CHAPTER 7: Princess

3149 Words
I Want You Back.            *** Princess Ramos. Nakatulalang umaagos ang mga luha sa mukha ko habang nasa harapan ng macbook ko. Kakatapos ko lang mabasa ang email ni Queenie sa akin, 2 years ago.. I can't blink, my mouth is getting dry, my lips are trembling and also my hands.. F*ck.. I found myself calling the Lord almighty, hoping that he will hear me.. 'Heto na po ba ang sign na hiningi ko, just three hours ago?' Yes it's only been 3 hours ago since I left the Hartman's company. Technically, it's still my birthday. And this email that she sent me is schedule this day, at my birthday.  Binasa kong muli ang nilalaman ng email ni Queenie, at hindi ko mapigilang mapahikbi kaya naman tinakpan ko ang bibig ko para hindi ako marinig ng pamilya ko dito sa kwarto ko. I don't want them to worry.. Huminga ako nang malalim to calm me down, at nang makuha kong muli ang paghinga ko, I started caressing the screen of my laptop, tears are still falling down my cheeks. Gosh, ang sakit. Sobrang sakit.. "Totoo pa rin ba 'to, Queenie? Pero may girlfriend ka na. How can I hope for this? How can I make sure that you still want me? I saw how you looked at her. Ganoon mo rin ako tingnan dati.." Humihikbing tinakpan ko ang mukha ko at doon ibinuhos lahat ng sakit sa puso ko. But without further ado, and without even realizing, I frowned then raise my head to look at my computer screen again, my tears are colored in black right now because of the mascara that I'm wearing. I found myself repeating the email that she sent me two years ago.. I keep on repeating it until something snap inside me. It's like a light of hope snap inside me as I read this line on Queenie's letter.. I will never lose hope. Kumabog nang malakas ang puso ko at bumaba pa ang mata ko sa next paragraph ng letter niya. Just please, come back to me whenever you're ready. ****** "So? What did I miss?" tanong ng kakarating lang na si Tasha. Binaba n'ya ang susi ng kotse n'ya sa table namin dito sa isang bar na pinasukan namin around QC.  I heard Georgina sighed heavily. Bakas ang lungkot sa mga mata n'ya. Gano'n din naman ako ngayon. I think, kaming lahat naman ay gano'n ngayon. Ilang years din naman kaya kaming nawala without even informing them kung saan kami pupunta o kung bakit namin sila iniwan. Hindi na ako nag-expect na i-we-welcome nila kami with open arms then says we're back together again. Napahilamos ako sa aking mukha. "Ahm, parang alam ko na, huwag n'yo nang sabihin. Gano'n din naman ako." Pabagsak na umupo si Tasha sa tabi ko and she's about to cry when she looked at me. "Olivia proposed to Reeyan. Pang isang araw pa lang natin ngayon pabalik dito sa Pilipinas pero heto na ang bumungad kaagad sa akin, sa atin. Am I that too late to have her back? Sh*t, tell me girls, paano ko pa s'ya niyan makukuha pabalik if she's already engaged?" Kita kong nahulog ang mga luha sa mata n'ya. "And she looked so happy," dagdag pa n'ya. Nagkatinginan kami ni Georgina at Winonna. Gaya nga nang sabi ko, gaya nila, hindi rin naging maganda ang interaction namin sa mga taong naiwanan namin. Winonna saw Sabrina with someone else. Georgina saw Jazmine with her best friend and according to her, she saw the love she has for Georgina whenever Jazmine looked at Arabella. And now, me with Queenie. Ang presence ko ay parang wala na lang ito sa kaniya. Pero kasi.. Lumapit ang dalawang tauhan ng bar sa table namin na may dalang mga alak, pagkain at isang pabilog na cake. Kahit masakit at sobrang lungkot nang nararamdaman naming magkakaibigan ngayon, they still never ceases to make me happy. Nilapag nila ang mga dalang pagkain at ang cake ay hawak ng isang lalaking tauhan ng bar. He's smiling from ear to ear while he's singing me a happy birthday together with his colleagues. Napangiti ako ng pagak pagkatapos nila akong ipagkanta. "Mag-wish po muna kayo, Ma'am," sambit ng waiter or whatever job he has here. Inilapit n'ya ulit ang cake sa akin para mag-wish muna raw ako kasi i-bo-blow ko na sana kanina eh. Nakalimutan ko na kailangan nga muna palang mag-wish before you blow the candle. Gosh, Princess.. Nginitian ko ang mga kaibigan ko bago ako pumikit at pinagdaop ang aking mga kamay and then in my head and in my heart, I said my wish.. Sana may pag-asa pa para sa amin ni Queenie kahit alam kong malabo na. At sana mapatawad n'ya ako sa aking nagawang kasalanan sa kaniya.. I also wish for my family and friends. Then after I said all the wish I have in my head, I finally blow the candle and that's when they clapped their hands as they greeted me a happy birthday. Sinuklian ko lang sila ng tipid na ngiti dahil sa ngayon, iyon pa lang ang kaya kong ibigay sa kanila. Niyakap ako isa-isa ng mga kaibigan ko. Sayang nga at wala pa si Amina at Sarah. Edi sana kumpleto na ulit kami. "So, girls what now? Any idea kung paano natin maisasagawa ang motto natin?" Taas kilay na tanong ni Georgina. I can see in her hazel eyes ang determinasyong makuha pabalik si Jazmine. The way she chug her beer is enough proof for that.  "Girl, mukhang mahirap, engaged na nga si Olivia." Problemadong saad naman ni Tasha habang nilalaro-laro lang sa daliri n'ya ang rim ng shot glass n'ya. "Tash, hindi tayo bumalik dito para maging talunan. Engaged pa lang naman sila, at least hindi pa sila kasal, 'di ba?" Nagtingin-tingin sa amin si Georgina. Tumango-tango naman ako dahil may point naman talaga kasi si Attorney Sungit. Gano'n din ang ginawa ni Winonna na tahimik na umiinom ng shot n'ya sa tabi ni George. "Sa tingin n'yo magagawa kong sirain ulit ang kasiyahan n'ya? Hindi ba parang ang selfish ko naman?" Nag-aalalang tanong ni Tasha. "Alam mo, uminom ka nga muna kasi, ang nega mo eh." Nakasimangot na inusog ni Georgina ang shot glass ni Tasha sa kaniya. Napailing na lang akong natatawa sa babaeng 'to. Desidido kasi talaga s'ya. I can see and can feel the flaming determination in those hazel eyes of hers. "Queenie emailed me today." Naibulalas ko na lang bigla. Hindi ko na maitatago ito. Gaya ni Georgina, I really want my Queenie back. As expected, their heads turned at me. "She what?" They all asked me. Kaagad namang lumapit si Georgina sa akin at nag-usisa nang ilabas ko ang phone ko para ipakita sa kanila ang email ni Queenie sa akin ngayong birthday ko. "Sh*t girl!" Georgina exclaimed. "What? Anong sabi? Patingin ako, George." Nag-usisa na rin si Tasha at Winonna na pilit tinitingnan ang screen ng cellphone ko. "Oh sh*t," rinig kong bulalas naman ng dalawa after their read the content of the email. Nakatingin na silang tatlo sa akin ngayon na laglag ang mga panga. "Gosh, sana all na lang," bulong ni Winonna na napapalabi na lang sa tabi ni Georgina. "Princess? I think, you should go and get your girl. I mean, looked at this! If Jazmine emailed me like this? I will go to the end of the Earth just to have her back again. Girl, heto na panigurado ang hinihintay mong sign." "Eh paano kung emotional lang s'ya nang sinulat n'ya 'yan? Look at the date, 2 years ago pa 'yan. Technically, wala pa siyang girlfriend noon," nag-iwas ako ng tingin. "girlfriend na sobrang ganda at down to earth. I can't compete with that," bulong ko pero narinig pa rin naman ng matalas ang pandinig na si Georgina. Kita ko kung paano tumirik ang mga mata ni Georgina. "Girl, isa ka ring nega. Can you all stop that? Ano ba kasing motto natin bago tayo bumalik dito?" Right, we have a motto in life. Napag-usapan na namin ito bago pa kami dumating dito sa Pilipinas. "Bring back what once was mine," sabay-sabay pa naming sabing lahat. "Exactly my point!" Georgina exclaimed. Halos mabasag naman ang bote ng beer niyang hawak nang ibagsak n'ya ito sa table namin. "It's too soon to give up, girls. Wala naman tayong tinatapakang tao dito. If kailangan nating makipagkompitensya then gagawin natin if that's what it takes to have them back." "Makipagkompitensya? Hindi ba mali 'yon?" Tanong ng tipsy na si Tasha. Kinuha ko na ang shot glass n'ya dahil nakakarami na ito. Mag-di-drive pa naman s'ya nito. Nakita ko na namang tumirik ang mga mata ni Georgina. "That's not what I'm saying. Ang gusto ko lang namang iparating doon ay matuto tayong kumatok." Napakunot noo ako. "So, you're basically saying na dapat nating sabihin sa mga taong mahal natin na ipaglalaban natin sila?" Napangiti si Attorney Sungit. Itinaas n'ya ang nakakalahati na niyang beer ng alak sa akin. "Exactly. No matter what they say, masakit man o mas masakit pa, tatanggapin natin ng buong puso, hindi dahil deserve natin ang mga sasabihin nilang masasakit, kundi dahil galit lang sila kaya nila 'yon masasabi in the first place. We'll let them know that we want them back and that, we will do anything to have them back again." "It sounds so desperate but I'm in," sabi ni Winonna na nagtaas din ng kaniyang shot glass, "magiging magkatrabaho na niyan kami ni Sabrina, so tama lang naman ang sinabi ng Attorney nating kaibigan. Let's let them know." Dagdag pa n'ya. Nakikita ko na rin ang umaalab na pag-asa sa mga mata ni Winonna. "Well, I have no choice. I'm in then. Handa naman na akong masaktan ulit. Olivia is worth every pain, I didn't come back here for nothing anyway," sambit naman ni Tasha na nag-su-slurred na ang pananalita. Ang bilis kasing uminom. Gosh. Tiningnan naman nila akong tatlo. "So?" Taas kilay na tanong ni Attorney. Nakapamewang pa nga ito. "So what?" I asked as I sipped my whiskey. "So are you in or out?" Binaba ko ang wala nang laman na whiskey glass ko sa table at tiningnan iyon na parang nandoon ang sagot sa katanungan ni Georgina. Napapikit ako nang madiin. Hay, sana lang wala akong matapakang tao rito sa gagawin ko. "Ehem! Hello Princess? Are you still there?" Napaigtad naman ako sa biglang sigaw ni Attorney Georgina. "Psh, ano pa nga ba? Of course I'm in!" Tinulak ako sa braso ni George. "That's the spirit!" "For now though, let's eat all these food and drink all these free booze! Drinks are on me! Let's party!" Sigaw nito saka kami pinagtatayo para sumayaw sa dance floor. Natatawa na lang kaming tatlo sa kaniya habang naiiling na nagpatianod sa kaniya sa dance floor. ****** Kinabukasan, kahit pumipintig pa ang aking ulo nang dahil sa sobrang kalasingan last night, pinilit ko pa ring bumangon ng kama at naligo. Nahimasmasan naman ako nang kaunti matapos kong makapag-shower at nagbihis nang pang work clothes. As usual, shirt, blazer and bun hair. Naglagay lang rin ako ng light make-up dahil hindi ko naman kailangan ang makapal na make-up para magmukhang tao. Pagkalabas ko nang kuwarto ko, nasa hapag kainan na ang buong pamilya ko at nakahanda na rin ang agahan namin. "Princess, anak, halika na at kumain. Pinaghanda ka ng Nanay mo nang mga paborito mo oh," Ngumiti ako kay Papa na tiningnan pa ang kapatid kong lalaki. "Prince, ayusin mo nga ang upuan ng Ate mo," Napapangiti ako sa loob-loob ko. Halata naman kasing bumabawi talaga ang pamilya ko sa akin. Well, kahit sabihin kong hindi naman na nila kailangang bumawi, gagawin pa rin nila ito nang kusa. Napangiting napapalatak ako, "Ma, Pa, okay lang ako, Prince, sige na ako na riyan." Nagkibit balikat si Prince at saka umupo na sa upuan n'ya at kumuha ito ng hotdog, bacon and eggs at saka ito nilagay sa plato n'ya at sa akin na rin. "Hmm, mukhang maganda ang gising ng panganay namin, ah?" Nakangiting tukso ni Papa. "Syempre, 'Pa. Nadagdagan na naman ang edad ko eh," palusot ko. Pero ang totoo, excited akong makitang muli si Queenie. Marahang ginulo ko ang naka-brush-up na buhok ni Prince. "Thank you, little man," ang sweet kasi eh. Nakakataba ng puso. "Wala 'yon 'te, kulang pa nga 'yan sa mga ginawa mo para sa amin, eh. Mahal na mahal ka namin Ate, maraming salamat sa pagsasakripisyo mo sa ibang bansa para sa amin." Napangiti akong napalunok nang madiin. Kapag ganito na kasi, naaalala ko palagi si Queenie. At napansin naman 'yon ng aking Ina kaya naman pumagitna na s'ya at sinabing tama na ang drama at kumain na at baka ako'y ma-late pa sa trabaho. Kaya naman after namin mag-agahan, heto na ako at pagawi na sa kotse ko at saka nag-drive patungo sa coffee shop ko para bisitahin ito. May kaunting oras pa naman ako para bisitahin ito bago pumasok sa kumpanya ni Queenie. Pagdating ko sa nasabing coffee shop, napangiti kaagad ako nang makitang napakaraming tao ang parito at paroon ngayon sa coffee shop na itinayo ko 6 months ago. Pagkapasok ko pa lang sa coffee shop ay may mga bumati na sa akin. Well, kilala nila ako as the owner of this coffee shop. Ang totoo kasi nito ay avid supporter ako ng l***q community, kahit pa nang nasa America pa ako. I became the voice of the voiceless and they became my family. Actually, nagka-TV guesting na ako at na-featured sa magazine way back in America dahil nga sa sinusuportahan kong movement for l***q community. "Pretty boss! Welcome back here!" "Oh hi, Lettizia! Long time no see!" Masayang niyakap ko pabalik ang manager kong si Lettizia na isa ring bifem na katulad ko. Lettizia is around my age, nakatapos s'ya sa Hartfield University kaya magkakilala na kami noon pa. Pasimple ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Gosh, hindi pa rin siya nagbabago, ang ganda-ganda pa rin n'ya. Though, compared to me, mas maputi ito sa akin, may pagka-mestiza kasi ito. At mas nakadagdag sa taglay niyang alindog ang mga tattoo n'ya sa kamay, dibdib at likod na pawang mga symbolo ng l***q Community. Marami-rami rin umaaligid sa Manager kong ito. Mapababae man o lalaki, pero gaya ko, mas attracted ito sa babae. "Do you want refreshments, Pretty boss? I'll make it for you pronto," she offered. "Oh no, no, no, I just came by to check the whole place. At mukhang dinadayo talaga tayo ngayon, huh?" Na-a-amaze na sabi ko. "Syempre naman! Sa ganda ba naman ng mga nagtatrabaho dito at ng services at ambience ng buong place, talagang dadayuin tayo. May mga regular customers na nga tayo. Gosh girl! Ang ganda ng start ng business mo! At baka nga ma-featured pa ito sa isang TV show. Iba ka na talaga, huh? Hindi ka na ma-reach!" Natatawang pinitik ko ang braso nito. "Sira ka talaga." "Oh speaking of, pretty boss, may naghahanap sa 'yo kanina," Napakunot noo naman ako. Sino naman kaya ang maghahanap sa akin? Well, baka isa sa mga kaibigan ko. "Sino raw?" Tanong ko naman. "And oh! She's right there," Turo nito sa bandang likuran ko. Kunot noo naman akong humarap sa tinuturo ni Lettizia. At halos lumuwa naman ang mga mata ko nang makita ko ang magandang mukha ni Cammie; Queenie's girlfriend. She's smiling at me while she's making her way towards me. At nang makarating ito sa harapan ko, she said Hi. Nag-hi back naman ako. "I was wondering who is the owner of this coffee shop. Ikaw pala. By the way, this place is super cozy! And oh, I just love the way you blend the coffee here. Anyway, do you have a spare time? I wanted to talk to you because I would love to featured this coffee shop of yours in my blog." Oh, blogger pala s'ya. "Ahm, actually, I still have to work in your girlfriend's company." Napangiwi ako sa sinabi kong iyon. And it kinda stings a little. "Oh is that so? Don't worry, papunta na rito si Queenie." Sa sinabi niyang iyon, hindi mapigilang kumabog nang malakas ng puso ko. Sh*t! Pupunta si Queenie ngayon dito? Gosh, maganda ba ang suot ko? Maayos pa ba ang mukha ko? Sh*t! Nag-pa-panic ako! Kaya naman nag-excuse muna ako kay Cammie na pupunta lang ako saglit sa office ko. Mag-re-retouch lang ako saglit. I want to make sure that I will look good today. Kaya naman pagdating ko sa aking maliit na opisina ay nag-ayos kaagad ako. Ang naka-bun kong buhok ay nilugay ko na lang, since natural curly naman ang buhok ko, nilugay ko na lang ito at nag-retouch na. Pero ang siste, nakalimutan ko pala ang little mirror ko sa bahay kaya naman mabilis na lumabas ako at nagtungo na lang sa powder room. On my way there, dahil nga preoccupied ang utak ko ngayon, hindi ko na napansin na nasa iisang lugar na pala kami ni Queenie. Kung hindi pa ako lumingon sa malaking salamin sa harapan namin ay hindi ko pa s'ya makikita. My heart started to drum dramatically as Queenie and I stared at each other on the mirror. "Queenie.." mahinang nasambit ko. Nagpatuloy ito sa pag-li-lipstick n'ya at hindi ako kinibo. Napalunok naman ako nang madiin nang makabawi sa pagkabigla ko. Tahimik akong lumapit sa may sink at nilabas rin ang lipstick ko sa aking handbag at habang pinapahid ko ang lipstick sa aking labi, my eyes travelled to Queenie's. Okay, this is it. I'm gonna tell her now. It's now or never.. "I received your scheduled email yesterday." Panimula ko. In my peripheral view, I saw how she was taken aback. But that only last for a few seconds. Parang ngang isang kisap mata lang iyon eh. Pagkatapos kong mag-retouch, ibinalik ko na ang lipstick ko sa aking bag at saka hinuli ang mga mata ni Queenie. "And I just want to tell you that I want you back," "Say what?" She asked, one eyebrow raised. This time, hinarap ko na s'ya. Hazel eyes met green orbs. "I said, I want you back. And whatever it takes, I'll fight for you." Napaismid ito ng tawa, "I don't know if you know this but I have a girlfriend, Miss Ramos." "I know," Oh, I know alright. I am completely informed that she has a beautiful, kind and down to earth girlfriend. "At ipaglalaban kita sa kahit na sino. I'm saying this to you because I want you to know that I want you back and I'm going to fight for you," Kita kong napanganga si Queenie habang hawak-hawak pa rin n'ya ang kaniyang halatang mamahaling lipstick. Lumapit ako sa kaniya at saka ako nag-tip toe para lang maabot s'ya. Ang tangkad kasi nito. I lightly kissed her cheek. "I want you back, Queenie.." ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD