"Ate ikaw na lang ang hinihintay sa baba,' simangot na saad ni Avie sa kanya nang pumasok ito sa silid niya.
"Malapit na," tugon niya sa kapatid habang inaayos pa ang kanyang buhok na kinulutan niya sa may dulo para naman magkaroon ng appeal ang kanyang mahabang buhok.
"Nagmamadali na si Daddy," Avie said sabay dampot sa make up kit niya at nagsimulang maglagay. Hindi na lang niya pinansin ang kapatid. Minamadali na rin niyang maayos ang kanyang buhok. Hindi kasi siya agad nag ayos dahil wala siyang balak umattend sa party ng bago nilang kapitbahay.
"Ate kakilala mo ba ang bago nating kapitbahay?' Avie asked her.
"No," tugon niya rito.
"Ang sabi kasi ng classmate ko gwapo daw at binata pa," Avie said.
"Paano naman nalaman ng classmate mo?" She asked.
"Iyung Daddy das kasi niya nag na meet na siya," Avie answered.
"Ano ba ang pangalan o apelido?" She asked.
"Hindi niya binanggit eh," Avie said.
Tumango-tango na lang siya sa kapatid at mabilid nang tinapos ang pag-aayos ng kanyang buhok, para na rin makaalis na sila at makauwi siya agad. Wala siyang hilig sa mga party lalo na't kasama niya ang kanyang mga magulang. Hindi kasi siya mag e-enjoy masyado.
Pagkatapos niyang mag ayos sabay na sila ni Avie na bumaba para makaalis na sila. Agad naman nang tumayo ang Daddy niya na mukhang inip na inip na nga sa kahihintay sa kanila.
"Si Kuya Juancho?" Tanong niya nang mapansing wala ang kapatid sa sala.
"Oo nga, hindi pa ba bumababa si Kuya?" Tanong ni Avie.
"Hindi makakasama ang Kuya niyo, may importante siyang lakad," tugon ng Mommy nila.
"Tayo na," saad ng Daddy niya at nauna sa paglalakad. Nagkatinginan silang tatlo saka mabilis na sumunod palabas ng bahay sa Daddy nila.
Sa katabing bahay lang naman ang party na pupuntahan nila pero nagsasakyan pa rin sila. Isa sa mamahaling sasakyan ng Daddy nila ang ginamit. Nag driver pa nga sila kahit na ang biyahe nila eh hanggang labas lang naman ng gate nila.
Paglabas ng gate una niyang napansin na halos pumapasok ang mga sasakyan sa loob ng bakuran. Marahil may parking lot sa loob, kaya walang naka park na sasakyan sa labas ng kalsada.
Sinabihan pa ng ama ang driver nila na ipasok sa loob ang sasakyan nila. Hindi nga naman magandang tignan kung maglalakad lang sila papasok sa bakuran.
Hindi niya napigilang mapa wow nang makita kung gaano kalaki ang bakuran. Kasyang-kasya nga ang maraming sasakyan sa loob. May kalayuan pa ang bahay mula sa gate. Sa ganda at laki ng bahay para na itong mansyon. Sadyang mayaman nga marahil ang bago nilang kapitbahay, kaya atat ang Daddy niya na makilala ito.
Sa pagbaba ng sasakyan pinagbuksan sila ng driver at inalalayan makababa ang bawat isa sa kanila.
Maliwanag ang buong paligid kaya nakikita na niya na halos mayayaman ang mga taong naroon sa party.
Garden party ang theme ng party at masasabi niyang maganda at maayos ang pagkaka set up sa party. Class na class at napaka elegante. Tama lang na nagsuot siya ng eleganteng dress at least hindi niya ma O-OP.
"Naku puro mga matatanda yata dito,' bulong ni Avie sa kanya nang lumakad na sila palapit sa mga taong naroon.
"Marinig ka ni Daddy," saway niya sa kapatid.
"No wonder hindi umattend si Kuya Juancho. Wala kasi siyang maiuuwing babae,' Avie whispered.
"Avie," muli niyng saway sa kapatid.
"Fine!" Avie said sabay zipper pa sa bibig nito kunwari.
Habang naglalakad ginagala niya ang kanyang mga mata sa paligid at tinitignan rin kung may kakilala ba siya sa mga taong naroon. Naalala din niya ang driver na nakita niya kahapon sa may gate na kamukha ni Harvey. Naisip rin kasi niya na kung si Harvey nga iyon, baka naninilbihan ito sa mayamang pamilya ng kanilang bagong kapitbahay. Sana na lang hindi mag krus ang landas nito at ng Daddy niya kung si Harvey nga iyon. Pero sana hindi na lang. Tutal matagal na rin itong wala sa kanilang bayan, kaya sana huwag na lang din itong bumalik pa.
Nakisama sila sa iba pa nilang kapitbahay habang hinihintay ang may-ari ng bahay. Ni isa naman sa mga nakakausap ng kanilang ama hindi kakilala ang bago nilang kapitbahay. Masyado naman yatang private ang kapitbahay nila at wala pang nakakakilala rito ni isa.
Habang lahat sila sa party hinihintay ang may-ari ng bahay naging busy naman sila ni Avie sa mga snacks na naroon. Lahat kasi ng snacks na naroon sa snacks bar ay mga paborito niya. Chocolates and chips.
"Ate paborito mo ito diba," Avie said at dinampot ang chocolate para sa kanya.
"Yes," tugon naman niya at nagsimula na ring kumain habang busy pa ang Mommy at Daddy niya sa mga nakakausap ng mga ito.
"Bakit ang tagal naman yata lumabas ng may-ari ng bahay. Di sana nagpalit na lang siya ng time,' reklamo ni Avie habang kain naman ito ng kain.
"Kumain ka na nga lang diyan," saad niya sa kapatid.
"Diyan ka lang ah. Mag-iikot lang ako,' saad niya sa kapatid.
"Sama ako,' Avie said.
"Huwag na, Avie. Hintayin mo na lang sina Mommy at Daddy diyan," tanggi niya sa kapatid.
"Sungit naman," simangot ng kapatid sa kanya.
"Saglit lang ako," saad niya sa kapatid at lumakad na palayo rito.
Nais lang niyang alamin kung andito ang lalaking nakita niya kahapon. Malakas kasi ang kutob niya na si Harvey iyon. Pero hinihiling niyang sana hindi. Dahil matagal nang naghilom ang kanyang sugat sa puso.
Bawat makasalubong niya pamilyar sa kanya, parang lahat ng mga naroon eh mag kapitbahay lang nila. Pansin rin niyang hindi naman ganoon karami ang mga bisita, parang wala pa ngang bente ang nakita niya kasama na silang apat. Mukhang pili lang din ang mga invited.
Napatingin siya sa bukas na pintuan sa loob ng bahay, kung saan labas, masok ang mga waiter na nag se-serve ng drinks. Nang may dumaan sa harapan niya agad siyang kumuha ng wine. Matagal na rin niyang nahiligan ang pag inom ng wine. Medyo kumakalma siya at nare-relax.
Pumasok siya sa loob ng malaking bahay. Kung na amaze siya sa labas pa lang mas na amaze siya nang makita ang loob. Bawat gamit at desenyo sa loob ay detalyado. Halatang pinag isipan ang bawat gamit na naroon.
"Infairness may taste ang may-ari ng bahay," bulong niya sabay tikim sa wine niya. Na sorpresa pa siya nang matikman ang masarap na wine. Lasa pa lang kase alam na niyang mamahalin.
"Even sa wine," bulong niya.
Naglakad-lakad siya sa malawak na sala. Naghahanap ng kahit isang family picture lang na nakasabit para malaman niya kung sino ang may-ari ng bahay, pero wala siyang picture na makita kahit isa. Even sa ibabaw ng piano na naroon walang picture frame.
"Private talaga eh,' bulong niya at hinaplos ang malaking piano at pumindot ng isa roon na lumikha ng malakas na ingay. Napapitlag pa nga siya at mabilis na lumayo sa may piano.
Nagpalakad-lakad siya sa may sala ng bahay na may eleganteng interior, kung sakaling magkakabahay siya ganitong klase ng style ang gusto niya. Elegante, unang sulyap pa lang alam mo nang mamahalin ang lahat.
Nagsimula na rin ang tugtugin sa may labas kung saan talaga naka ayos ang party. Napapikit siya habang ine-enjoy ang musika at umiinom sa kanyang wine glass. Mas gusto niya ang ganitong party, iyung may space para pwede siyang mag isa.
"Enjoying the night."
Nagulat siya nang makarinig ng tinig ng lalake. Nagmulat siya ng mga mata at umikot para sana makita kung sino ang nagsalita. Nanag bigla naman siyang bumunggo sa isang matigas na bagay na muntik na niyang ika out of balance at pagbagsak sa sahig. Buti na lang at may kamay na sumalo sa kanyang likuran.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang matingin sa lalaking nakatunghay sa kanya.
"Are you ok?" Tanong ng lalake at inayos siya nito para makatayo ng maayos. Hindi niya naiwasang mapahawak sa matigas nitong braso bilang suporta sa kanyang pagtayo.
Nang makatayo na siya at maintindihan na niya ang nangyayari. Hindi niya maalis-alis ang mga mata sa lalaking kaharap.
Hindi siya maaaring magkamali. Ang lalaking nasa harapan niya ngayon at nakatingin sa kanya ay walang ibang kung di si Harvey. Harvey, De Guzman. Kailanman hindi niya pwedeng makalimutan ang gwapong mukha ni Harvey.
"Ok ka lang Miss?" Tanong ng lalake sa kanya. Nagulat siya at tinawag siya nitong Miss. Hindi ba siya nito nakikilala?
"Ah.. Eh..." tanging nasabi pa lang niya habang hindi pa rin maalis ang mga mata rito nang may isang babae ang lumapit sa kanila.
"Babe, let's go," saad ng babae sa lalaking kaharap niya na agad namang nag alis ng kamay sa kanyang likuran at umatras ng isang hakbang palayo sa kanya. Babe. Tumatak sa kanya ang pagtawag ng babae na Babe sa lalake.
"Yeah, let's go," tugon ng lalake at nag alis na ito ng tingin sa kanya.
"Hi,' nakangiting bati ng babae sa kanya. Napalunok siya at hindi malaman kung paano kikilos sa harapan ng dalawa.
"Kanina pa naghihintay ang mga bisita," saad ng babae sa lalake habang inaayos pa nito ang suot na coat and tie ng lalake.
Napalunok na lamang siya at umatras palayo sa mga ito. Para bang hindi naman na kasi siya nakikita ng mga ito na naroon siya. Masyado nang focus ang dalawa sa isat-isa.
Pakiramdam niya nanlamig siya at hindi makakilos habang hindi niya maalis ang mga mata sa dalawa. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita ngayon. Si Harvey ang lalaking nasa harapan niya at sigurado siya. Pero parang hindi man siya nakilala ng lalake. Sinabihan pa siya nito ng Miss? Bakit?