NAKAHIGA na sa kama si Aleah nang lumabas ng banyo si Drake. Tanging tuwalya lamang ang sapin sa pan-ibabang katawan nito. Deretso ang lakad nito palapit sa kanya. Lumuklok ito sa kanyang paanan. “May I borrow your phone?” untag nito sa kanya. Dagling iniabot naman niya rito ang kanyang cellphone. “Meron bang phone number si Elton na naka-save rito?” tanong nito pagkakuha ng cellphone. Tumango lang siya. Mabangis pa rin kasi ang aura ni Drake. Tinatawagan ni Drake si Elton. “Elton, this is Drake. What happened to SSGC? Na-recover na ba ang mga baril sa rooftop? Merong suspect na nakatakas. Bumaba siya sa ground floor,” sabi nito sa kausap. Naka-loud speaker ang phone niya kaya rinig niya ang boses ni Elton. “Yes, na-recover na namin ang mga baril. Sadly, wala kaming nakitang suspect