Chapter 12

2255 Words

INABOT ng alas-siyete sa opisina si Aleah. Hinintay pa kasi niya ang ibang record files mula kay Jarren. Pero ipinabukas pa ni Jarren ang iba. Hindi pa naman niya dinala ang kotse niya dahil ayaw mag-start. Palabas na siya ng opisina nang tumunog ang cellphone niya. Dinukot niya ito sa kanyang bag. Nang malamang si Tyler ang tumatawag ay dagli niya itong sinagot. “Hello!” sagot niya. “Aleah, nakauwi ka na ba?” tanong nito. “Uhm, pauwi pa lang. Narito pa ako sa office,” aniya. “Good. Susunduin na kita riyan. Dala mo ba ang kotse mo?” “Hindi, eh. Ayaw kasing mag-start kaninang umaga,” malumanay na sagot niya. “Bakit, may pupuntahan ba tayo?” “Mag-dinner tayo. Then puntahan natin ang painting, meron na raw frame.” “Wow! Sige, saan kita hihintayin?” “Sa rooftop parking lot na lang.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD