Chapter 13 MADALING ARAW na pero hindi pa ako makatulog. Pilit ko pa ring inaalala ang nangyari noong nakaraang araw bago ako ma-expell. Mas nakadagdag pa sa kuryosidad ko nang marinig ang sinabi ni Vanna. “Baka kaya umiiyak si Xyrus dahil natakot siyang gamitin mo sa kanya ang special skill mo?” Napatakip na lang ako ng mukha habang nakahiga. Gusto kong makasiguro kung mayroon talaga akong ekstraordinaryong kakayahan. “Ano bang klaseng tanong ‘yan, Waiz? Kung wala special skill, edi sana wala ka na rito, pero…” Huminga ako ng malalim. “Kung meron man, bakit hindi ko natatandaan na ginamit ko ‘yon?” nagtatakang tanong ko at tumingin sa kisame. “Hindi kaya epekto ‘yon ng memory manipulation na sinasabing special skill ko?” Umayos ako ng higa at nag-focus ulit sa pag-iisip. “Huwag mo