Chapter 18 Napabuntong-hininga ako sabay iling nang maalala ang nangyari kanina. Nakakahiya, nasabihan ako ng crush ko na manyak. Nagpaliwanag naman ako pero pakiramdam ko, hindi pa rin sapat. “Saan ka pala nagpunta kanina, Waiz? Bakit ang tagal mong nakabalik?” tanong ni Vanna habang nagliligpit kami ng gamit. Maagang natapos ang klase, hindi na rin masyadong nagbigay si Ma’am ng mga sumunod na ipapagawa dahil kailangan muna niyang tutukan ang sitwasyon nina Hina at Carol. Malala pareho ang natamo nila sa laban. “Si Hina, bumagsak siya sa akin habang naglalakad sa hallway. Dadalhin ko dapat siya sa clinic pero ayaw niya. Kaya dinala ko na lang siya sa dorm n’yo,” sagot ko. “Dorm namin?” nagtatakang tanong niya. “Nakapasok k—” “Hindi!” pagputol ko sa sasabihin niya. “May babaeng n