Sudden Outburst

2979 Words

Tahimik naming binabagtas ang mahabang lagusan papunta sa ikaapat na palapag. At hindi gaya ng mga nagdaang lagusan, ngayon ramdam ko na talagang pataas ang daang tinatahak namin. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang na ginagawa ko. At sa bawat hakbang ay pangalay nang pangalay ang mga binti ko kahit na parang naglalakad lang ako sa patag na daanan. Sa mga nagdaang palapag kasi ay hindi ganito. Parang hindi kami umaakyat. Ngayon ay ramdam ko ang paggulong ng malalaking butil ng pawis mula sa aking noo pababa sa aking mukha. Binalingan ko ang mga kasamahan ko na nasa unahan ko lang. Sinabayan kasi ni Clastine ang dungeon guide upang masiguro ang kaligtasan nito kung sakali mang may umatakeng halimaw sa dungeon guide. Pansin kong nahihirapan din silang maglakad dahil sa hindi maga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD