I Want You Back.
***
Georgina Belmonte.
"'Ma, oh, may dala po akong paborito ninyong Siopao ni Papa." Nakangiting inabot ko kay Mama ang isang balot ng tatlong mainit-init pang siopao na binili ko pa sa may Kamuning kanina.
Paborito kasi ito ng parents ko, lalo na si Papa.
Tiningnan lang ni Mama ang inabot ko sa kaniyang siopao at saka bumalik ang mga nawawalan na niyang ganang mga mata sa mata ko.
"Ibigay mo na lang kay Manang Taning 'yan, kunin mo na rin ang Papa mo sa kwarto at kakain na tayo," sambit nito sabay alis sa harapan ko.
Napatikom agad ako ng bibig dahil hindi ko mapigilang ma-disappoint.
Hays, galit pa rin si Mama sa akin hanggang ngayon..
"Akin na iyan, Hija at ihahanda ko na para makain na ninyo ngayong gabi."
Inabot ko naman kay Manang Taning ang hawak ko at halata sa mukha n'ya ang lungkot para sa akin kahit nakangiti naman s'ya.
Hinimas nito ang braso ko. "Hija, huwag ka nang malungkot. Magiging magkasundo rin kayo ulit ng Mama mo."
Ngumiti ako nang pilit kay Manang na matagal na rin naming kasama dito sa bahay. She became a part of our family pati na ang asawa n'ya na driver pa ni Papa noon noong Mayor pa s'ya ng bayan namin.
"Salamat Manang, sige po, kukunin ko lang po si Papa saglit." Paalam ko saka na umakyat sa may second floor at tinungo ang kwarto nila ni Mama.
Pagkabukas ko pa lang sa pinto, parang mahuhulog na ang puso ko nang magtangkang abutin ni Papa ang kaniyang wheelchair.
"'Pa!" Kaagad naman akong tumakbo patungo kay Papa at saka ito tinulungan na makaupo sa wheelchair n'ya.
Pabagsak akong umupo sa edge ng kama nang matagumpay ko siyang maiupo sa wheelchair n'ya.
"Papa naman. Bakit po kasi nagpilit kayong abutin ang wheelchair mo? Nasaan na ba kasi ang nurse mo?" Pagal na napasuklay ako sa buhok ko.
Ngumiti ito sa akin na abot hanggang tenga n'ya. "Eh, pinag-day off ko muna. Palagi na lang kasi siyang nandito eh. Alam mo na, may pamilya na kasi s'ya."
Napabuga ako nang malalim na hininga. "Of course,"
Bakit pa ba ako magtataka? Eh sa likas na maaalahanin itong Ama ko. Hindi s'ya nakapaglingkod ng labing dalawang taon sa bayan for nothing. Actually, mahal na mahal s'ya ng mga tao dito sa Maynila, kaya kahit matagal na siyang wala sa posisyon bilang Mayor, marami pa rin ang nagmamahal sa kaniya. Kaya lumago rin ang binigay kong business sa kanila ni Mama nang dahil sa walang sawang suporta ng mga taong naging kaalyado at kaibigan na n'ya noong nasa serbisyo pa s'ya.
"Os'ya, 'Pa, ikukuha na lang kita ng bagong nurse, iyong wala munang pamilya this time para naman hindi kayo naiiwanan dito nang mag-isa. Kung palang hindi ako dumating, edi nahulog na pala kayo sa sahig. Ay nako, Papa." Umikot ang mga mata ko at saka inayos ang apakan ng paa n'ya sa wheelchair.
"Hayaan mo na, hindi naman ako nahulog. Uy, s'ya nga pala anak, narinig ko na may dala kang siopao, ah? Binilhan mo ba ako?"
Napatawa ako nang kaunti. "Eh siyempre naman, Papa. Makalimutan ko na lahat huwag lang ang siopao n'yo,"
Nang bubuhatin ko na ang mga paa n'ya para isampa sa apakan, narinig ko itong nasaktan.
"Nako, Papa sorry po! Sorry! Saan masakit?" Naiiyak kong tanong. Gosh, Georgina!
"Hey shh, medyo kumirot lang nang kaunti. Siguro dahil epekto na rin ng therapy ko ito."
Tumayo ako at saka pumuwesto sa likuran ng wheelchair, tinanggal ko sa pagkaka-lock ito at saka na ni-reverse paalis sa kama.
"Ah basta, Papa, ngayong nandito na ako sa Pilipinas, maipapagamot ko na kayo sa especialista sa abroad. Kung kinakailangan nating libutin ang buong mundo, gagawin natin, basta makalakad lang kayo ulit. Ngayon pa? Ngayong may sapat na tayong pera para sa gamutan ninyo?"
I heard my father chuckles. "O'sige anak, pipilitin kong makalakad. Basta pangako mo rin sa akin na kukunin mo pabalik ang babaeng matagal mo nang inaasam-asam at minamahal."
Na-teary eyed naman ako doon. "I'm working on it na po, Papa."
"That's my girl. Nga pala anak, pagpasensyahan mo na ang Mama mo, ha? Kunwari lang 'yon pero gusto rin naman n'ya ang pasalubong mong siopao kapag nadadalaw ka rito eh."
Ngumiti lang ako nang tipid. Alam ko namang pinapagaan lang ni Papa ang nararamdaman ko ngayon. Palagi n'ya na kasing ginagawa ito kapag nagagawi ako rito sa bahay ng parents ko.
"Okay lang po iyon, Papa. Sanay na rin po ako kay Mama. Sana lang po talaga dumating na 'yong araw na mapatawad na n'ya ako." Napabuga ako nang malalim na hininga habang tulak-tulak ang wheelchair ni Papa patungo sa elevator.
Naramdaman kong hinawakan ni Papa ang kamay kong nasa handle ng wheelchair. He squeeze it comfortably.
"Hush now. Wala kang kasalanan sa nangyari sa akin, anak. Stop blaming yourself for it, okay? Wala kang kasalanan. Tandaan mo 'yan."
Mabilis na pinahid ko ang luhang kumawala sa pisngi ko at saka tumango-tango sa sinambit ni Papa.
Pagkarating namin sa elevator ay pumasok kami doon at pinindot ang close button. Pinasadya ko talaga itong elevator para hindi na mahirapan pa si Papa kapag bumababa ng hagdan.
Napakagat labi ako at mariing napapikit. Naalala ko na naman kasi ang naging aksidente ni Papa, 1 year ago.
Kahit ilang beses niyang sabihin na wala akong kasalanan sa nangyari, sinisisi ko pa rin ang sarili ko dahil ako naman talaga ang puno't dulo kung bakit naaksidente si Papa at nalumpo. Kaya hindi ko rin masisisi si Mama kung galit pa rin ito sa akin dahil ako naman ang naging dahilan kung bakit nangyari ito kay Papa.
She hated me ever since that day of my father's accident. Kaya grabe rin ang pagpupursige ko na maabot lahat ng pangarap ko dahil sa kagustuhan kong ipagamot kaagad si Papa.
Humugot ako nang malalim na hininga nang bumukas ang elevator, pinagana ko ulit ang wheelchair ni Papa patungo sa dining area at saka ito inihinto sa kabisera.
Ilang sandali lang ay umupo na kaming tatlo sa mga designated chair namin. Magkaharapan kami ni Mama habang si Manang Taning naman ay inasikaso muna kami bago ito umupo sa tabi ko.
"Sige na po, Manang ako na lang po ang magsasandok para sa akin. Kumain na po kayo riyan." Ngumiti ako sa kaniya at saka kinuha ang scooper sa kaniya at ako na nga ang kumuha ng gusto kong ulam at kaunting kanin dahil may sinusunod akong diet.
Nang magsimula na kaming kumain, as usual, my father open up a lot of topic para lang hindi maging awkward ang diner namin ngayon. Hindi kasi talaga umiimik si Mama, kahit pa ilang beses akong mag-try na kausapin ito. Kaya natuto na rin akong i-limit na lang ang mga sinasabi ko kay Mama kapag bumibisita ako dito.
"Nga pala anak, balita ko magkakatrabaho kayo ulit ni Jazmine?" Masayang tanong ni Papa dahilan para lumundag ang puso ko just by hearing my Habibti's name.
Gosh, mas lalo ko siyang namimiss.. 'Di na bale, magkikita naman kami bukas nito dahil magsisimula na kaming mag-recording sa studio n'ya. I can't wait to be close to her again and tell her what I have to tell her.
Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sumagot nang naunahan ako ni Mama. Matalim itong nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Papa.
"Jazmine? Sandoval?" Maanghang na tanong n'ya.
Tumigil ako sa pagkain at saka tumikhim. "Yes po, Mama. Si Jazmine Sandoval nga po."
"Alam mo ito, Jacinto? At hindi mo man lang sinabi sa akin?" Tanong nito kay Papa.
She shifted her eyes at me when my father went silent for a second. "Interaction with the Sandoval again? Really, Georgina? Hindi ka na ba nadala, ha? At sino na naman ba ang idadamay mo sa katangahan mo ngayon?"
Parang akong paulit-ulit na sinampal sa pisngi sa sinambit ni Mama. Gosh, it hurts so much..
"Georgette, that's enough.." Mariing umiling si Papa kay Mama.
Mukhang nahimasmasan naman si Mama. Bigla siyang natahimik at binaba ang hawak niyang kubyertos at tahimik na lang itong umalis.
Napapikit ako. Here we go again. Palagi na lang bang ganito ang magiging interaction namin ni Mama?
Tumingin naman sa akin si Papa at saka ito ngumiti ng malungkot. Hinawakan nito ang kamay ko na nasa taas ng lamesa.
"Huwag mo na lang pansinin muna ang Mama mo, anak. Baka wala lang s'ya sa mood. Sige na ituloy na natin ang pagkain natin."
Pinigilan ko ang sarili kong huwag maiyak at saka tumango-tango na lang ako kay Papa at kahit hindi na halos pumasok sa lalamunan ko ang pagkain ko, pinilit ko pa rin para kay Papa.
Tahimik na namin pinagpatuloy ang aming pagkain. At nang matapos kami ay nagpaalam na rin ako kay Papa matapos ko siyang maibalik sa kwarto nila ni Mama.
Nag-kiss ako sa cheeks n'ya at nagpaalam na aalis na dahil may pasok pa nga ako sa bago kong work bukas.
My father tapped my hand on his shoulder then he smiled, "Just so you know, your Mom and I are so proud of you, anak."
Ngumiti ako kay Papa at gaya nang yakap ko sa kaniya noong umalis ako 2 years ago, gano'n ko rin s'ya niyakap ngayon. "Thank you so much, Papa. I love you,"
"Mas mahal ka namin."
******
Kinabukasan, at 8 am sharp, nagmamartsa na ako patungo sa loob ng company building ni Jazmine with my head held high. Since they already know my agenda here, hindi na nila ako binigyan ng kahit anong visitor's badge or whatever security thingy they got here.
As usual, pagdating ko sa floor ni Jazmine, sumalubong sa akin ang sekretarya nito na si Rollie at saka ako binati at bineso.
"Wow, you looked extra stunning today, Georgina. Mukhang may pinaghahandahan ka ata, ah?"
"Well, you know me." I playfully winked at her. Alam na kasi n'ya ang balak kong kunin pabalik si Jazmine. Well, let's just say pinaalam ko sa lahat na I want Jazmine back, at sinabi ko rin sa kanila na mahal na mahal ko ang boss nila.
Maraming humanga sa tapang daw na ipinakita ko. Though, they warned me that I should be ready for all the pain that I will face eventually dahil nahahalata na rin nila na may mahal na ngang iba si Jazmine.
Well, at least, hindi naman sila magkasintahan and they're so far away from being engage. At huwag na nating i-mention ang marriage, dahil sa akin lang maikakasal si Jazmine. Akin lang! And yes, I'm claiming it.
"Nasaan nga pala ang boss mo?"
Pansin ko naman ang pagngiwi nito. "Sinundo ang best friend dahil sa opening ng elite bar n'ya. Nagpaalam nga na ma-la-late lang s'ya nang kaunti ngayon."
Biglang bagsak naman ang balikat ko roon. Wow, ang effort naman talaga n'ya. Though, hindi s'ya gano'n ka thoughtful compared sa akin noon. Pero never naman akong nagreklamo, feeling ko nga minsan ay hindi ko deserve ang isang babaeng katulad n'ya.
May point is, mukhang sobra nga niyang mahal si Arabella para s'ya pa ang magsundo rito. I'm sure naman kaya ni Arabella ang sarili n'ya.
"Okay sige, pero puwede muna ba akong mag-rehearse kahit wala pa si Jazmine?" I asked for permission.
Rollie waved her hand fervently. "We don't mind at all, Georgina. Hinabilin din ni Ma'am Jazmine na puwede mo naman daw gawin ang gusto mo dito." Ngumiti ito nang mapanukso sa akin.
Hindi ko naman naitago ang kilig ko. At least, she still thinks about me and my comfort. At least din pala ay hindi pa rin ito nagbabago. Maaalahanin pa rin ito gaya nang dati. Sumobra nga lang ang pagkamaaalalahanin nito sa best friend n'ya. Hindi ko rin kasi mapigilang mag-alala sa kaniya. Baka kasi ma-taken for granted s'ya ni Arabella.
Arabella is a free-range pony; iyon lagi ang tawag kay Arabella ng mga friends ni Jazmine na naging kaibigan ko na rin. A free-range pony can't be tied down. Arabella will always be Arabella; a playgirl. She just can't help it. Simple as that.
"O'sige ha, salamat! Doon lang ako sa may rehearsal room at magpa-practice."
"Sure! Dalhan na lang kita ng makakain at maiinom doon kung sakaling mapagod ka."
Ngumiti ako rito. "Salamat, Rollie."
Alam ko naman na ang rehearsal room nila dito dahil i-ti-nour na ako ni Rollie noong ipinaalam ko sa lahat ng trabahante ni Jazmine dito sa kumpanya n'ya. As usual, wala si Jazmine noon at mas piniling samahan ang best friend n'ya sa birthday ng Nana or Grand Mother ni Arabella na nag-celebrate dito sa Pinas.
Pagdating ko sa rehearsal room, umupo kagaad ako sa stool kaharap ang isang mamahaling recording microphone, may mga mixes pad na rin dito na puwede kong i-blend ang kung anong sound ang magustuhan ko.
Na-excite akong kumanta today dahil sa sinabi ni Rollie kanina. I'm extra motivated to know that she still cares. Kaya naman kinanta ko ang kung anong na-fe-feel ko ngayon kay Jazmine.
I decided to sing Happier by Ed Sheeran.
The first lyrics made me close my eyes while singing it with all my heart.
Naiiyak ako sa bawat lyrics ng kanta na lumalabas ngayon sa bibig ko.
Ang tumatak sa akin at feel na feel kong ikanta ay ang part ng, "I saw that both your smiles were twice as wide as ours
Yeah, you look happier, you do,"
At ang, "Ain't nobody hurt you like I hurt you
But ain't nobody love you like I do,"
Pero ang mas malakas ang impact sa akin ay ang ending ng kanta, which is kinakanta ko na ngayon.
"I knew one day you'd fall for someone new
But if she breaks your heart like lovers do
Just know that I'll be waitin' here for you,"
Nang matapos ko ito, I mumbled a sh*t under my breath as I cover my face with my hand. Naging sobrang emotional ako at sa sobrang emotional ko, hindi ko na napansin na kanina pa pala nakatayo sa likuran ko si Jazmine and she heard the whole thing.
"Nice song."
Napabalikwas ako at napatingin kaagad sa likuran ko and there I saw Jazmine beside the door while she intently watching me.
Her blue eyes bore into mine.
"Jazmine," napaawang ako bigla ng bibig. Damn, she's so beautiful as always. Kaagad kong i-ni-stop ang recording at ang sound saka ito tuluyang hinarap.
"Kanina pa ka diyan?"
Na-ra-rattle ako sa presence n'ya. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kaniya.
"Ano iyong naririnig kong may sinabi ka raw sa mga tauhan ko dito?" Kalmado niyang tanong pero ang tingin n'ya ay para akong sinusunog nang buhay.
But no, I'm a freaking badass lawyer in New York, at wala akong inaatrasang laban. Kaya naman taas noo akong ngumiti sa kaniya despite of me being rattled by her presence.
"Ah, 'yon ba.. Wala lang, mas mabuti nang alam nila kaysa magkaroon pa ng tension. Mahirap na baka mahirapan din sila kapag magkatrabaho tayo."
Mariing umiling s'ya habang nakatitig pa rin ito sa mga mata ko. "There's no tension here." Maang-maangan pa niyang sabi.
Napaismid na lang ako ng tawa. "Oh really? Misleading, Miss Sandoval, your statement is misleading."
Her eyes became like a fox eyes. "Just get to the point, Miss Belmonte."
Ouch, so, balik na kami sa surname ngayon? There's no Habibi and Habibti anymore?
"I want you back, Habibti. And I will do anything just to win you back."
Napataas ang kilay nito. Pero nahalata ko ang glimpse ng pagkabigla sa mga nagkikislapang asul na mga mata nito.
"And hep!" Pagpipigil ko sa kung ano mang sasabihin n'ya. Alam ko naman kasing nega lang ang lalabas sa masarap na labi nito.
"You don't have to say anything. I just want you to be informed. Now, please let's rehearse."
******