Chapter 16

2852 Words

“BAKIT naglakad ka lang kanina?” Nabitawan ni Aleah ang kanyang cellphone dahil sa labis na pagkagulat. Marahas siyang lumingon sa kanyang likuran. Nakalapat sa kanyang dibdib ang kanang kamay niya upang kontrolin ang mabilis na t***k ng kanyang puso. Nang makita si Drake na nakatayo sa bukana ng pinto ay mabilis ding humupa ang kaba niya. Naroon siya sa kanyang kuwarto at sana ay mahihiga na sa kama. Hindi na siya nakapaghapunan dahil parang nakabara pa rin sa kanyang dibdib ang takot. Sa tanang buhay niya, ngayon lang may nagtangka ng masama sa buhay niya. Napatingin siya sa maskara ni Batman na hanak ni Drake. Ito nga ang tumulong sa kanya kanina. Bago niya ito sagutin ay pinulot muna niya ang kanyang cellphone na nagkahiwalay ang mga piyesa. Mabuti at hindi nabasag ang screen nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD