"Saan ka nagpunta kahapon?" tanong sa akin ni Lyn habang bumibili kami ng churros sa labas ng university. "Kiel's," maikiling sagot ko sa kanya dahil ayoko talagang pag-usapan. Wala rin namang dapat pag-usapan dahil umalis agad ako pagkatapos ng mga weirdong sinabi ni Kiel. I think he's just delirious, or maybe he's just playing around to confuse my feelings. "Anong ginawa mo ro'n?" Nagdalawang isip ako kung i-ku-kuwento ko pa ba kay Lyn ang nangyari. It's not that I don't trust her but I feel like what happened yesterday is wrong. "Nothing important," iwas ko sa tanong. "Halika na, bumalik na tayo sa loob." "Aba, teka naman. Wala pa kaya 'yong orders natin," sabi niya sabay turo ng number na nakapatong sa table namin. "Mag-kuwento ka na. Marami tayong oras, wala na tayong klase kaya