“IHATID mo na siya sa kaniyang silid.” Tumango si Dylan sa naging utos ni Donya Anastasia. Katatapos lamang malinisan at malapatan ng lunas ang sugat ni Luisa. Pareho pa silang balot ng puting tuwalya at nilalamig. Laking pasasalamat niya na lamang at ligtas silang nakauwi ni Luisa sa hacienda, ngunit naiinis siya sa sarili dahil nasaktan ito. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili kung bakit ito nasugatan, kung hindi sana siya natulog ay hindi sila aabutin doon ng gabi. Bakit ba naman kasi sinabayan pa niya si Luisa sa pagpapahinga, kahit na napakahaba naman ng kaniyang naging pagtulog nang makarating sila sa hacienda. “Let’s go.” Inalalayan niya itong tumayo. Malalim siyang bumuntong hininga nang iika-ikang naglakad si Luisa. Alam niya namang masakit talaga iyon. “Ang lalim,” biro n

