NAKATITIG si Drake sa monitor ng computer. Binabasa niya ang e-mail sa kanya ni Tyler. Ipinasa nito sa kanya ang hinihingi niyang list of clients nito at mga projects na natapos. Wala itong sinabi na hindi related sa kumpanya. Nagtatampo pa rin ito sa kanya. Habang iniisa-isa niya ang pictures na pinadala ni Tyler, bigla niyang nakita sa isang larawan si Aleah, kasama si Tyler. Nasa tapat ng ginagawang building ang dalawa at nag-uusap. Si Aleah ang may hawak sa payong. Lalo siyang nagduda na maaring hindi lang friendship ang meron sa relasyon ng dalawa. Hindi siya maka-relate dahil never siya nagkaroon ng matatawag na best friend na babae, o kahit kaibigang malapit na maari niyang pagbahagian ng personal niyang buhay. Mas nae-enjoy niya ang buhay na busy at nakikisalamuha sa iba-ibang t