HINDI nakatiis si Aleah, sinundan kaagad niya si Drake sa opisina nito. Binigyan naman siya ni Drake ng pagkakataon na makapaglabas ng hinaing niya. Hindi siya umupo kahit inalok siya nito ng silya. “Mawalang-galang lang, sir. Ayaw kong maging marahas pero hindi po tama na ang mga loyal employees ng daddy n’yo ang sinibak mo. Baka ho nabibigla lang kayo, or nagkamali lang kayo ng obserbasyon. Bakit hindi ang mga buwaya sa kumpanya ang sibakin ninyo?” nate-tense na pahayag niya. Ang lagkit kasi ng titig sa kanya ni Drake, habang prenteng nakaupo sa swivel chair nito. Ipinatong nito sa lamesa ang mga kamay saka pinagsupling. “Relax, Aleah. Hindi makitid ang utak ko. I know what I’m doing,” kaswal na sabi nito. “Pero ang sabi mo, sisibakin mo ang mga maaring may kinalaman sa kaso mo. Why t