Chapter 06 3rd Person's POV "Maxine? Anong nangyari?" Bahagyang lumingon si Maxine. Doon tumulo luha ng dalaga at lumapit kay Elvis. Umiyak ang babae. Para naman dinudurog ang puso ni Elvis matapos makitang umiiyak si Maxine. Ayaw niya sa lahat makakita ng umiiyak specially kung si Maxine iyon. Niyakap ni Elvis si Maxine at sinabing tumahan na ang babae. Hindi malayo sa lugar kung nasaan si Maxine at Elvis nakatayo si Mapple. Nakasandal sa pader at nakahilig. Nakatingin ang babae sa kalangitan. Ayaw niya nagsasalita lalo na kapag badtrip siya dahil siguradong magkakasakit siya. Mula doon naririnig niya ang iyak ng kakambal. Ayaw niya na umiiyak si Maxine ngunit mas ayaw niya na mapunta sa maling landas ang kakambal. Tumayo ang babae ng maayos at naglakad palayo. Napangiwi na la