Siguro tama na ‘to,” sambit ko bago mailagay sa inventory ang lahat ng palasong mula sa pangil ng mga goblin. Aalis na sana ako nang mahagip ng dalawang mata ko ang natirang item sa loob ng sisidlan. Muntik ko nang makalimutan na naroon din pala ang dalawang naglalakihang pangil ng orc. Hindi ko alam kung saan ko ito maaaring gamitin kaya naisipan ko na lang na itapat ito sa forging orb dahil may kakayahan naman ang orb na tukuyin ang item na pinakabagay sa akin at sa kakayahan ko. Nang itapat ko ito sa orb ay kaagad itong nabalot ng liwanag. Kitang-kita ko ang paglukon ng nagliliwanag na alikabok sa dalawang pangil ng orb bago ito lumutang sa ere. Naghintay ako ng resulta at hinid ko napigilan ang pag-awang ng bibig ko sa labis na pagkamangha nang makita ang isang kulay abong punyal na

