NASA may hardin sina Keandrix at Georgia ng araw na iyon. Ganoon ang kanilang routine sa araw-araw upang mas mapadali ang normal na paglalakad ng dalaga. Iyong paglalakad na walang saklay para naman bumalik na ang dati nitong normal na paglalakad. "Puwede bang maupo muna tayo?" hinihingal na sabi ng dalaga. Natawa naman si Keandrix. "Sure! Ikaw kasi eh! Sabi mo kaya mo ang limang laps na pabalik- balik!" sagot nito. "Akala ko lang, ang yabang ko kasi!" wika ni Georgia sabay upo at punas sa kanyang mga pawis. Iniabot naman ni Keandrix ang hawak nitong bottled mineral water sa dalaga. "Thanks!" ani ng dalaga sabay binuksan iyon at uminom. "Check up mo bukas kay Doctor Hernandez! And lastly, kay Doctor Ramos pero next week pa iyon!" saad ng binata. "Thank you sa reminder! Muntik ko na