Kasalukuyan akong nakaupo sa sanga ng isang malaking punoy ng kahoy upang pakalmahin ang sarili ko. Pinili ko rin ang lugar na ito upang makita ko pa rin sina Amara at Clastine at masiguradong magagawa kong makapunta agad sa kanila kung sakali mang may lumitaw na mga halimaw o candidates. Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung anu-ano tungkol sa mga posibleng mangyari sa grupo namin. Alam kong ako talaga ang may kasalanan, inaamin ko ‘yon. Pero kahit na gano’n, hindi ko pa rin magawang hindi umakto nang gano’n. Kahit anong pilit ko sa isipan ko na huwag isiping tatraydurin nila ako ay naiisip ko pa rin. Nakatatak na yata sa akin ang takot na baka kapag dumating ang araw na ibinigay ko na sa kanila ang buong tiwala ko ay saka nila ipapakita ang tunay nilang kulay at ugali. Hindi ko alam k

