galit pa rin ito hanggang ngayon sa akin. Hay nako. Sana naman dumating na 'yung panahon na mapapatawad din n'ya ako. Tahimik lang akong kumuha ng sinangag na kanin at pork and beans na paborito kong agahan noon pa. "May pasok ka ba ngayon, Wendy? Sabay ka na sa akin. Along the way lang rin naman ang University mo sa bago kong trabaho." I heard my mom gasped. Nabitawan pa nga n'ya ang kubyertos na hawak n'ya kaya kumalampag ito sa kaniyang plato. "Teka lang, 'nak. Akala ko ba nakapahinga ka muna sa trabaho ngayon?" Sh*t. Hindi ko na maitatago ito nang matagal. Well, not that I'm keeping it a secret. I can't keep a secret from my family. "Ahm," inubos ko muna ang kinakain ko bago nagsalita ulit. "ano kasi, 'Ma. Pinakiusapan kasi ako ng kasintahan ni Queenie na maging partner architect ng kaniyang kaibigan para sa Grand Mother's dream home n'ya," Tumikhim ako nang kita kong napatigil si Wendy sa pagkain n'ya. "eh hindi naman ako makatanggi. Kaya tinanggap ko na. Saka magiging madali lang naman 'yon kasi dalawa kaming architect na magtatrabaho doon." Tumikhim ulit ako at saka nag-iwas ng tingin. Gosh, ang intense naman kasing tumingin ni Mama at ni Wendy eh. Na-ra-rattle tuloy ako. "Kasintahan ni Queenie? Itong Queenie ba na 'to ay ang dating kasintahan ng kaibigan mo na si Princess?" Kunot noong tanong ni Mama. Aside from Wendy, alam na rin ni Mama ang s****l orientation ko at ng buong squad ko. Tanggap naman ako ni Mama. My gosh, kami-kami na nga lang, itatakwil pa ba n'ya ako? Well, at least, that's what she told me noong nalaman n'ya ang katotohanan kay Mr. Castillan, 2 years ago. And yes, si Mr. Castillan ang nag-come out sa akin sa sarili kong Ina. Takot na takot ako noon, syempre. Bago pa lang ako sa mundo ng l***q community at kasalukuyang nangangapa pa ako because I used to be straight, remember? Ang hirap din ng adjustment na napagdaanan ko. Sumabay pa ang kasunduang ibinigay sa akin ng Ama ng aking babaeng minamahal. But I thank God so much, dahil binigyan n'ya ako ng Ina na mapang-unawa at tinanggap pa rin ako nang buong-buo kahit sa mata ng nakakarami ay mali ang makipagrelasyon sa kapwa mo babae o lalaki. "Yes po, 'Ma." Tikhim ko ulit. "Eh sino naman daw ang partner architect mo, 'te?" Taas kilay na tanong ni Wendy. I can clearly see in her brown eyes that she knows who is my partner architect. I cleared my throat once again, at saka kinuha ang tubig at uminom nang marami. Feeling ko natutuyuan ako ng lalamunan eh. "Si Sabrina." Mahinang sagot ko. "Gotcha." Napatingin ako kay Wendy at napangisi itong uminom ng tubig. Si Mama naman ay dali-daling uminom din ng tubig at nang mahimasmasan ay pinaulit nito sa akin ang naging sagot ko. "Si Sabrina Castillan po, 'Ma. S'ya po ang partner architect ko sa project ko pong ito." Paglilinaw ko. "Anak.." Natutuwang sambit ni Mama. Halata sa magandang mukha n'ya ang kasiyahan para sa akin. Because of all people, she knows how I suffered when I painfully leave the only person who makes me feel whole. "Kaya pala pinaghandahan mo nang todo ang ayos mo ngayon, ah? Dati-rati naman ay wala kang pakialam sa magiging itchura mo eh. Pero ngayon," she even wiggled her eyebrows playfully. Gosh, nanay ko nga s'ya. Mapang-inis din eh.. Napapailing na lang akong nagpatuloy sa aking kinakain. Pagkatapos namin sa aming agahan, may himalang sumabay si Wendy sa akin sa kotse. Tahimik lang siyang sumakay sa may passenger seat. Napangiti naman ako doon. At least now, hindi na n'ya ako ginagawang driver kapag once in a blue moon siyang sumasabay sa akin sa kotse ko papasok sa University na pinapasukan n'ya. Pumasok ako sa driver's seat at nang nasa highway na kami, nakangiti pa rin akong sumulyap sa kaniya. "Kumusta ang pag-aaral mo? Gusto mo ba doon sa PUP o mas gusto mo sa iba? Just tell me, papag-aralin kita kahit saan mo man gusto." Masayang lintaya ko. Now that I'm financially stable, ayaw ko namang titipirin ko ang pamilya ko. Gusto ko na maibigay sa kanila ang lahat ng karangyahan dito sa mundo because first of all, they deserve it. "Okay na ako doon. Noong una gusto ko sa Hartfield, pero nang malaman ko na banned na pala ako doon, hindi na rin ako nangarap pa ng iba." Nawala bigla ang ngiti sa mga labi ko. Hindi ko rin mapigilang mahiya at masaktan sa narinig kong hinanakit sa boses ng kapatid ko. Noon pa man kasi ay pangarap na niyang makapasok sa Hartfield University. Pero nang dahil sa naging kagagawan ko, nasira ko ang isa sa mga pangarap ng kapatid ko. "Alam kong ayaw mong pag-usapan ito, 'te pero ano nga ba kasing nangyari? Bakit ka na lang biglang umalis? At bakit banned na ako sa dream school ko? At saka bakit kayo naghiwalay ni Ate Sabrina? 'Te alam mo bang hinanap n'ya ako? She of all people begged me to tell her where she can find you. Lasing s'ya noon 'te, wasak na wasak. Halos hindi ko nga s'ya nakilala noon eh." Napapikit ako to suppress my tears from falling. Sh*t! 'Wag na 'wag kang iiyak, Winonna. 'Wag na 'wag! Mabuti na lang at umabot kami sa stop sign dito sa highway, kung hindi ay sa hospital panigurado ang bagsak naming dalawa ni Wendy. Huminga ako nang malalim nang makalma ko na ng kaunti ang sarili ko. F*ck, hindi ko inaasahang sasabihin iyon ni Wendy. Well, naghihintay ako ng confrontation galing sa kaniya, oo pero hindi sa paraang ganito. Sobrang out of the blue naman. Hinarap ko ang kapatid ko na halata ang hinanakit sa magandang mukha n'ya. Alam ko nahihirapan s'ya pero kasi, hindi ko naman masasabi sa kaniya ang naging dahilan ko kung bakit ako umalis noon. "Wendy, past na iyon eh. Huwag na nating pag-usapan ito please lang," pakiusap ko. I heard her let out a psh sound sabay ikot ng mga mata n'ya. "Hanggang ngayon duwag ka pa rin, 'te. At hanggang ngayon, hindi ka pa rin naawa sa sinapit ni Ate Sabrina noon nang dahil sa 'yo. Hindi ako galit sa 'yo nang dahil lang sa pabigla kang umalis ng bansa, masakit oo pero nagalit talaga ako sa 'yo dahil hanggang ngayon, hindi mo pa rin ginagawan ng actions ang ginawa mong mali kay Ate Sabrina. Nasaktan ako para sa kaniya, 'te. And I hate you for leaving her behind without any explanation. I mean, of all people, hindi ko inaasahang magagawa mo 'yon." Kita kong nagpahid nang mariin ng luha si Wendy at saka na lang s'ya pabalang na lumabas ng kotse ko. "Mag-ta-taxi na lang ako." She informed then she immediately took off. Kita kong nagpara ito ng taxi. Hindi na ako nag-abalang habulin pa ito dahil nag-go signal na rin naman ang stoplight. Mabilis ko namang pinagana ulit ang kotse ko at habang binabaybay ko ang daan patungo sa address na binigay ng girlfriend ni Sabrina sa akin kagabi, humihikbi ako. I didn't know na natunton din pala ni Sabrina ang kinaroroonan ng kapatid ko noon. Sobrang nasasaktan ako ngayon sa mga nalaman ko mula kay Wendy. Hanggang ngayon, hinahabol pa rin ako ng nakaraan ko. At hindi ko mapigilang panghinaan ng loob na makuha pa pabalik si Sabrina ngayon nang dahil sa hiya ko sa kaniya. She suffered because of me. Sinira ko s'ya. At hindi ko na alam kung may babalikan pa ba ako ngayon. ****** "So, what do you think about the whole place?" Tanong ni Sulli sa aming dalawa ni Sabrina na tahimik lang na naka-crossed arms habang may suot na black sunglasses. Matirik naman kasi ang araw at masakit sa balat kaya alagang-alaga s'ya ni Sulli, parang ngang takot ito na maarawan lang si Sabrina. She's sweet and I can't help but to feel hurt. Pero hindi ko na lang pinahalata. I stayed professional in front of them. I can be professional naman. Tiningnan ko naman ang buong place ng dream home ng Grand Mother n'ya. At malawak s'ya at sobrang laki ng lote pero sa  hindi ko mapigilang mapangiwi. Tiningnan ko si Sulli. "Eh matalahib s'ya?" Gosh, ang tataas kaya ng mga damo na akala mo ay ilang taon nang hindi nagugupitan. Rinig kong napaismid si Sabrina. Pareho kaming napatingin ni Sulli sa kaniya, since mas nauna akong napatingin kay Sabrina, nakita ko kung paano napangiti ito sa aking sinambit. Pigil na pigil tuloy ang aking ngiti. Napakagat labi pa nga ako dahil oo na! Kinikilig ako. A little glimpse of hope ignite my heart.. "Are you okay, Aga?" Aga means Baby in Korean. I know. I searched. Tumikhim si Sabrina at nagpaypay ng kamay n'ya malapit sa kaniyang magandang mukha. "Yes, medyo mainit lang. Ipaputol na 'yang mga talahib para mapabilis ang paggawa namin sa dream home ng Lala mo." "Correction, Aga, Lala natin. Malapit na kitang maging asawa, eh." Sulli grinned. Napalunok naman ako nang madiin. Umikot naman ang mga mata ni Sabrina kay Sulli. "Okay, whatever. Lala natin. Happy now?" Taas kilay na tanong nito sa kasintahan. I feel like I'm third wheeling here. Parang ngang naging hangin na lang ako sa kanilang dalawa kaya umalis na lang ako doon at tinulungan na lang ang mga helper na gupitan ang mga talahib sa buong property. Hindi rin naman ako sanay na walang ginagawa. Nasanay na akong laging busy sa Germany. In my spare time naman ay inaasikaso ko ang maliit ko na kumpanyang itinayo. Kaya sanay na sanay na akong laging may ginagawa. And I also want to get out of there dahil nilalanggam na ako sa ka-sweet-an ng ex-girlfriend ko at ng bago niyang girlfriend. "Miss Villaraza, huwag ka nang tumulong diyan, kaya na nila Kuya 'yan. Mangangati ka lang diyan." Nag-aalalang saad ni Sulli sa akin. She even rush over at me, at kukunin na sana ang itak na hawak ko pero mabilis ko itong inilayo sa kaniya. "No, it's fine. Hindi rin naman ako sanay na walang ginagawa. I can't just sit there and watch them work," I reasurringly smiled at her. "don't worry, Sulli, kaya ko 'to. This is just a piece of cake." I wiggle my eyebrows at her then be on my way. "Okay then, tutulong na rin ako." Napalingon ako rito at kumuha nga s'ya ng itak at sumunod sa akin. Napabuga na lang ako nang malalim na hininga. How can I compete with her? Eh palak naman na mas better ito sa akin. Gosh. Kaagad akong naging preoccupied. Ganito ako kapag busy. Wala na akong pakialam sa paligid ko, I mind my own work and that's what happening now. Parang akong nasa ibang dimension ng mundo habang pinuputol ang mga talahib na nadadaanan ko. Out of nowhere, I saw a glimpse of Sabrina's. Naka mini skirt lang kasi ito at naka tuck-in ang fitted white t-shirt n'ya sa skirt n'ya habang naka-5 inches wedge heels. Kaya kitang-kita ko ang maputing legs nito at mahirap ialis ang mga mata ko sa makinis niyang balat. I know every part of her body. I memorized it kaya alam na alam ko. At gano'n na lang ang pagtataka ko nang may hawak rin itong itak habang ang sunglasses n'ya ay ginawa na lang niyang headband ngayon. "Bakit ka pa nandito? Mangangati ka lang," sambit ko at pinagpatuloy ang pagputol sa mga talahib. "Tapos hindi ka pa nagsuot ng gloves. Mas mangangati ka niyan," "Ano bang ginagawa sa kati? Edi kinakati, 'di ba? Kakatihin ko na lang if mangangati ako. Don't mind me and just mind your own business." Maanghang na sabi nito. Napatahimik naman agad ako. Sabi ko nga, dapat hindi na lang ako nagsalita. Tumalikod ako sa kaniya dahil hindi ko na s'ya kayang pagmasdan. Hindi ko kasi mapigilan ang longing na nararamdaman ko sa tuwing malapit s'ya sa akin, baka kasi mayakap ko na lang ito nang basta-basta. Baka masampal ako nang wala sa oras if ever.. Gaya ng sabi ng reyna, I mind my own business pero nang mapansin ni Sulli ang girlfriend nito na nagpuputol din ng talahib, napatili s'ya at gagad na nilapitan si Sabrina. "Aga! What are you doing here?! Gosh, baka mapano ka pa dito." Napakagat labi naman ako. Gosh, kailangan talaga sa tabi ko sila magpapaka-sweet sa isa't isa? Masyado nang masakit, ah? Gaya kanina, lumayo ako sa kanila at nagputol na lang ng mga talahiban sa paligid. Few hours later, heto na ako ngayon, sobrang daming pantal. Pero worth it naman dahil natapos namin ang dapat ayusin sa property. "Hey, you work hard today. Here's some cold water. Para ma-relived 'yang pangangati mo sa katawan." I mentally cleared my throat. Parang ibang "kati" ang naiisip ko. Diyos ko po, Winonna, ano bang pinag-iisip mo! Nakangiting kinuha ko naman iyong canteen ng cold water na inoffer n'ya. "Salamat," sabi ko saka ito pinanghilamos sa kamay at batok ko dahil makati talaga. Habang naghihilamos ako ng mukha, I saw a flash of camera made towards me. Automatic akong napatingin sa nag-snap ng camera at kumabog nang malakas ang puso ko nang makita na si Sabrina ang nag-snap ng picture. Nabigla rin s'ya nang marinig ang pag-flash ng camera na hawak n'ya. Pero for a split second lang 'yon at kaagad din siyang nakabawi. "Puwede umalis ka muna diyan? Pipicturan ko lang ang buong lote." Masungit na nag-gesture itong umalis muna ako. Hindi na lang ako umimik, umalis na lang ako doon at hinayaan siyang kunan ng picture ang lote. I also snap a pictures for myself. I need to visualize it para mabigyan ng magandang design ang buong lote. Pag-aaralan ko s'ya mamayang gabi. And since dalawa kaming architect ang magtatrabaho dito, I will need Sabrina's email and contact number. Kaya naman lakas loob akong lumapit sa kaniya nang matapos itong kuhanan ng pictures ang buong lote. "Sabrina, can we talk?" Tumaas ang gilid ng labi nito. "Yes, what do you want?" Naiiritang tanong n'ya. "Can I have your email and contact number? I'll be working on the possible designs of the property later in the evening. But since we're in this together, I will need your opinion too." Rinig kong umismid ito pero hindi ko na lang pinansin. Professional ako, remember? May tamang oras at panahon para sabihin ko sa kaniya ang dapat kong sabihin. Kita kong may kinuha siyang maliit na calling card sa tote bag n'ya at saka n'ya ito masungit na inabot sa akin. "Hindi na kailangan, here's the address of my architecture firm, every morning 'til noon, we get to work together. Come by tomorrow morning at 9 am sharp. Don't be late dahil ayaw ko nang late." Tahimik na tumango-tango ako at pinagmasdan ang white colored card. Nakapaloob doon ang address ng firm nila. At wala ngang contact number o email ang nakalagay doon. Gosh, napahiya ako doon, ah? Bagsak ang balikat na umalis na ako. Maybe this is not the right time to tell her what I had in my mind. Nang makarating ako sa sasakyan ko, ipinasok ko sa aking nakabukas na handbag ang binigay sa akin ni Sabrina. Binuhay ko na rin ang makina ng sasakyan ko para i-warm up ito at saktong patapos na ako nang lumapit sa sasakyan ko si Sulli. Nakangiti ito sa akin nang malawak. She spread her arms on my car window na nakabukas ngayon. "Hey, thank you for today. Especially for the extra help. Though, humihingi ako nang dispensa sa girlfriend ko, I know she can be a tough one to handle. I hope you can understand her mood swings, gano'n lang talaga 'yon, pero mabait talaga s'ya," Napangiti na rin ako. I know, alright. Hindi s'ya magiging isang Sabrina Castillan kung hindi s'ya masungit at b*tchy. Kaya ko nga iyon minahal in the first place eh, nang dahil sa attitude n'ya. "Anyway, ikaw na ang bahala sa girlfriend ko, ha? Babalik kasi ako sa Korea to handle some things. Siguro I'll be back in two months time," ngumiti ulit ito nang malawak, na parang may pinapahiwatig. "At pagbalik ko, I will propose to her, pero hush ka lang muna, ha? And I want you to organize my engagement with her after two months. You're a famous wedding planner, right? Ayaw ko nang lumayo pa at maghanap ng mag-o-organize ng engagement namin at isa pa, magaan ang loob ko sa 'yo." She winked at me then tapped my already cold arm. "By the way, here's my calling card and my girlfriend's number is there also, I know she didn't give you her contact number, friends lang n'ya at ako lang kasi ang may alam ng personal number n'ya. She doesn't want to give it to just anyone else. But since we're friends and I really trust you, I gave this to you. Call me whenever you need anything," she winked at me again. "Sige na, Miss Villaraza. Thank you ulit for today. See you in two months! Ciao!" Hindi na ako nakapag-react pa nang umalis na ito at kita kong nilapitan n'ya ang nakatingin na si Sabrina sa amin, or should I say, sa akin? Hmp, baka namamalikmata lang ako. Pero hindi ko mapigilang pagmasdan s'ya habang naglalaro ang mga nalaman ko mula kay Sulli kani-kanina lang. Sh*t, she's going to propose after two months? F*ck, I need to take my actions fast. Nag-iwas na ako ng tingin kay Sabrina at umalis doon after. Malalim na ang gabi nang matapos ako sa trabaho ko at after that, nakaligo na rin ako at ready na for bed nang makita ulit ang calling card na binigay sa akin ni Sulli kanina. May nag-udyok naman sa akin na kunin ang cellphone ko at i-dial ang cellphone number ni Sabrina. Bahala na, makapal na kung makapal, basta ako, miss na miss ko na s'ya. At saka, gusto ko na rin iparating sa kaniya ang kanina ko pa gustong sabihin sa kaniya.. Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang magsimulang mag-ring ang cellphone nito. Sh*t, this is it! After four rings, sinagot na n'ya ang tawag. "Hello? Who the f*ck is this and where did you find my number?" Pambungad nito. Gosh, nangangagat agad s'ya. Hindi pa rin siya nagbabago. "And why are you laughing? Who the hell are you?!" Sumisigaw na s'ya ngayon. Gosh, Sabrina! I tried my hardest to suppress my giggle but it keeps on showing anyway. "Sabrina, this is Winonna." Sa pagkakasabi ko 'non, bigla itong napatahimik. Kaya naman kinuha ko na itong opportunity na ito para sabihin ang dapat kong sabihin sa kaniya. I cleared my throat. "You don't have to say anything because I just need to inform you one thing," I cleared my throat again. Gosh, parang feeling ko may nakabara sa lalamunan ko ngayon. Gaya nang sabi ko, hindi nga ito nagsalita pero alam ko naman na nasa kabilang linya pa s'ya dahil dinig na dinig ko ang paghinga nito. "I want you back, Sabrina." Rinig kong nahigit ang paghinga nito. She's clearly taken aback by what I said. "And I'll do anything to prove that to you. Anyway, see you tomorrow!" Pagkasabi ko 'non ay agad ko na rin pinatay ang tawag at naibagsak ang phone ko sa side table ng kama ko. "Sh*t!" Napahilamos ako ng mukha. Pero hindi ko maikakaila ang ngiting sumilay sa mga labi ko. I still have an effect on her.. Now that's the start. ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD