C-7: Ang muling pagkagising

1404 Words
NAGING busy si Keandrix sa mga sumunod na araw. Marami itong inasikasong kliyente at mga ka- deal sa negosyo para sa kanyang kumpanya sa San Francisco. Well, kasosyo naman niya ang kanyang dalawang kapatid na sina Kyle at Kristoff. Mas lumawak pa ang kanilang negosyo kasi at kailangan siya sa bawat transaction. Naipagtapat na rin ni Keandrix sa kanyang mga magulang ang tungkol kay Georgia na nabundol nito. At sinabi rin ng binata na walang kamag- anak ang dalaga na naghahanap dito kung kaya't siya na ang nag-shoulder para maipagamot ang dalaga. Kasalanan man ng dalaga o hindi responsibilidad niya pa ring maipagamot ito sa abot ng kanyang makakaya. Nasa kalagitnaan na ng meeting si Keandrix nang biglang tumunog ang selpon nito. Subalit hindi niya iyon pinansin at tinaob sa may mesa, ganoon siya kapag nasa mga meeting. Hindi niya ugali ang sumagot sa mga tawag kahit gustong-gusto niya. Nakailang ring pa ang kanyang selpon na dati nang naka-vibrate. Kinalabit ni Kyle ang siko ni Keandrix na nakikinig sa presentation. Kaya naman napabaling si Keandrix sa kanyang kuya. "Sagutin mo na baka importante!" anas ni Kyle. "Pero nasa kalagitnaan pa lamang tayo ng meeting!" ganting anas din ni Keandrix. "Sige na! Ako na ang bahala!" giit ni Kyle. Walang nagawa si Keandrix kundi damputin ang kanyang selpon. Tumikhim ang binata saka ito tumayo. "Excuse me folks!" wika ni Keandrix at naglakad na ito palabas ng conference room. Pagkalabas ng binata at agad nitong pinindot ang answer button. "Iñigo!" bulalas nito. "Sorry sa interrupt, pero si Miss Tañeza ay nagising na." Pagbibigay alam ni Iñigo. "What?! And, any adverse effects or strange reaction from her?" gulat na sabi ni Keandrix. "Naninibago siguro siya sa kanyang paligid. Pero hindi pa siya nagsasalita, kinakausap na ng mga Doktor. You should come here, amigo!" saad ni Iñigo. "Okay! Just a moment, I will come!" pagsang- ayon ni Keandrix at ibinaba na nito ang kanyang selpon. Mag- isang buwan na sila sa San Francisco bukas at isang magandang balita na ang dalaga ay nagkamalay na mula sa comatose. Maliit nga raw ang tiyansa lalo pa't may mga injured sa katawan ang dalaga. Marami pang bubunuing panahon upang tuluyan itong maka- recover. Muling pumasok si Keandrix sa loob ng conference room at sinenyasan si Kyle. Tumayo naman si Kyle at nag- excuse sa kanilang mga kasamahan bago sumunod kay Keandrix. "Anong problema?" agad na tanong ni Kyle kay Keandrix. "Nagising na raw si Miss Tañeza, I need to see her!" sagot ni Keandrix. "It's okay! You can go! Kami na ang bahala rito!" pagpayag naman ni Kyle. "Salamat bro! Hahabol na lang ako mamaya!" masiglang wika ni Keandrix sabay hakbang na paalis. Natatawa na lamang si Kyle dahil sa pagkataranta ni Keandrix. Sinenyasan naman ni Keandrix ang kanyang driver at dalawang alalay papunta sa may parking lot. Malalaki ang kanilang mga hakbang hanggang sa makalulan sila sa sasakyan. Kung gaano sila kabilis umalis sa kumpanya ay ganoon din sila kabilis nakarating sa may hospital. Agad na tinungo ni Keandrix ang ICU upang makita ang dalaga. Pagkabukas ni Keandrix ang pinto ay bumungad sa kanya na sinusuri pa rin ng mga Doktor ang dalaga. "Okay na ba siya Dok?" tanong agad ni Keandrix. Lumingon naman ang dalawang Doktor. "Okay naman ang mga vital signs niya, maliban lamang sa ayaw niyang sumagot sa bawat tanong namin." Sagot ng mga ito. Nilapitan naman ni Keandrix ang dalaga na nakatingin pa rin sa kawalan. Pinagmasdan niya ito, mas maganda pala ang mga mata nito kapag nakamulat. Kaya lang unang tingin mo pa lamang ay kay lungkot na ng mga mata nito. "Miss Tañeza, ako ang taong nakabangga sa'yo. Na- comatose ka ng mahigit isang buwan, dinala kita rito sa San Francisco for further examination and speed recovery." Saad ng binata. Tila biglang huminto ang mundo ni Keandrix nang tumingin ang babae sa kanya. Maya-maya pa'y napahikbi ito habang lumuluha. "Bakit 'di mo pa ako tinuluyan? Hinayaan mo na lang sana akong namatay!" umiiyak na sabi ng dalaga. Napakurap-kurap naman si Keandrix at parang siya ang nadurog sa kanyang nakikitang kalungkutan at pighati ng dalaga. "Miss Tañeza, anumang pagsubok ang siyang dumarating sa buhay ng isang tao huwag mong hahayaang lamunin ka ng iyong kahinaan." Sabi ni Keandrix na medyo pumiyok pa ang boses. "Hindi lahat ng tao ay kayang lumaban lalo na kung ito ay durog na durog ang kanyang puso at kaluluwa. Hindi lahat ay matapang, may mga mahihina ring nilalang kagaya ko." Sagot ng dalaga habang walang humpay ang pamalisbis ng kanyang mga luha. Nagkatinginan ang lahat sapagkat kanina lamang ay hindi nagsasalita ang babae kahit konti. Si Keandrix lang pala ang makakahikayat dito upang magsalita. At alam nilang lahat na iisa ang nasa kanilang mga isipan. Tama nga ang hinala ni Keandrix noong naka-usap niya si Nicholai. May third party na naganap dahilan upang masaktan nang husto ang dalaga. Na dahilan upang mas nanaisin pa nitong mamatay na lamang kaysa mabuhay. "Naiintindihan namin ang iyong nararamdaman Miss Tañeza. Subalit kailangan mong magpagaling nang husto para ipakita mo sa mga nanakit sa'yo kung ano 'yong kanilang sinayang. Bakit hindi mo gawing sandata ang nangyari sa'yo upang lumaban sa bawat hamon nila? Ipakita mong sinayang nila ang isang taong kagaya mo." Sabi naman ni Iñigo. "Tama si Iñigo, Misa Tañeza! May mga taong mas malala pa ang dinadala nilang problema. Pero sa halip na sumuko ay ginawa nilang inspirasyon iyon upang magpatuloy sa buhay. Naging mas matatag sila pagkatapos nang ilang panahong pagmumuni- muni kung ano ba ang dapat nilang gawin. Idulog mo sa Diyos ang iyong mga dalahin, tiyak tutulungan ka niyang bumangong muli." Saad naman ni Keandrix. Hindi sumagot si Georgia, bagkus ay tumingin lang siya sa mga mukha nina Iñigo at Keandrix. Nakagat nito ang sariling labi dahil nais na namang kumawala ang isang hikbi na kanya lamang pinipigilan. "We will help you, and you need to help yourself as well." Sabi naman ni Dr. Hernandez. "Mabuti pa ang isang tao, ipinapakita niyong may halaga ako. Samantalang ang mga pinagkakatiwalaan ko sa aking buong buhay ay sila pala ang mas sisira at dudurog sa akin." Sagot ni Georgia. "Huwag mo munang isipin ang nakaraan ang mahalaga ay ngayon. Kailangan mong itatak sa iyong isipan na ang buhay anuman ang mangyari kailangan na magpatuloy lamang." Sabi ni Dr. Planas. Napapikit si Georgia sabay punas sa kanyang pisngi. Napatungo ito na parang nahihiya. "Nakakahiya lang, nang dahil sa katangahan ko nadamay ka pa Mister." Mahinang wika ng dalaga. Napangiti naman si Keandrix. "I'm Keandrix and I believe you are Georgia. No problem naman, may kasalanan din ako kaya responsibilidad ko ring ipagamot ka." Tugon niya. "Salamat sa pagmamalasakit, kung papalarin akong muling magkaroon nang trabaho babayaran ko lahat ng gastos mo sa akin. Lalo pa't dinala mo ako rito sa ibang bansa." Nahihiya pa ring wika ni Georgia. "Huwag mo munang isipin ang mga 'yan! Ang isipin mo ngayon ay ang iyong fast recovery. Para magkatrabaho ka na ulit." Turan ni Keandrix. Hindi umimik si Georgia, bagkus ay napatingin ito sa malayo. Muli niyang naalala ang huling tagpo na naging dahilan ng kanyang pagkakabunggo. Ang betrayal nina Nicholai at Chona sa kanya. Ang pagpapakasal ni Nicholai sa iba ay kaya pa niyang tanggapin. Subalit ang malaman na her bestfriend also cheated sa kanya at sa lalaking mahal pa niya. Akala niya dinadaya siya ng kanyang mga mata subalit totoong magkasiping sina Nicholai at Chona mismo sa harapan niya. At ang pinakamasakit na hanggang sa mga sandaling iyon ay ang katotohanang kasal na pala noon pa ang dalawa. Hindi lang siya nagmukhang tanga kundi iginisa rin siya sa kanyang sariling mantika. Kaya hiling nga niyang sana ay lang ay natuluyan siya at hindi na gumising pa. Kaya lang heto na naman ang nag- uumigting na katotohanang, buhay na buhay siya at nakakaramdam pa rin ng sakit at pighati. Walang nagawa si Georgia kundi ang humagulhol na lamang ng iyak na unti-unting nauwi sa sigaw. Na kahit anong alo nilang lahat ay hindi na nagpaawat pa ang dalaga. Walang nagawa ang mga dalubhasa kundi turukan nang pampakalma si Georgia. Maya-maya pa'y nakatulog na ito habang luhaan pa rin ang mga nakapikit nitong mata. Hindi maintindihan ni Keandrix kung ano ang kanyang mararamdaman. Basta ang alam niya ay apektado siya sa pighati ng dalaga na hindi man literal na sa kanya nangyari iyon, subalit tagos hanggang buto ang sakit na nararamdaman ng dalaga for sure.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD