Chapter 17 “Your lucky day, huh?” nakangising saad ni Xyrus at binangga ang balikat ko. “Baka sa ‘yo,” sagot ko at sinundan siya ng masamang tingin hanggang sa tuluyan na siyang makalayo. Kung gusto niya, maglaban na kami kahit hindi na hintayin pa ang squared circle na activity. Hindi ko siya uurungan. “Ayos ka lang ba, Waiz? Binully ka na naman ba ng Kitty undie na ‘yon?” nag-aalalang tanong sa akin ni Vanna. Umiling lang ako bilang tugon ko at inaya na siyang umalis. “Sayang, natigil ‘yon agad.” Biglang sumulpot si King sa tabi ko at sumabay sa paglalakad. “Inaabangan ko pa naman ang laban n’yong dalawa ni Xyrus,” saad niya habang nakatingin sa daan. Kahit ako, abang na abang para madurog ko na siya at hindi na ako mayabangan pa. “Interesado talaga akong makita ang special s