Chapter 21

2326 Words

NAGISING SI KENDRA nang maramdaman ang malamig na hanging dumadampi sa mga braso niya. Nakabukas pala ang bintana ng sasakyan. Napamulat siya ng mga mata. Maliwanag na pala. Napaayos siya ng upo nang makita ang mga nagtataasang punongkahoy. May mga niyog din at mangga. Nangingintab iyon, hinog na yata ang iba. Parang natakam naman siya agad. Napatingin siya sa gawi ni Sebastian, nagmamaneho pa rin ito. “Good morning, sleepyhead!” nakangiting sabi nito. “Morning, anong lugar ito?” tanong niya. “Nandito tayo ngayon sa villa ko, pero don’t you worry, sa Quezon Province lang ito. Malapit-lapit lang sa Manila,” tugon nito. Tumango-tango naman siya. Binalik niya ang tingin sa labas. Kung hindi siya nagkakamali, nakapasok na sila sa loob ng villa. May natatanaw na siyang mga tao na na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD