Chapter 4

2401 Words
IBINALIK ni Aleah ang tingin sa manibela saka muling pinausad ang sasakyan. Pagdating sa condo ay kaagad siyang bumaba. Hindi niya makita ang security guard para sana magpakuha ng cart. Binuksan na niya ang compartment ng kotse saka isa-isang ibinaba ang kanyang pinamili. “Tutulungan na kita,” boluntaryo ni Drake. Hindi pa siya pumayag ay buhat-buhat na nito ang isang sakong bigas. Parang ang gaan-gaan lang iyon para kay Drake. Ipinasok nito sa elevator ang bigas, saka binalikan ang dalawang carton na pinamili niya. Ang ilang nakasupot ay binitbit na niya. Hindi man lang pinagpawisan ang binata. Sumunod ito sa kanya sa elevator. “Don’t say susunod ka sa akin hanggang sa unit ko,” sabi niya rito. “Siyempre,” sagot nito at dagling isinara ang pinto. Panay ang buntong-hininga niya. Paghinto ng elevator ay nagpatiuna nang lumabas si Drake at inilabas lahat ng bagahe niya. Pinagmamasdan lang niya ito habang nakabuntot siya rito. Hindi niya lubos maisip na darating ang pagkakataong iyon na ang future boss niya ay minsan niyang aalilain. Pero kusang loob naman ang pagsilbi nito sa kanya-dahil ba may hinihingi itong pabor? Hindi bagay kay Drake maging boy o utusan. Masyado itong guwapo at desente. Of course, she’s aware that he was a lawyer. Nahihiya siya sa ginagawa nito. Pagpasok sa condo niya ay dinala pa ni Drake hanggang kusina ang mga pinamili niya. Sa pagkakataong iyon ay naiilang na siyang ipagtabuyan ito. She appreciates his effort even she knows that it’s because he wanted to convince her to help him to claim justice. Her conscience suddenly ruining her mind again. “Nag-dinner ka na ba?” tanong ni Drake paglapit niya rito. “Hindi pa. Magluluto pa lang ako,” sagot niya. Binuksan na niya ang isang kahon ng grocery kung saan nakalagay ang mga karne. “I can cook for you. Pagod ka sa trabaho kaya dapat hindi ka nagbabasâ ng kamay,” sabi nito. Nakararamdam na siya ng iritasyon. Tumayo siya nang tuwid at hinarap ang binata. “May balak ka bang tumira rito, Drake?” hindi natimping tanong niya. Hindi sumagot si Drake. Nakatitig lang ito sa kanya. Dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon saka hinanap ang nai-save niyang plate number ng kotse na sinundan niya. Ipinakita niya ito kay Drake. “Ilista mo itong plate number ng sasakyan. Hanapin mo ang may-ari nito. Nakilala ko ang mukha niya at hindi ako maaring magkamali na siya ang isa sa pumatay sa ‘yo. Ito lang ang maitutulong ko sa ‘yo,” sabi niya. Isinulat pa niya sa kapirasong papel ang plate number saka ibinigay sa binata. “Hindi madaling mahanap ‘to, Aleah. Baka hiniram lang ng lalaking ‘yon ang sasakyan. Mas mainam sana kung nakuhaan mo siya ng litrato,” reklamo nito. Nag-demand pa nga. “Then, wala akong magagawa. Kahit anong piga mo sa akin, hindi kita matutulungan sa paraang gusto mo. Pero ang driver ng sasakyang iyan ay nakita ko na lumabas sa kumpanya ng SSGC. Meaning, connected siya sa operation ng kumpanya.” “Kailangan pa rin kita, Aleah,” giit nito. Bumuga siya ng hangin. “Bahala ka nga,” naiiritang sabi niya. Itinuloy na niya ang ginagawa. Ipinasok niya sa refrigerator ang mga karne. Nag-iwan lang siya ng kalahating kilo ng hita ng manok para gawing fried chicken. Nakahihiya naman kung hindi niya papakainin si Drake. Tinulungan siya nitong magbuhat. Hindi pa ito nakontento, tinulungan din siya sa pagliligpit ng ibang pinamili niya. “Masaya ka ba sa buhay mag-isa, Aleah?” mamaya ay tanong ni Drake. Piniprito na niya ang breaded chicken. “Oo,” tipid niyang sagot. “Dito ka ba talaga nakatira sa Maynila?” “Nope. Taga-Pangasinan ako.” “So paano ka nakapasok sa SSGC?” tanong na naman nito. “Si Tyler ang nagpasok sa akin sa kumpanya.” “Ang kapatid ko?” manghang untag nito. “Oo. Childhood friend ko siya. Taga-Pangasinan din siya lumaki. Taga-roon ang mommy niya. From grade school to high school ay magkaklase kami. Naghiwlay lang kami noong college dahil sa Maynila na siya nag-aral,” kuwento niya. “Close ba kayo?” “Yes.” “How close?” “Close friend.” She shrugged. “Never been developed into love?” usig nito. Tiningnan niya ang kanyang kausap. May isang dipa lang ang pagitan nito sa kanya. Nagbabalat ito ng carrot. “Hindi siya nanligaw sa akin. Ang niligawan niya noon ay si Messy, isa sa barkada namin,” sagot niya. “How about you, did you fell in love with him?” Sandali siyang nag-isip. Noong third year high school sila ni Tyler, nakadama siya ng kakaibang paghanga sa kaibigan. Pero kaagad din iyong naglaho noong nalaman niya na napasagot na ni Tyler si Messy. Pero after ng graduation nila, nalaman niya na nag-break na ang dalawa. Alam niya na playboy noon si Tyler. Hanggang ngayon pa rin naman. Iba-ibang babae ang dini-date nito. Pero hindi niya kinukonsidera na date rin ang tawag sa madalas nilang pagsama sa tanghalian at hapunan. Sweet lang talaga sa kanya si Tyler. For her, he’s like a brother who cares about her. “Hinangaan ko siya noon pero never akong na-in love,” sabi niya. “Pero ilang beses ko kayong nakitang magkasama. Madalas ka rin niyang hinahatid. Those acts of a man were considered as a part of taking woman’s heart.” “Hindi ganoon ‘yon,” amuse na giit niya. Ni minsan ay hindi niya inisip na magkakagusto sa kanya si Tyler. She’s not his type. “Hindi ko nabibigyan ng ibang kahulugan ang madalas naming pagsasama. Parte lang ‘yon ng friendship namin.” “For you, that was your belief. What about him? I’m also a man. And I know my brother.” Umiling siya. Hindi niya kukunsintihin ang pinagsasabi ni Drake. Hindi mangyayaring magkagusto sa kanya si Tyler. Kilala niya ang kaibigan. Alam din niya kung anong tipo ng babae ang pumapasa sa standard nito. At hinding-hindi siya papasa kay Tyler. Ang kaibigan na mismo niya ang nagsabi na boring siyang kasama. So bakit pa ito magtitiyaga sa kanya? Hindi na niya pinansin si Drake. Pagkatapos maluto ang ulam ay naghain na siya ng kanin sa lamesa. “Hindi ako kakain,” sabi ni Drake, nang mapansin na marami siyang sinandok na kanin. “Dinamihan ko ang kanin dahil narito ka. Hindi puwedeng hindi ka kakain,” aniya. “Nahihirapan pa rin akong kumain ng kanin. Sorry,” sabi nito. Namamangha na talaga siya sa lalaking ito. “So ano’ng gagawin mo rito?” mataray na tanong niya. “Sasamahan lang kita,” tugon nito at malapad na ngumiti. “Hindi na kailangan. Kung hindi ka kakain, makakaalis ka na.” Itinataboy na niya ito. Umupo na siya sa harap ng lamesa at sinimulang sumubo. “Aya’ko nang bumalik sa gubat,” mamaya ay sabi ni Drake. “Bakit hindi ka umuwi sa bahay mo?” aniya. “Hindi pa ako handang ipagtapat sa pamilya ko ang nangyari sa akin. Ayaw kong matakot sila. Lilinisin ko muna ang kaso ko. At hindi ko magagawa iyon kung hindi mo ako tutulungan.” Naiinis na naman si Aleah sa pangungulit ni Drake. Paano ba niya ito maiiwasan? “Hindi ko talaga alam kung paano kita matutulungan na hindi ako nadadawit, Drake,” nababahalang sabi niya. “Wala kang ibang gagawin kundi magsabi sa akin ng mga impormasyong natutuklasan mo sa loob ng kumpanya. Malakas ang kutob ko na umiikot lang sa kumpanya ang mga suspect. Kapag malinaw na ang halat, saka na ako lalantad. As a lawyer, I know the right process of investigating a case. Pero hindi ako puwedeng humarap sa mga tao as a lawyer. Halos isang buwan kong pinag-aralan na hindi makapanakit ng mga tao, at ayaw kong mawalan ulit ako ng kontrol,” paliwanag nito. Hindi na siya nagsalita. Itinuloy niya ang pagsubo. Kailangan makatulog siya nang maaga dahil may dadaluhan silang meeting ng kanyang boss bukas. Hindi puwedeng hindi siya kasama. Pinabayaan niya si Drake na tumambay sa unit niya. Wala rin naman siyang magawa para hindi na ito magpakita. Kahit mag-lock siya ng pinto ay makakapasok pa rin ito. Mas mabuti na rin iyon para may bantay siya. KINABUKASAN. Nauna pang nagising si Aleah sa alarm clock niya. Pasado alas-singko pa lang ng umaga. May naririnig kasi siyang ingay mula sa labas. Bumangon siya. Lumapit siya sa pinto at binuksan nang bahagya. Sumilip siya sa labas. Namataan niya si Drake na nagpu-push-up gamit ang isang kamay. Hubad-baro ito. Tanging itim na jogging pants lang ang suot nito pan-ibaba. Kumikintab na ang katawan nito dahil sa pawis. Mamaya ay bigla itong tumayo paharap sa kanya. Sa gulat niya ay naitulak niya pasara ang pinto. Tumahip nang husto ang dibdib niya. May kumatok sa pinto kasunod ang tinig ni Drake. “Aleah? Gising ka na ba?” tanong nito. Hindi siya sumagot. Nakasandal lang siya sa likod ng pinto. Kumatok ulit si Drake. Dahan-dahan na siyang bumalik sa kama niya at humiga. “Hmmm… bakit?” sagot niya, kunyari naistorbo sa pagtulog. “Naistorbo ba kita? Umaga na. Hindi ka ba papasok?” sabi nito. Bumangon ulit siya at binuksan ang pinto. Hindi niya napigil ang pagdako ng mga mata niya sa maskulado at pawisang katawan ni Drake. Sobrang baba pa ng pants nito na halos kita na ang magubat na pinakaibaba ng puson nito. Nilinis niya ang kanyang lalamunan. Para kasing may bumara rito. Pagkuwan ay itinaas niya ang tingin sa guwapong mukha ng kaharap. “B-bakit mo ba ako ginigising? Hindi pa tumutunog ang alarm ko,” sabi niya. “Actually, I don’t want to disturb you but I heard a noise from your door. So akala ko gising ka na,” anito. “Baka daga lang iyon na bumangga sa pinto,” palusot niya. Tumawa nang pagak si Drake. “I think you don’t like to live together with the family of rats here. Wala akong naamoy na kahit anong hayop o insekto rito sa unit mo,” sarkastikong sabi nito. “Ah, huwag ka nang makialam,” naiiritang sabi niya. Tuluyan siyang lumabas. “Alam ko nagsisinungaling ka, Aleah. Naramdaman ko ang masigla mong aura kanina before I knocked on your door,” prangkang sabi nito. Huminto siya at hinarap muli ang lalaki. May isang bagay siyang nakalimutan. May kakayahan pala itong basahin ang aura at isip niya. “Fine. So what?” mataray na sabi niya. “Then, ano’ng ginawa mo?” “Pinanood lang kita habang nagwo-work out.” Ngumisi ang binata. “And you stared at my chest and abs that time, right?” “So mali ‘yon?” aniya. Tumikwas ang isang kilay niya. “Nope. I don’t want to read your mind right now, because I don’t know how to manage my excitement.” “Excitement for what?” “For your possible interest in me,” he said with a hint of arrogance. He’s sexily laughed. “Wala pang babae na naka-appreciate sa katawan ko. Kasi chubby ako noon. Then, there’s a girl who told me that I look fifty years old. I’m so workaholic before and I had no time to work out. My mind works hard twenty-four-seven, so I need more carbohydrates. I loved food, and I loved liquor. But I changed my lifestyle after na ipagpalit ako ng girlfriend ko sa best friend niyang modelo,” natatawang kuwento nito. She found his story interesting. “And then?” aniya. “Na-insecure ako sa ipinalit niya sa akin. Doon ko na-realize na baka kaya niya ako iniwan ay dahil wala na akong time para sa sarili ko, especially for her as my girlfriend. I used my heartbreak as a motivation. So naglaan ako ng at least twice a week na mountain climbing, swimming, biking and any physical activities, until I got this figure. Kasabay sa paglusaw ng mga fats ko, nakalimutan ko ang ex ko. Mas naging masaya ako. But all was changed after the crime,” kuwento ni Drake. Biglang dumilim ang anyo nito. Nakikinig si Aleah pero ang mga mata niya ay nakatutok lang sa katawan ni Drake. Nai-imagine niya ang chubby version nito. Pero hindi niya kayang isipin nang matagal dahil sobrang hot at sexy ng lalaking kaharap niya. Parang hindi totoo na mataba ito noon. “Anyway, nagluto ako ng sausage at scrambled eggs with a shredded carrot for your breakfast. Sory kung napakapakialamero ko,” pagkuwa’y saad nito. Bumuntong-hininga si Aleah. Wala siyang dahilan para pagalitan ang lalaki dahil wala itong ginawang masama. Pero ang feeling na may nag-aasikasong guwapo na lalaki sa kanya, para siyang pinagpala nang sobra-sobra. Hindi niya hiniling ang ganoong pagkakataon. “Thank you! Pero hindi mo dapat ito ginagawa,” aniya. “Why not? Hindi ako sanay na nag-iisa sa totoo lang. Sa bahay ko sa Davao, nakatira roon ang buong pamilya ng nakababatang kapatid ng mommy ko na lalaki. They are my family. Kaya noong umuwi ako kay Daddy, nakakainip. Kasi, wala kang makakuwentuhan. Lahat ng tao, busy. Meron ka namang makausap, puro sama ng loob ang sinasabi.” Hindi niya hinihiling na magkuwento ito pero parang ang tagal na nilang magkakilala. Wala itong alinlangang mag-open up sa kanya. He’s comfortably sharing his private life with her without even think any consequences. Hindi mahulaan ni Aleah kung anong klase ba talagang lalaki si Drake. Seryoso ito pero minsan maingay. Pero noong unang beses niya itong nakita sa opisina ng daddy nito, parang nakatatakot itong kausapin dahil parang hindi marunong ngumiti. Ngayon lang niya nadiskubre na minsan ay simpatiko ito. Pagpasok niya sa kusina ay namangha siya. Ang linis at naka-organize ang mga gamit. Ang higit na nagpamangha sa kanya ay ang magandang presentasyon ng pagkain sa plato. Parang serve ng restaurant. Nakabuntot sa kanya si Drake. “Enjoy your meal, makikigamit lang ako ng banyo mo,” sabi nito. Na-speechless siya. Tinanguan lang niya ang lalaki. Pagkuwan ay umupo na siya sa harap ng lamesa at kumain. Ang sarap din ng timpla nito sa scrambled egg na may ginadgad na carrot. Ang dami niyang nakain.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD