Chapter 3

2773 Words
NAGISING si Drake sa madilim na kuweba na may masangsang na amoy. Kinapa niya ang hubad-baro niyang katawan. Wala siyang makapang sugat saan mang parte ng katawan niya. Bumangon siya at humakbang palapit sa bunganga ng kuweba. Nang lalabas na siya’y bigla siyang napabalik sa loob dahil nalapnos ang balat niya sa mukha at katawan nang masikatan ng araw. Pero dagli ring humilom ang lapnos sa balat niya. Nawindang siya. He insisted that he was in a dream where’s everything became impossible and magical. But he was able to feel the natural presence of nature. Hindi siya nananaginip. “You can’t stay under the sun. Masusunog ka at magiging abo.” Nilingon niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Ang boses ng lalaki ay buong-buo, nakakakilabot. Nakita niya ang matangkad na lalaking nakasuot ng itim na jacket na abot hanggang tuhod ang laylayan at itim na pantalon. Maliwanag na sa bahaging iyon kaya nakikita niya ang maputlang balat nito. Ga-balikat ang kulot at abuhin nitong buhok. Ang umagaw sa atensiyon niya ay ang malalim nitong mga mata na nangingitim ang eye bags. Kulubot ang balat nito sa mukha. “Who are you?” he asked curiously. “I’m Herio, a five-hundred-year-old immortal hiding here in the Philippines for fifty years to avoid my enemies in Romania,” pakilala nito. Hindi niya napigil ang sarili sa pagtawa. “Are you kidding? Or should I say, it was just a dream or a nightmare?” Seryoso ang lalaki. “Nakita kitang inihagis ng mga lalaki sa masukal na kagubatan at iniwang naghihingalo. Naramdaman ko’ng inosente ka kaya napagpasyahan ko’ng bigyan ka ng pagkakataong mabuhay. Binuhay kita sa pamamagitan ng reincarnation. Kinagat kita at nagsalin ako ng venom sa dugo mo. Isang vampire venom na mabilis kumalat sa pamamagitan ng aming laway at dugo.” “What?!” bulalas niya. Namangha siya sa mga sinabi nito. “I don’t have the intention to make you a wild and bad creature. I just want to help you to survive. But in fact, vampires use evil power but it’s up to you how you use your abilities. Binigyan kita ng pangalawang buhay, at bahala ka kung tatanggapin mo o hindi. If ayaw mong maging imortal, you can simply kill yourself by going out under the sun. Then your body will burn suddenly and became ashes,” paliwanag ng lalaki. Tulala si Drake matapos mag-sink in sa utak niya ang mga sinabi ng lalaki. Hindi siya makapaniwala. Napakaimposible ang sinasabi nito. Pero posible rin dahil imposibleng mabuhay pa siya sa kabila ng brutal na ginawa sa kanya ng mga lapastangang kalalakihan. “MARAMI pa siyang sinabi na parang napakaimposible. Pero napatunayan niya sa akin lahat na totoo ang kanyang mga sinabi,” ani ni Drake. Nawindang si Aleah sa kuwento ng binata. Pero sarado ang isip niya para kaagad na maniwala rito. “A-ano pa ang nabago sa ‘yo?” curious na tanong niya. Humuhupa na rin ang takot niya. “Hindi ako puwedeng maarawan. Masusunog ako. Nasasabik ako sa amoy ng dugo ng hayop at tao,” anito. Umawang lang ang bibig ni Aleah. Ang naiisip niya sa diskripsiyon nito ay isang bampira. Pero imposible iyon. Hindi siya naniniwala na merong bampira na nag-e-exist sa mundo. Bigla siyang natawa sa kanyang naisip. “What’s funny?” kunot-noong tanong nito. Tumigil siya sa pagtawa. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. Kinuha niya ang sandok na abot kamay niya. Pagkuwan ay kinalabit niya ang kamay ng lalaki gamit ang sandok. For sure na buhay nga ito. “Hey! What are you doing?” naiiritang tanong nito. “B-buhay ka nga! Pero paano ka nakapasok sa unit ko? Ikaw ba iyong nagpaparamdam sa akin?” matapang nang tanong niya. “Yes. Kaya kong lumusot sa maliliit na butas.” Hindi niya napigil ang pagtawa. Konti na lang ay masisiraan na siya ng bait. Tumigil lang siya sa pagtawa nang mapansin niya ang matamis na ngiti ni Drake. Doon niya na-realize na mas guwapo pala ito sa malapitan. Pero nakaka-turn off ang mga sinasabi nito tungkol sa sarili nito. Hindi kaya nagkaproblema ito sa pag-iisip? “Hindi ko alam kung maniniwala ako sa iyo. Kung kokonsintihin kita, baka sa mental hospital ako matatagpuan bukas makalawa,” amuse na sabi niya pagkalipas ng dalawang segundong katahimikan. “Kung ipapakita ko sa ‘yo ang totoo kong anyo, baka himatayin ka,” hamon nito. “Ha? A-anong anyo?” “Reincarnation is real. And it’s happened to me after the night of my last breathe. Hindi na ako normal na tao.” Hindi na nakaimik si Aleah. Pinagmamasdan lang niya si Drake, habang palapit ito sa lamesa. Dinampot nito ang kutsilyo. Nawindang siya nang bigla nitong hiniwa ng kutsilyo ang kaliwang pisngi nito. Pero parang magic na mabilis ding humilom ang sugat nito. Ang munting dugo na lumabas ay naglaho rin. Pakiramdam niya’y nalusaw ang mga buto niya sa tuhod. Bigla siyang nanlumo. “I can seduce you if I want. And I can hypnotize your mind. Kaya kong bumuo ng hallucinations sa utak mo. Natuklasan ko ang kakayahan ko noong nagpumilit ako na magparamdam sa ‘yo na hindi mo ako nakikita,” sabi nito. Humahakbang na ito palapit sa kanya. “W-wala kang pinagkaiba sa multo,” sabi niya. Bumabalik ang kaba niya. “Ang pagkakaiba ko, kaya kong makisama sa mga tao na parang normal.” “Tinatakot mo ba ako?” “Wala akong intensiyong takutin ka. Ang pakay ko lang naman ay malaman kung sino ang pumatay sa akin.” “Hindi ko sila kilala. At paano mo nalaman na nakita ko ang krimen?” “Nakita kita noon na nagtatago sa poste. Nalaman ko na ikaw ‘yon dahil nabasa ko sa isip mo noong minsan kitang nakita sa opisina. Iniisip mo ang nangyaring krimen.” “Pero bakit hindi mo nakita sa isip ko kung sino ang mga nakita kong tao na pumatay sa ‘yo?” “Hindi na masyadong malinaw sa isip ko ang mukha ng lalaking nakita mo. Hindi ko rin siya kilala.” Natatanggap na ng sistema ni Aleah ang katotohanan kay Drake. Pero muling nabuhay ang takot niya na baka dahil sa pang-uusig nito sa kanya ay matagpuan na rin siya ng mga suspect. Malakas ang kutob niya na may mas makapangyarihang tao na nagplano sa pagpatay kay Drake. “Bakit hindi ikaw ang maghanap ng hustisya? Tutal kaya mo namang makisalamuha sa mga tao,” suhesyon niya. “Gusto kong dumaan sa tamang proseso ang pagresolba sa kaso. Ayaw kong maging marahas. May pagkakataon na hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko. Hanggat maari ay ayaw kong pumatay ng tao. Nagnanakaw ako ng dugo sa mga hospital dahil ayaw kong pumatay. Pero minsan, mahirap pigilan.” Kinikilabutan siya sa kuwento nito. Paulit-ulit siyang bumuga ng hangin. Tinalikuran niya si Drake. “Ayaw kong masangkot sa gulo,” balisang sabi niya. Nakarating na siya sa sala. Sinundan siya ni Drake. “Ikaw lang ang makatutulong sa akin, Aleah,” sabi nito. Hinarap niya ito. Hindi siya kaagad nakapagsalita nang may isang dangkal na lang ang pagitan nito sa kanya. Bumuntong-hininga siya. “Natatakot ako baka bigla nila akong balingan,” mahinahong sabi niya. “Hindi ka nila magagalaw. Kapag sinaktan ka nila, mapipilitan akong patayin sila,” matatag na sabi nito. Lalo siyang kinabahan. Kung ganoon ang mangyayari, mas gugustuhin pa niyang manahimik na lang. “Please, huwag ako ang guluhin mo. Maawa ka sa akin. Kahit kailan puwede kang bumalik kung gusto mo. Hindi pa naman confirmed ng mga pulis na patay ka na. Puwede mong idahilan na nakaligtas ka o kaya’y may tumulong sa ‘yo,” pakiusap niya. “Mas delikado iyon. Maaalarma ang kaaway kapag bumalik ako.” “Pero iyon ang paraan para mas madali mong matukoy kung sino ang mga suspect.” “Hindi ko ‘to magagawa mag-isa. Kailanga ko ang tulong mo. Ayaw kong idaan sa karahasan ang paghihiganti ko. Pero nakita ko ang mangyayari sakaling makita ko ang pumatay sa akin. Mapapatay ko sila. Kailangan kong mapigil ‘yon. Kailangan makontrol ko ang galit ko.” Napaupo sa sofa si Aleah. “Hindi kita matutulungan,” sabi niya. “Hindi kita lulubayan,” matatag na sabi ni Drake. Tiningnan niya ito nang matalim. Umupo sa katapat niyang sofa ang binata. Hinugot nito ang natuyong rosas sa flower vase. Parang sinadya nitong matinik ang kamay nito. Pagkatapos ay ipinatak nito ang sariling dugo sa tuyot nang rosas. Nagulat siya nang masaksihan ang unti-unting pagkabuhay ng rosas. Parang sariwa ulit ito. “Napansin ko, boring ang buhay mo. Halos wala ka nang time mag-relax. Bakit hindi ka pa naghanap ng partner?” sabi nito pagkatapos ibalik sa flower vase ang sariwang bulaklak. Namamangha pa rin siya kaya hindi siya nakapagsalita. Nakatitig lang siya sa guwapong binata na kaharap niya. “Kapag ako ang kasama mo, hindi ka mabo-bored,” patuloy nito. Napalunok siya. Tumuwid ang likod niya. Alam niya, inaaliw lang siya nito para makombinsi siya na tulungan ito. “Sanay na akong mag-isa,” aniya. “What about love? Did you love someone?” “Never pa akong pumasok sa isang relasyon. Wala pa sa bokabularyo ko ang pakikipagrelasyon.” “Ang sabihin mo, hindi mo alam kung paano pumasok sa isang relasyon.” “Wala ka nang pakialam doon. Umalis ka na. Kailangan kong matulog nang maaga,” aniya. Tumayo siya at sana’y iiwan ang lalaki. “I want to know more about you, Aleah,” sabi ni Drake, na siyang nagpapigil sa kanya. Masyado na iyong personal. Hinarap niya itong muli. “Hindi tayo personal na magkakilala. Isang beses lang kitang nakita bago nangyari ang krimen. Malamang, hindi mo pa ako kilala noon,” aniya. “And so? Maaring hindi kita kilala noon pero pamilyar ka sa akin.Ikaw ata ‘yong babae sa cafeteria na nabunggo ko at nakabasag ng plato,” anito. Nawindang siya. Naalala pa pala nito iyon. Hilong-hilo siya noon dahil sa maghapong subsob sa harap ng computer ‘tapos nag-overtime pa siya. Hindi rin niya una napansin na si Drake pala ‘yong bumangga sa kanya. Nakaalis na ang lalaki bago niya naisip sundan ng tingin. “Yes, ako nga ‘yon pero hindi ko rin alam na ikaw pala ‘yong lalaki,” aniya. He smiled sharply. “I see. Pero sa ilang araw na pagsubaybay ko sa iyo, I found something interesting about you. I want to touch your life, Aleah.” Naiinis siya nang matanto na tila may balak talaga itong guluhin ang tahimik niyang buhay. “Nililigaw mo lang ako! Hindi pa rin ako tutulong sa iyo!” singhal niya rito. “Sige, gugustuhin mo talagang multuhin kita gabi-gabi.” Tinakot pa siya nito. “Hindi na ako matatakot ngayon dahil kilala na kita.” Tumikwas ang isang kilay ni Drake. “Pero hindi mo ako maiiwasan, Aleah,” giit nito. “I can! Umalis ka na bago pa ako magtawag ng security!” pagtataboy niya rito. Tumuloy na siya sa kusina. Hindi na siya sinundan ni Drake.   HINDI makapag-concentrate si Aleah sa kanyang trabaho. Hindi kasi mawaglit sa isip niya si Drake. Nawiwindang pa rin siya sa mga nangyayari. Mabuti at tinantanan siya ng lalaki kagabi. Kung hindi ay baka hindi siya nakatulog. Kagabi pa siya inuusig ng konsiyensiya niya. Gustuhin man niyang tulungan ang binata ay hindi niya alam kung sa paanong paraan. Palagi siyang inuunahan ng takot. Maghapong hindi nakita ni Aleah si Tyler sa gusali. Hindi rin ito tumawag sa kanya. Dahil alam na niya na si Drake ang nananakot sa kanya, sa rooftop parking lot na ulit niya ipinarada ang kanyang kotse. Pasado alas-otso na nang makalabas siya ng opisina. Pagdating niya sa garahe ay may itim na kotse na nakaparada sa tabi ng kanyang sasakyan. Hindi pamilyar ang sasakyan. Tiningnan niya ang plate number nito sa likod. Hindi iyon ang kotse ni Tyler, at lalong hindi kotse ng boss niya. Hindi na niya ito pinansin. Baka ika niya ay isa lang ito sa kliyente ng alinman sa kumpanya nila. Pumasok na siya sa kanyang kotse at sana ay paaandarin ngunit namataan niya ang matangkad na lalaking kalalabas ng elevator. May edad na ito pero matikas pa rin ang tindig. Habang papalapit ito ay unti-unti niyang napapamilyar ang mukha nito. Yumuko siya nang lumapit na ito sa sasakyan nito. May kausap ito sa cellphone. “Okay, copy. Naka-line up na ang plano,” sabi ng lalaki. Hindi pa naka-lock ang pinto ng kotse niya kaya naririnig niya ang boses nito. Pati boses nito ay pamilyar sa kanya. Hindi siya mapakali. Sinilip niya ang lalaki. Nagulat siya nang makitang nakaharap ito sa kanya habang nagtitipa sa cellphone nito. Doon siya nakumbinsi na kamukha nito ang isa sa mga lalaking sumaksak kay Drake, na natanggal ang bonet. Ito iyong sumaksak sa likod ni Drake. May isang pulgada na peklat ito sa kaliwang pisngi na parang kinalmot. Maya-maya ay sumakay na ito sa kotse at nagmaniobra. Pag-alis nito ay kaagad niya itong sinundan. Pagdating sa highway ay sobrang traffic. May van na nauna sa kanya bago ang sinusundang kotse. Hindi puwedeng mawala sa paningin niya ang sasakyan. Makalipas ang halos kalahating oras na pagkabinbin sa traffic ay bumibilis na ang daloy ng mga sasakyan. Pero hindi niya napansin na nawala na ang sinusundang kotse. “Kainis! Saan kaya siya lumiko?” wika niya. Hindi bale, nai-save naman niya sa kanyang cellphone ang plate number ng sasakyan ng lalaki. Pauwi na siya nang maalala na kailangan niyang mag-grocery. Naubos na kasi ang stock niyang pagkain. Halos mapuno ang compartment ng kotse ni Aleah dahil sa dami ng pinamili niya. Bumili kasi siya ng isang sakong bigas. Hindi pa raw nakapag-ani ng palay ang mga magulang niya kaya wala muna siyang rasyong bigas. Malawak din ang lupang sakahan nila pero pinapasaka ng papa niya sa kamag-anak nila. Sa halip na siya ang magbigay ng pera sa mga magulang niya ay siya pa ang pinapadalhan. Bukod sa parehong pensiyunado ang mga magulang niya, malaki rin ang kinikita ng farm nila. May allowance siya na sampung libo kada buwan mula sa mga magulang. Halos hindi na nga niya nagagalaw ang suweldo niya’ng twenty-five thousand kada buwan. Katunayan halos kalahati ang discount niya sa condo dahil kaibigan at naging kasama ng papa niya sa serbisyo ang lalaking may-ari ng condominium. Gusto sana niyang mag-bed space na lang pero mas gusto ng papa niya sa condo para mas safe siya at may privacy. Pinakiusapan lang nito ang may-ari para hindi siya mabigatan sa bayarin. Ayaw naman niyang bilhin ng papa niya ang unit kasi hindi rin sigurado kung magtatagal siya roon. Nagmamaneho na siya pauwi. Binuksan niya ang stereo ng sasakyan. Sinabayan niya ang kanta, na isa sa paborito niya. “Sayang na sayang talaga… dating pag-ibig na alay sa iyo…” awit niya na halos maputol na ang litid sa leeg niya sa kagustuhang maabot ang mataas na nota. “Mahilig ka palang kumanta. Pero mukhang ayaw sa ‘yo ng kanta.” Biglang naihinto ni Aleah ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Kamuntik na siyang araruhin ang cargo truck na sinusundan niya dahil sa biglaang pagtabi niya. Mabuti nakabig niya ang manibela at naihinto niya kaagad ang kotse sa gilid ng kalsada. Umugong sa tainga niya ang ubod lakas na busina ng cargo truck. Nakita niya sa rearview mirror si Drake, na nakaupo sa backseat. “Bakit ka huminto?” tanong pa nito. Marahas niya itong nilingon. Mabilis pa rin ang t***k ng puso niya. “Gusto mo ba akong patayin, ha?!” asik niya rito. “Of course I can’t do that,” sabi nito. “Pero halos mapatay mo ako dahil sa nerbiyos! Hindi mo ba ako tatantanan, ha?” Nakahalukipkip lang ang lalaki at parang hindi iniintindi ang galit niya. “Ikaw ang huling alas ko. I need justice, Aleah. I can’t live normally like before. I don’t know how to manage my daily routine. I want an adjustment,” anito. “Hindi kita matutulungan sa problema mo, Drake. Ginugulo mo ang isip ko!” “Then, let me stay with you.” “No!” “You will. If not, I won’t let you free.” Pakiramdam ni Aleah ay kinukulit siya ng multo na ayaw manahimik dahil sa hinihinging hustisya. Well, ganoon na nga, Drake needs justice for his terrible death.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD