Chapter 14 “Tumigil ka na!” mariing sabi ko at tiningnan siya ng masama. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa bakal na binti niya habang sinusubukang bumangon. Sinubukan niya itong alisin pero mas lalo ko pa siyang kinapitan nang hindi inaalis sa kanya ang matalim na tingin ko. Nakita ko ang gulat at matinding kaba sa reaksyon niya. “A-ano’ng gagawin mo?” nauutal na tanong niya. “Hala! Gagawin niya na!” Huminga ako ng malalim. “Memory manipulation! Buburahin ko ang lahat ng alaala mo!” buong puwersa kong sigaw. “H-huwag, huwag! Ah!” sigaw niya at napaatras habang nakahawak sa kanyang ulo. Agad na lumayo ang mga kasama niya sa kaklase ko. Bakas sa kanilang mukha ang takot habang nakatingin sa ‘kin. Lumingon ulit ako sa direksyon ng lalaking lata. Napaupo siya sa lupa at nakahawak