Prologue

771 Words
Naniniwala ka ba sa love at first sight o sa Puppy Love? Para ba siyang isang anghel na nagliliwanag mula sa kalangitan nang una mo siyang makita? Tumigil rin ba ang mundo mo at mabilis na tumibok ang iyong puso? Nasambit mo ba sa hangin na siya na ang babae o lalaki na para sayo? Sa tingin mo ba ay siya na ang nakatadhana o nakalaan na makakasama mo hanggang sa iyong huling hininga? Marahil ang sagot mo ay isang malaking OO. Masarap ang magmahal. Ang umibig ay isang mahalagang karanasan na ating mararanasan sa tana ng ating buhay. Katulad na lang ni Zion na umibig sa unang pagkakataon sa isang babae. Ang babaeng nagpatibok sa kanyang puso ay walang iba kun’di si Stacy. At dito na magsisimula ang kanilang kwento. Pumasok ang isang babae na nakasalamin, maputi ang buhok at medyo malusog sa Room 172. Sa unang tingin ay masasabi na isa siyang terror teacher na dapat mong katakutan. Siya si Mrs. Teri ang magiging class adviser ng Grade 7 - Section A. Tumindig siya sa harap ng tatlumpung estudyante at nagsimulang magpakilala. Malaki at makapal ang boses, “Good morning, students! I’m Mrs. Teri Rista. I will be you’re Mathematics and Science Teacher.” Pagkatapos ng maikling introduksyon sa sarili ay isa-isa niyang tinawag ang mga estudyante. Ilang sandali pa at muli siyang tumawag ng isang estudyanteng babae, “Stacy Ivy Barmeda,” tawag sa pangalan. Agad naman tumayo si Stacy at magiliw na ngumiti sa kanyang guro, “Present po, Ma’am!” tugon niya. Pumunta siya sa harapan at humarap sa buong klase. Isa-isang pinagmasdan ang mga iyon at masayang nagpakilala. “Hello, fellow students. I’m Stacy Ivy Barmeda. You can call me Stacy or Ivy. Kung saan kayo komportable iyon na lang ang itawag niyo sa akin.” Dahil sa mala-anghel na boses at ganda ng dalaga ay isang binatilyo ang napukaw ang atensyon. Doon nagsimulang umusbong ang kanyang paghanga. Iyon ang unang pagkakataon na nabihag ang puso ng pilyo at bolerong si Zion. Hindi sinasadyang napatingin si Stacy sa isang binata na nakaupo sa gitnang row ng upuan. May kakaiba siyang naramdaman habang tinititigan ang lalaki habang patuloy na nagsasalita. Nakanganga ang lalaki at nakatingin sa kawalan. Para siyang nahipnotismo sa kanyang itsura sa isip ng dalaga. Alternate ang pagtawag ng guro sa mga estudyante. Pagkatapos magpakilala at magsalita ni Stacy sa harapan ay tumawag siya ng isang lalaki. “Zion Royce Buenavista,” tawag ni Mrs. Teri. Hinihintay niyang sumagot ang binata ngunit hindi iyon nagsasalita. Bagkus nakatulala lang at parang hindi siya naririnig. “Zion!” bulyaw ng guro kaya agad na napatayo ang binata. “Yes, Ma’am!” Kinakabahan na sumagot ang binata. Inirapan siya ng guro, “Unang klase pa lang natin ay nawawala ka na sa iyong sarili!” Puna ng guro. Kasabay ‘nun ang tawanan sa klase dahil sa napahiyang binatilyo. Napahawak si Zion sa kanyang batok, “Sorry po, Ma’am!” “Focus, Mr. Buenavista!" saad ng guro. "Are you the younger brother of Zack Rain Buenavista?” tanong sa kaniya. Agad naman tumango ang binata, “Yes, Ma’am! You’re also the former adviser of my sister, Zane Raile.” 'Wala nang kataka-taka kung bakit kilala ng guro ang binata dahil kilala ang pamilya niya na nagmamay-ari ng iba’t-ibang negosyo at kumpanya. Ang Pamilya Buenavista rin ang pinakamalaki ang share sa eskwelahan na ito.' Lumakad papunta sa harapan si Zion. Halata sa kaniyang mukha ang pagkahiya dahil sa sinabi ng kanilang guro, “Hi, classmate. I’m Zion Royce Buenavista. Some of you are my Elementary Classmate, but some of you are new to me!” Ang kaniyang mga mata ay nakatuon kay Stacy. “Kailan mo ba ako sasagutin?” tanong ni Zion sa kaharap na babae. Hawak-hawak niya ang kamay ng dalaga habang masuyo na tinitingnan. “Ga-graduate na tayo, pero hindi ko pa rin nakukuha ang matamis mong OO.” “Hindi ka ba makapaghintay? M.U naman tayo, ‘di ba. Okay na iyon!” tugon ni Stacy sa binata habang tinatawanan. Ilang taon na silang may matinong pagkakaintindihan ni Zion pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya iyon sinasagot. Siya ang klase ng babae na masunurin sa payo at pangaral ng magulang. Mahigpit na hinawakan ng binata ang kamay ng dalaga, “Gusto ko magkaroon ng label. Handa naman akong manligaw ng pormal. Papayagan naman ako ni Tita at Tito kung sakili, ‘di ba?” Pinakilala na ni Stacy ang binata sa kaniyang magulang bilang kaibigan. Kaya umaasa si Zion na kapag nagpaalam siya sa magulang ng dalaga ay papayag iyon na manligaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD