NAGISING si Aleah dahil sa nakakatakam na amoy na sumiksik sa ilong niya. Dahan-dahan siyang bumangon. Pumasok kaagad siya sa banyo at naligo. Maaga pa naman. Naalala niya, pinagpahinga pala siya ni Drake. Paglabas niya ng banyo ay namataan niya si Drake na nakaluklok sa kama. Tanging puting pajama ang suot nito. Ang tamis ng ngiti nito, walang mag-iisip na may itinatago itong halimaw sa loob ng katawan. He’s undeniable gorgeous. “Good morning beautiful!” bati nito saka tumayo at humakbang palapit sa kanya. Kinabahan siya nang hiklasin nito ang tuwalyang nakabalot sa kanyang katawan. Nahantad ang kanyang kahubaran. Pagkuwan ay binuhat siya nito at pangko habang naglalakad patungo sa kama. Iniupo siya nito roon at dagling siniil ng halik ang kanyang mga labi. “I want you for my breakfa