I Want You Back.
***
Amina Silvanus.
Saturday night, nagkita-kita kami ng mga friends ko. Sa wakas at kumpleto na rin kaming anim. Pang huli kasi kaming umuwi ni Sarah dito sa Pinas kaya naman napakarami na pa lang ganap sa mga friends ko.
Unang-una ay ang kay Princess hanggang kay Georgina.
Gosh, hindi ko akalain na may mga bagong kasintahan na lahat ng miyembro ng Lucky 6, well except for Jazmine, but that's not the point though. At heto kami at iniinom ang sugatan naming mga puso habang kumakanta si Georgina sa isang elite bar na kakabukas pa lang dito sa BGC. Actually, pag-aari ito ni Arabella, and yes, that's Jazmine's best friend s***h love interest.
Magkatabi kami ni Sarah na halatang ang lalim ng iniisip habang tahimik na iniinom ang kaniyang pang apat na beer.
Actually, kanina pa ako pasulyap-sulyap sa kaniya at sa pambisig na relo ko.
Kakarating lang kasi namin 30 minutes ago dito pero nakaapat na kaagad siyang bote ng German beer.
Tumikhim ako at mahinang binangga ang braso nito. Napatingin naman ito sa akin. "Maaga pa para magpakalasing."
Ngumiti ito ng tipid. "Hindi pa ako lasing."
Tahimik ko namang kinuha ang pangalawa ko ng bote ng beer at saka itinaas ito sa harapan ni Sarah. "Cheers?" I asked. She cling her bottle of beer to mine then said, "Cheers." saka natawa.
Well, at least tumawa na s'ya. Masyado kasi talaga siyang tahimik.
"Care to tell me what's bothering you?" I asked while watching Georgina singing beautifully in front of the stage.
Kita ko sa peripheral view ko na nagkibit balikat si Sarah. "Iniisip ko kung paano ko makukuha pabalik si Sierra, ngayong nalaman ko na kasal pa pala s'ya kay Bellarose."
Nagkasalubong naman ang kilay ko roon at napatigil ako sa pag-inom ko sana sa beer ko. "Huh? Si Sierra? Kasal pa?"
"Yes." Matipid na sagot nito.
I hummed.
Hmm, that's not what I heard when I was in Europe.
"Paano naman mangyayari 'yon? Eh usap-usapan sa mga business gathering ng Tatay ko na pinuntahan ko ang paghihiwalay ng dalawa."
This time, napatigil bigla si Sarah at magkasalubong ang kilay na tumingin sa akin.
"Wait, you really heard that?"
"Yes, at saka nabalita rin sila sa Italy noon. Breaking news pa nga eh."
This time, mas umaliwalas naman ang mukha n'ya compared kanina na parang itong pinagbagsakan ng langit at lupa. Ngayon naman ay parang itong nabuhayan ng loob. A glimpse of hope and determination lighten up her beautiful face.
"Sh*t, I'm not completely too late then.." Parang lumulutang ito sa alapaap na sambit n'ya. Natawa naman ako at nailing.
Gosh, Sarah.
"Anyway, how about you? Kumusta ang naging photoshoot n'yo ni Haven?"
Ako naman ang problemadong napabuntong hininga ngayon.
"Ayon, pinapaulit ng may-ari ng Vixen ang photoshoot ni Haven dahil wala raw kakwenta-kwenta ang naging mga shots ko. Ni hindi man daw eye-catching."
Sarah's mouth forms an 'O' shape. "Oh. Edi mas magkakaroon ka ulit niyan ng pagkakataon para mapalapit kay Haven?" May halong panunukso ang ngiti nito.
"Yes, and the President and CEO of Vixen told me that they want me and Haven together in a photoshoot. Ang sabi ko nga, hindi naman ako model, kundi isang photographer. Damn," Bumuga ulit ako nang malalim na hininga.
Gosh, bakit kasi napaka-demanding ng may-ari ng Vixen eh. Kung hindi lang nakaka-boost sa career ko ang pangalan ng Vixen ay hindi ko gagawin ito. Ang pinaka ayaw ko kasi sa lahat ay pagagawan ako ng isang bagay na ayaw ko namang gawin.
Modelling isn't my thing. Photography is my only passion. Gosh!
Pabirong binangga ni Sarah ang balikat ko. "Ayaw mo ba 'non? It means, magkakaroon kayo ng alone time lagi ni Haven. Teka sino naman ba ang magiging photographer ninyo?"
"My editor, Mel. At saka gago, one-time photoshoot lang 'yon."
"Oh? Saan daw? If hindi kami busy, samahan ka namin if you need us. Basta magsabi ka lang."
Napangiti naman ako doon. Ang sweet talaga ng mga kaibigan ko. Friends for life ko na talaga sila.
"No need, kaya ko naman harapin ang galit ni Haven ng mag-isa. Thanks for the support though. And about your question, sa Batanes pa gaganapin ang photoshoot namin ni Haven for Vixen."
"Wow, layo ah?" Taas kilay na comment ni Georgina na tapos na pala mag-perform.
Umayos naman kami ng upo at ibinigay kay Georgina ang upuan na para sa kaniya talaga, inukupa ko muna kasi ito kanina habang wala pa s'ya.
"Anong pinag-uusapan ninyo diyan at parang may sarili na kayong mundo? Baka naman kasi gusto n'yo lang mag-share, 'di ba?" Sarkastikong sambit ni Georgina sa amin.
Napatingin naman kami sa isa't isa ni Sarah saka sabay na natawa at nailing. Pero kinuwento pa rin naman namin ang aming napag-usapan ni Sarah sa circle of friends namin.
Kagaya ni Sarah, nagulat din sila sa transformation of events sa aming dalawa ni Haven. Gaya rin ni Sarah, naging masaya sila na malaman na magkakaroon ako ng pagkakataon para makasama at amuhin daw si Haven. Pero ayaw ko man maging nega, pero kasi, laging nakabuntot sa kaniya ang nobyo nito.
An idea came into my mind. Kaya naman, a day after our flight in Batanes. Pinakiusapan ko si Thorn na magkita kami ng kaming dalawa lang.
Hindi naman ako nahirapan na mapapayag s'ya dahil mukhang may sasabihin rin naman s'ya sa akin at feeling ko alam ko na kung ano 'yon.
I checked my phone dahil nag-vibrate ito. Paniguradong si Thorn na ito. At hindi nga ako nagkamali dahil nabasa ko ang pangalan n'ya sa screen ng phone ko and his text said that he's already inside the Starbucks coffee shop kung saan namin napagkasunduan na magkita. Malapit lang kasi ito sa condo na tinitirahan ko.
Actually, si Thorn ang nagpresinta na dito na lang kami magkita para raw hindi na ako bumyahe pa. He's really a gentleman, at feel ko ang pagiging genuine nito kaya naman deserve niyang malaman ang balak ko.
Ayaw ko namang mangahas. Ang sabi nga ni Atty. Georgina, matuto kaming kumatok bago sugod.
Kaya pagkapasok ko sa Starbucks, hindi naman ako nahirapang hanapin si Thorn dahil sa laki ba naman nito at agaw pansin kasi ang taglay niyang kagwapuhan at kakisigan. Actually, kanina pa nga s'ya pinagtitinginan ng mga kababaihan at typical ang mga reaction nila; parang silang inaasinan habang kinikilig.
Ngumiti ako sa kaniya nang kumaway ito sa akin. Mabilis naman akong nagtungo sa gawi n'ya at nakipagkamay sa kaniya at umupo sa kaharapan niyang upuan.
"Here," Abot n'ya sa akin ng isang puting tela.
Kunot noo ko naman 'yon tinanggap. "Uh, para saan ito?"
"Para sa legs mo. Exposed na exposed kasi. Ayaw ko lang na mabastos ka. I came prepared because Haven is always wearing short shorts or short skirts." Kibit balikat siyang nag-peace sign then after that he slide a cup of coffee to me. "And here is some coffee for you. Mocha coffee, right?"
I snapped my head at him. Teka, paano n'ya nalaman na 'yon ang paborito kong flavour ng coffee?
Ngumiti ito dahilan para mag-isang guhit na lang ang mga singkit niyang mga mata.
"I asked Haven about it. Sinabi ko kasi sa kaniya na magkikita tayo today."
"Oh," tanging nasabi ko na lang sabay baba ng tingin sa mocha coffee na binigay sa akin ni Thorn.
Sinabi talaga ni Haven sa kaniya ang paborito kong coffee?
"Anyway, you asked me to talk. Well, I guess this is about Haven, right?"
Again, I snapped my head at him. I know that he'll say this. Alam ko na alam n'ya kung bakit ko s'ya gustong makausap today.
"Yes," hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. "I want Haven back and I just want to inform you that I'm going to get her back. Pero hindi naman ako makikipagkompitensya sa 'yo. I know my place. Ipaglalaban ko lang kung anong naudlot sa pagmamahalan namin noon. And I hope you understand where I'm coming from, Thorn." Mahigpit na hinawakan ko ang puting tela na nasa ibabaw ng lap ko.
Kahit pala handa ka sa confrontation ay kakabahan ka pa rin, lalo na kung ganito ka kalma ang kausap mo.
Kalmado lang kasi si Thorn. Ni walang nagbabago sa presence n'ya. Napakabait pa rin ng aura n'ya.
Kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko pang may sagutan o murahan eh. Pero hindi ganito. Gosh. Iba ang feeling.
Parang kasing confident na confident siyang s'ya ang pipiliin ni Haven sa huli. And that actually scared the sh*t out of me.
"I understand. And you can fight for her without me lurking around, dahil pinatawag ako sa China for a while to handle our company there. Use this time for you to fight for Haven, Miss Silvanus. This is your last chance to get her back. I'm not going to intervene. Because I know, if the person is right for me, she's for me no matter what the circumstances are. I believed that way, Miss Silvanus."
Napalunok ako ng tatlong beses. Gosh, parang nanuyo bigla ang lalamunan ko.
Thorn then slide a square little card in front of me. "This is her calling card. Call or text her. Besides, you're going to need it because you will work together starting tomorrow. I just know that she won't give you her new personal number because she's that stubborn." He chuckles then shook his head after.
"Anyway, I should go. Pasensya na, ha? Limited lang kasi ang time ko ngayon dahil mamaya nang gabi ang flight ko pabalik ng China." Tumayo na ito at saka inabot muli ang kamay n'ya sa akin.
Tumayo rin ako at saka tinanggap ang nakahalad niyang kamay.
He smiled at me genuinely and firmly shook my hand. "May the best person wins," he smiled again, "the best person for Haven." Pag-uulit n'ya.
Wala akong ibang nasabi, napatango lang ako and firmly shook his hand back.
After our meeting and after he completely out of sight, hinang-hina akong napaupo sa kinauupuan ko kanina.
Napasapo ako sa sentido ko at saka ito hinilot. God, parang akong nagka-migraine doon, ah?
"Didn't see that coming," bulong ko.
At saka bakit feeling ko may hindi magandang mangyayari sa Batanes?
Parang gusto ko nang i-consider ang tulong na inoffer sa akin ni Sarah kagabi..
******