FIRST time ni Georgia sa bahay nina Keandrix subalit panatag ang kanyang loob na nakatulog. Katunayan nga ay napasarap siya ng tulog kaya tinanghali na siya ng gising. Nakadama naman si Georgia ng hiya kung kaya't mabilis ang mga kilos nitong nagligpit ng kanyang higaan. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kanyang silid upang tingnan kung ano ang kanyang maitutulong sa may kusina. Hindi mahagilap ng kanyang mga mata ang bulto ni Keandrix. Naisip niya marahil ay napasarap din ng tulog ang binata. Nasa bungad na siya ng malaking kusina nang may makasalubong siyang isang magandang babae. Sa tantiya niya ay bata pa ito at hawig ni Keandrix parang girl version ito ng binata. "Good morning!" nakangiting bati ni Georgia at may hinuha ang dalaga na si Krystal ang nasa kanyang harapan. Tumaas naman