SABAY ngang kumain sina Keandrix at Georgia. Na sa unang tingin ay akala mo newlyweds lamang. Sa sobrang dikit nilang dalawa ay hindi nga malayong lovers kung tutuusin ang mga ito. Na iyon naman talaga ang akala ng mga tauhan nina Keandrix sa Mansiyon. Maging ang mga magulang nga ng binata ay ganoon din ang alam nila noong una. Kung hindi nga lang ipinagtapat ni Keandrix ang buong katotohanan ay hindi pa nga maniniwala ang mga ito. "Saan mo gustong mamasyal bago ka magsimulang magtrabaho sa kumpanya?" tanong ni Keandrix sa dalaga nang matapos na silang kumain. "Ahm..wala naman okay ba ako! Nagsawa naman akong namasyal sa San Francisco. Saka, ayaw ko na muna sanang mamasyal." Sagot ng dalaga. "Sige! Punta na lang tayo mamaya sa may dalampasigan." Wika ni Keandrix. Ngumiti naman si Geor