Chapter 07 3rd Person's POV Naghihikab si Marco na naglalakad palabas ng building. Hawak ng lalaki ang bag niya at tinatahak ang daan patungo sa parking lot. Gusto na agad umuwi ng lalaki para matulog. Nagugutom na din siya. Nakita niya si Elvis na ngayon ay patingin-tingin sa wrist watch niya at mukhang may hinihintay. "Sino kina Maxine at Mapple hinihintay mo," tanong ni Marco. Napatingin si Elvis. Napakamot sa ulo si Elvis at sinabing hinihintay niya si Mapple. "Nag-promise siya na ililibre ako ng hotdog." Napangisi na lang si Marco. Agad na naging defensive si Elvis at tinanong bakit ganoon makangiti si Marco. Todo explain si Elvis ngunit parang walang naririnig si Marco at tatawa tawa lang sinabing wala pa siya sinasabi. Napatigil si Marco noong makarinig siya ng pag-clic