KANINA PA SIYA hindi mapakali sa opisina niya. Tatlong araw nang hindi tumatawag si Kent sa kanila. Kahit kumustahin man lang sila ng anak niya ay wala. Tumayo siya at sumilip sa labas ng glass wall. Maraming turista. Summer kasi kaya dagsa ang bakasyunista. Napatingin siya sa cellphone na nasa mesa niya. Hinihintay niyang umilaw man lang o tumunog ang ringtone no’n. Umaasa siyang magte-text o tatawag man lang ang binata, pero wala siyang natatanggap. Okay naman silang dalawa no’ng mga nakaraan. Nagkaroon lang ng emergency sa opisina kaya dali-daling pumunta ito ng Maynila. Pagkatapos noon ay hindi na ito tumawag. Hindi na rin siya nakakatulog nang maayos simula no’n. Nakita niya ang pinsan na papasok ng hotel. Pinalipas niya muna ang ilang sandali saka idinial ang number na nasa