Chapter 24

2326 Words

HINDI NGA SIYA nagkamali. Si Kent nga iyon. Parang gusto niyang yakapin ulit ang binatang tatlong taon niyang hindi nakita. Pero sa kabilang banda ng puso niya, bumabalik na naman ang sakit. Agad na itinulak niya ito nang malakas kaya natumba ito. “Ouch, babe naman!” Napaupo ito sa bato. Napako ang tingin niya sa kamay na hinihipan nito, pero parang may umaagos doon. Dugo! Nanlaki ang mga mata niya nang makita ito. “Oh my God! I’m sorry!” Sabay luhod sa binata at kinuha ang kamay nito. Kinuha niya ang panyo na nasa bulsa at ginamit iyon na pamunas sa sugat nito. Pagkuwa’y hinipan pa niya. Napatigil siya sa ginagawa nang mapansing titig na titig ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ngayon lang lumabas ang buwan. Parang sinadya iyon na itutok sa mukha ng binata. Na-miss kita .

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD