C-8: Isang nakakatawang kasinungalingan

1228 Words
PAGMULAT muli ni Georgia ay mukha ni Iñigo ang nakita nito. Wala na ang mga Doktor at nurses pati na rin ang lalaking nakabangga sa kanya. "Mabuti naman at gising ka na dahil kailangan mo ng uminom ng iyong mga gamot." Wika ni Iñigo. "Ayoko!" pagmamatigas ni Georgia. Bumuntonhininga naman si Iñigo. "Look, we're trying to help you the best that we can. Huwag naman sanang matigas ang iyong ulo." Sabi ni Iñigo. Hindi umimik si Georgia. "Hindi lang naman ikaw ang may may pron sa mundong ito. Iyong iba nga, hikahos sila sa buhay kulang pa ang parte ng kanilang katawan. Meron ding hirap na hirap sa araw-araw pero todo kayod pa rin para lang may makain." Pahayag ni Iñigo. "Wala kang alam, hindi mo ramdam ang nararamdaman ko!" mariing sagot ni Georgia. Napangisi naman si Iñigo. "Lahat napagdaanan na 'yan, love hurts na sinasabi nila. Ikaw nga betrayal lang eh, kay boss mas malala pa kaysa sa dinanas mo!" ani nito. Napatitig si Georgia sa mukha ng binata. Para bang inaarok nito kung nagsasabi ba ng totoo ang lalaki o nililinlang siya. "Siya nagmahal din, ibinahay niya ang babae at binigyan ng magandang buhay. Pero sa bandang huli, iniwan lang siya nito at pinagnakawan pa siya. Tapos ang masakit pa, hiniwalayan na nga diniborsyo pa at nagpakasal ulit sa kumpare niya. Hindi ba mas malala sa kanya kysa sa naranasan mo?" Saad ni Iñigo. Napakurap-kurap naman si Georgia. "Imbes na magpakamatay, nagsipag siya at kinalimutan ang lahat. Tingnan mo siya ngayon, successful na siya at hinahabol na ng maraming babae. Dapat ganoon ka rin, ipakita mo sa lalaking iyon kung ano 'yong sinayang niyang tao. Nakakatiyak ako, hahabulin ka ng ex mo kapag nakita ka niyang mas nag-blooming ka at mas naging successful." Patuloy ni Iñigo. Napaisip si Georgia, kawawa naman din pala ang lalaking nakabangga sa kanya. No wonder relate ito sa kanyang pinagdadaanan. Kaya naman pala naiintindihan nito ang damdamin ng isang niloko at ipinagpalit. "Kaya ano pang hinihintay mo? Magpagaling ka agad, at kung gusto mong gantihan ang ex mo puwedeng-puwede lalo na kapag natutunan mong maging isang matapang na babae. Iyong hindi ka na basta-basta maloloko at masasaktan ng dahil sa pagiging tanga mo noon." Pahayag na naman ni Iñigo. Napairap naman si Georgia sa huling sinabi ni Iñigo. "Grabe ka naman! Nagmahal lang naman ako ng totoo at todo hindi ako naging tanga." Depensa nito. "Asus! Parehas lang ang kahulugan noon, dapat kapag nagmahal ka kasi huwag mong ibigay lahat. Magtira ka rin para sa sarili mo para kapag iniwan ka man o ipagpalit, may natitira pa sa'yo kahit konti." Sabi na naman ni Iñigo. "Akin na ang mga gamot ko!" inis na tugon ni Georgia. Lihim na napangiti si Iñigo dahil umepekto ang kanyang panggagantso sa dalaga. Mabilis nitong ipinatong ang tray sa may tiyan ng dalaga at sinabi ang mga iinumin nitong gamot. Sunod-sunod na ininom ni Georgia ang kanyang mga gamot na para bang nagmamadali itong gumaling. "Hinay-hinay lang naman! Hindi ka naman gagaling agad sa isahang pag-inom mo ng iyong gamot." Wika ni Iñigo. "Salamat sa'yo, at sa boss mo! Hayaan mo, simula ngayon pipilitin kong maging matapang!" ani ng dalaga. "Well, that's good! Parati mo lang isipin ang naging karanasan ng boss ko para may inspirasyon ka." Tugon ni Iñigo. Siya namang pagbukas ng pinto at iniluwa roon si Keandrix na halatang kakagaling sa mga Doktor. "Nakainom na ba si Miss Tañeza ng kanyang mga gamot?" agad na tanong ni Keandrix habang papasok ito sa loob. "Ofcourse! Masunurin naman pala si Miss Tañeza eh!" pagmamayabang ni Iñigo. Napatungo naman si Georgia at kiming ngumiti. Pinagmasdan pa nito ang mukha ni Keandrix at tinitingnan kung may lungkot pa bang bumabalot sa mga mata nito. At natagpuan ni Georgia na tila naka-move on na nga ang binata. Mukhang tama nga si Iñigo sa kanyang sinabi kanina, nakakainggit naman si Keandrix naka-move on na ito. Samantalang siya hindi niya alam kung kailan maghihilom ang sakit na kanyang nararamdaman. "Tawagin mo na lang akong, Georgia. Nakakahiya namang Miss Tañeza ang itawag niyo sa akin, sobrang pormal. Iyon kung okay lang sa inyo," sagot ng dalaga. "Aba! Okay lang sa amin, katunayan nga mas gusto ko rin na tawagin ka sa iyong pangalan. Para naman mawala nga ang sobrang kapormalan natin sa isa't-isa." Pagsang-ayon ni Keandrix. Muling ngumiti si Georgia ng tipid at nilaro pa ang sariling daliri. "Nasabi sa akin ni Iñigo na dati ka ring broken hearted at mas malala pa kaysa sa naranasan ko!" wika ng dalaga. Napaubo si Keandrix at agad na napatingin kay Iñigo na agad kumindat sa kanya. Pinanlakihan niya ng kanyang mga mata si Iñigo. Habang sumenyas naman si Iñigo ng isang peace sign kay Keandrix. "May nasabi ba akong mali?" tanong ni Georgia. "Ahm..wala! Tama ka, mas malala pa ang naranasan ko noon kaysa sa pinagdaanan mo." Sabi na lamang ni Keandrix na pinagpawisan pa nga ito. Pigil naman ni Iñigo ang kanyang tawa dahil sa hitsura ng kanyang boss. Para itong hipon na nagisa sa sarili nitong mantika. Wala nang nagawa pa si Keandrix sa pakulo ni Iñigo kundi ang sakyan na lamang iyon. "Pasensiya ka na kung ang tabil ng dila ko at nasabi ko ang nakaraan mo. Gusto ko lang sanang tularan ang mga ginawa mong paglimot sa nakaraan mo." Wika ni Georgia. "It's okay! Kapag puwede ka ng lumabas dito, don't worry ituturo ko sa'yo. Para naman makalimutan mo na ang mapait mong kahapon." Sagot ni Keandrix. "Salamat!" kiming ngiti na sabi ng dalaga. Ngumiti din naman si Keandrix at saka ito tumango ganoon din si Iñigo. Habang kapag ka napapatingin si Keandrix kay Iñigo ay pinandidilatan niya ito subalit umiiwas na lamang ang binata para naman hindi sila gaanong halatado. "Tarantado ka, ginawa mo pa akong broken hearted kay Georgia!" wika ni Keandrix kay Iñigo sabay batok sa binata. Natawa naman si Iñigo, nakalabas na sila dahil muling tinurukan si Georgia ng pampakalma kaninang tapos ng uminom ng gamot. Natuwa naman ang mga Doktor dahil napainom ni Iñigo si Georgia ng mga gamot na dati ay nahihirapan sila. Magmula ng magkamalay ito mula sa comatose. "Pasensiya ka na! Sinubukan ko lang naman eh! Ang tigas kasi ng ulo niya kaya hayun naghabi na lamang ako ng kwento! Mabuti na lamang at epektibo naman, kaya sakyan mo na lang!" sagot ni Iñigo. "Ewan ko sa'yo baliw! Ang tingin na sa akin lalaking iniwanan, nakakatawa na nakakainis!" wika ni Keandrix. "Hayaan mo na! Alam mo naman sa sarili mong hindi totoo iyon! Malay mo, mas mapabilis ang paggaling niya!" depensa pa rin ni Iñigo. "Ikaw, kung naging babae ka lang sana isa ka sa mga tsismosa sa paligid na para nang cctv nakabantay sa buhay ng isang tao." Sermon ulit ni Keandrix. Natawa na naman si Iñigo dahil tama ang binata. Kung matabil ang dila ni Georgia mas matabil sa kanya. Parehas lang silang prangka, pero mas seryoso si Keandrix. Hindi nga nila alam kung bakit magkasundo silang dalawa. First time yata in history ng magkaibigan na magkasundo ang magkasalungat ng mga katangian. Subalit iyon naman ang kagandahan nilang dalawa bilang magkaibigan, kapwa nila alam kung paano sayawan ang isa't-isa. At nagtagal pa silang magkaibigan na nauwi sa pagiging best of friends. Marami na rin silang pinagdaanan at pinagsamahan na kapwa hindi matinag- tinag sa kahit anumang hamon ng buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD