Chapter 5

1622 Words
Chapter 5 SUMILIP muna ako sa ibaba para tingnan si yabang. Wala na siya at nakaayos na rin ang kama niya. Sabagay, kahit noong nasa Phoenix pa kami, palagi siyang first comer. Naligo na ako at nagbihis. Hindi na rin masama ang white long sleeves na ka-partner ng gold coat at black pants. Inayos ko ang aking buhok at kinuha na ang bag ko. Binuksan ko ito para kunin ang slip kung saan nakalagay ang class ko, para na rin tingnan kung saang room ako pupunta. Nanlaki ang mga mata ko dahil wala ito sa bag. “Hala? Dito ko lang ‘yon inilagay!” Inilibas ko ang lahat ng gamit sa loob pero hindi ko pa rin ito nakita. “Malas naman, oh!” saad ko na may panlulumo at napahampas sa mukha ko. Naghalukay na ako sa maleta at isiniksik ang kamay sa lahat ng sulok ng bag. Sa kasamaang palad, walang slip na lumitaw. Inis akong tumingin sa relo ko. “F*ck it!” singhal ko sabay tadyak sa sahig. Napahawak na lang ako sa aking ulo habang umiiling. “Buwisit! Sa dinami-raming puwedeng mawala, bakit ‘yon pa?” inis kong tanong sa sarili. “Hindi ‘yon puwedeng mawala!” Agad kong ginulo ang buhok ko. Huminga ako ng malalim para kumalma. Ire-report ko na lang 'to. Kung sakaling matanggal man ako rito dahil nawala ‘yon, ayos lang. Nakaranas na naman ako ng isang araw sa lugar na ‘to. Wala sa sarili akong bumaba ng dorm. Dumiretso na ako sa academic building kahit hindi ko alam kung saang room ako pupunta. Napakamalas ng unang araw ko. Pakiramdam ko tuloy, hindi talaga ako nararapat dito. “Waiz!” Napalingon ako sa tumawag. Natanaw ko si Vanna na tumatakbo palapit sa akin. “Bakit wala ka pa sa room?” tanong niya nang huminto sa harapan ko. “Nawawala ang papel ko,” sagot ko habang nagkakamot ng batok. “Huh? ‘Di ba sinabi ko na ‘wag mong kalilimutan ‘yon?” sermon niya. “Sorry na,” tanging nasabi ko. “‘Di bale na nga, hanapin na natin,” sabi niya. “Pero?” Napakunot ako ng noo. Tinanggal niya ang kanyang salamin sa mata at nilibot ang tingin sa paligid. “Ano’ng ginagawa mo?” nagtatakang tanong ko. Ang alam ko, nagsasalamin ang isang tao para luminaw ang mga mata nito. Pero tinanggal niya ang kanyang salamin para maghanap? Hindi ba mas lalong hindi siya makakakita ng maayos kapag gano’n? “Baka nasa room mo lang ‘yon, tiningnan mo na ba ang gamit ng roommate mo?” tanong niya. Bigla akong napaisip habang nakatingin sa kanya. Hindi ko pinakialaman ang gamit ni yabang. Alam ko naman kasi na hindi ko ilalagay roon ang kahit anong gamit ko. Napansin ko na ang pagtakip ni Vanna sa ilong niya. “Mabaho ba ako?” mahinang tanong ko at pasimpleng inamoy ang sarili. Hindi naman. “Hintayin ka na lang namin sa room 5,” sabi niya nang hindi inaalis ang kamay sa ilong. Tumakbo na siya palayo. Naiwan naman ako rito na medyo naguguluhan. “Bahala na,” saad ko. Bumalik na ako sa dorm para tingnan ang gamit ni Xyrus. Wala naman akong nanakawin sa kanya, hahanapin ko lang ang slip ko. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa room namin. Kinuha ko agad ang gamit niya at hinanap ang papel ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang gusot na papel ko sa gilid ng kanyang maleta. “Hindi ka nababagay sa Kaizen kaya gagawin ko ang lahat para mapatalsik ka, walang lugar dito ang walang utak na katulad mo.” Nabalot ako ng inis nang maalala ang sinabi niya. “Hinahamon mo talaga ako,” nagngangalit kong sabi at mariing kinuyom ang kamao ko. Hindi na ako nagsayang ng oras at pumunta na sa room 5. Mukhang wala pa ang guro dahil may kanya-kanyang mundo ang mga nasa loob. Napansin ko rin na halos nasa sampung estudyante lang ang narito. Kumulo ang dugo ko nang makita si yabang. Napansin ko ang gulat niyang reaksyon nang makita ako pero ilang sandali lang ay nagbigay na siya ng matalim na tingin. Binawian ko lang siya ng mapang-asar na ngiti. Akala mo ba hindi na ako makakapasok? It's a prank gago! “Waiz dito!” Agad kong ibinaling ang tingin kay Vanna. Tinuro niya ang bakanteng puwesto sa pagitang nilang dalawa ni Win. Naglakad na ako papunta roon at umupo. “Malapit na si Ma'am,” sabi ni Vanna sa amin. Ilang segundo lang ay may pumasok na. Tumahimik kami at nanatiling nakatingin sa kanya. Mukhang hindi nagkakalayo ang mga edad namin. Kung tatantsahin kasi, parang nasa mga 19 to 21 years old lang siya. “Good morning, class,” nakangiting bati niya. Tumayo kaming lahat. “Good morning, Ma’am—” “Pilar Inocencio.” Isinulat niya ito sa whiteboard. “Your class adviser,” nakangiti niyang wika. Sumenyas na siya para paupuin kami. “Sa ngayon, self introduction muna tayo, any volunteer?” Agad na nagtaas ng kamay si Win. “Okay, go on,” signal ni Ma’am. Puno ng kumpiyansang tumayo si Win at inilibot ang tingin sa aming lahat. “I’m Win Dela Cruz, 16, former SSG President, class valedictorian, student of the year, PriSA Champion, Basketball MVP.” Hindi ko na pinakinggan ang mga sunod niyang sinabi pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha. Grabe, parang sinalo niya na ang lahat ng award. Iba talaga kapag matalino. Tumingin ako sa mga kaklase ko. Parang wala man lang sa kanila ang mga award na sinabi ni Win. Pagkatapos niyang magpakilala ay nagtaasan na sila ng kamay para sumunod. Halos tumulo ang laway ko habang nakikinig sa mga award na sinasabi nila. Nakakamangha na nakuha nilang lahat 'yon. Samantalang ako, ang tanging nakukuha ko lang ay 'certifcate of participation'. “And last but not the least.” Tumingin ako kay Ma’am nang mapansing nakatingin siya sa akin. Dahan-dahan akong tumayo. Medyo nanginginig pa ang dalawang tuhod ko. “I’m W-waiz Catalinuhan, 16,” nauutal kong sabi. “Best in?” tanong ni Ma’am. Lumingon ako sa mga kaklase ko. Nakatingin silang lahat at tila hinihintay ang isasagot ko. “Best in my Tita’s eyes, Ma’am.” Napangiwi ako habang hinintay silang magtawanan pero tanging pagtitig lang ang ginawa nila na parang kinikilatis ako. “Thank you, Waiz,” tugon ni Ma’am. Dahan-dahan akong umupo at malalim na bumuntong-hininga. “Nice move, tipid na information para hindi madaling mababasa pero hindi pa rin ako magpapatalo sa ‘yo,” sabi ni Win sa akin. Napakunot-noo ako bigla. Ano raw? “Napakamisteryoso mo talaga, Waiz,” wika ni Vanna. Huh? Bakit parang pinupuri pa nila ako? Nagbigay na ng topic si Ma’am at snimulan niya na ang pagtatanong. Agad na nagpaunahan ang mga kaklase ko sa pagsagot. Parang hindi na nila kailangang mag-aral pa dahil sa bawat tanong ay alam na nila ang kasagutan. “Sandali.” Nabaling ang atensyon namin kay Xyrus. “Akala ko ba advance ang pinag-aaralan sa Kaizen? Ang lahat ng tinatanong mo ay napag-aralan na namin. Parang wala naman pala itong pinagkaiba sa ibang schools, para saan pa at naging Kaizen to?” inis na tanong niya. Napakayabang talaga. “I think he has a point,” pagsang-ayon ng isang babae na nasa harapan. Sumang-ayon din ang iba habang ako ay nakikiramdam lang sa nangyayari dahil wala akong alam sa bawat tanong na binanggit. Tumingin kami kay Ma’am. Bakas sa mukha niya ang gulat pero ilang segundo lang ay nagkaroon na ng ngiti sa kanyang labi. “Good question…” “Pilar!” Agad kaming napalingon sa labas. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang galit na lalaking may hawak na baril. Itinutok niya ito kay Ma’am Pilar. “Papatayin kita!” Nabalot ng sigawan ang buong room nang paulanan niya ng bala ang katawan ni Ma’am. Napaupo ako sa sahig at prinotektahan ang sarili ko, gano’n din ang ginawa ng iba. Sa isang iglap lang ay tumakbo na paalis ang lalaki at naiwan kami kasama ang duguang bangkay ni Ma’am Pilar. “Waiz!” Niyakap ako ni Vanna habang umiiyak at balot ng takot. “Ano na’ng gagawin natin?” “Ano ‘yon?” “Nasaan ba tayo? Bakit may ganito?” “Mamamatay rin ba tayo?” Sari-saring tanong mula sa mga kaklase ko. Bakas pa rin sa mukha ng lahat ang takot at pagkabahala sa naganap. “Patay na ba si Ma'am Pilar?” “I-report n’yo na ‘to, ano pang tinatanga n’yo?” natatarantang saad ng isa. Lumapit si Xyrus sa nakahandusay na katawan ni Ma’am at tiningnan itong mabuti. Sumunod din si Win sa kanya. “Dalawang bala sa ulo, isa na saktong-sakto sa direksyon ng puso, isa rin sa leeg at dalawa sa tiyan, sigurado akong patay na siya,” saad ni Win. Lumapit ako para tingnan din ito. Isa-isa nang sumunod ang iba para makitingin. “Ah!” Napalayo kaming lahat nang bigla siyang dumilat at ngumiti. “Multo!” “Zombie!” “Mommy ko!” sigaw ng lalaking nakasalamin at agad na nagtago sa likuran ko. “Alam kong napag-aralan na ninyo ang tungkol sa immortal cell.” Nanlaki ang mga mata ko nang makita na unti-unting lumalabas sa katawan niya ang mga bala at dahan-dahang nagsasara ang mga butas na tinamaan nito. “Napag-aralan n’yo na rin ba ang tungkol sa immortal body?” Tumayo siya at ngumiti sa amin. “Imposible,” hindi makapaniwalang saad ni yabang. “Natatanging kakayahan na hindi magagawa ng isang ordinaryong tao. Ngayon, ang activity ninyo ay ipakita ‘to sa ‘kin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD