Chapter 8 Xyrus Constancia “Sana ayos lang si Tristan.” “Bakit kaya sila pinatawag?” “Akala ko isa akong freak, ngayon sigurado na ako.” “Mas magaling ako sa ‘yo, Hina.” “Ang interesting ng mga nagaganap.” “Matatalo ko kayong lahat.” Sabay-sabay na boses na nagpapairita sa akin. Mas maraming tao, mas nagiging magulo. Kapag mas marami silang iniisip, nadadamay ako. Naririnig ko ang lahat ng iniisip nila. Nakakairita, nakakarindi, hindi ito tumitigil. Akala ko magiging maayos ako rito sa Kaizen Academy, pero mas lumala pa dahil sa mga naririnig ko mula kanila. Ibang-iba ang mga iniisip nila kaysa sa normal na tao, isama na rin ang kanilang pag-iisip sa hindi maipaliwanag nilang kakayahan. Umpisa pa lang alam ko na ang tungkol dito. Narinig ko na agad mula sa isip ng mga taong nag