"ANO?!" Halata ang pagkagulat sa mukha ni Lyn nang humarap siya sa akin. Lumagpas pa nga ang lip tint niya dahil nabigla siya sa paglingon. "Shhh!" saway ko sa kanya nung nakita kong pinagtitinginan kami ng ibang tao na nandito sa comfort room. "Halika nga," aya niya sa akin. Mabilis niya akong hinila palabas ng comfort room pagkatapos niyang ayusin ang pagkakalagay ng lip tint niya. Agad kaming naupo sa bench sa gilid ng drinking fountain. "Oh, anong nangyari?" tanong niya agad. "Nagkwento na ako sa'yo, 'di ba?" sagot ko naman at pabiro ko siyang inirapan. "Ano pa bang sasabihin ko?" "Kilala kita," sabi niya naman. "Hindi mo ako sinagot kanina kung anong nararamdaman mo sa mga nangyayari." "I... I don't know. Wala naman na akong dapat maramdaman. Boyfriend ko na si Enz," sagot ko