TL Chapter 1 : Family Ties

3033 Words
STACY IVY BARMEDA POV “Paano mo nagawa sa akin ito?” tanong ko sa kaniya. “Bakit?” Hindi ko na napigilan ang aking emosyon. Habang umiiyak ay pinagpapapalo ko siya sa kaniyang dib-dib. “Hindi ko sinasadya!” tugon niya. Parang nagpantig ang aking tenga ng marinig iyon kaya’t napahinto ako. Ilang segundo ko siyang tinitigan ng masama at sinampal. ‘Alam kong masakit iyon dahil namanhid ang aking palad pagkatapos kong gawin iyon.’ “Hindi sinasadya?” ulit kong tanong sa kaniya. “Paulit-ulit nangyari tapos idadahilan mo sa akin ay hindi mo sinasadya?” Bulyaw ko sa kaniyang pagmumukha. “Ginusto mo iyon! Kaya nga paulit-ulit mong ginagawa hanggang ngayon!” “I-I’m so-sorry!” Pilit akong natawa sa kaniyang sinabi. Ngiti ng sakit na dulot ng pag-ibig. ‘Sapat na ba ang salitang iyon para mawala lahat ang sakit ng nararamdaman ko ngayon?’ tanong ko sa aking isip. ‘Hindi! Kasi kapag nagpatawad ka, paulit-ulit mo lang sasaktan ang sarili mo. Paulit-ulit mo lang lolokohin ang sarili mo sa pagkakamaling alam mong siya rin ang paulit-ulit na dahilan.’ Hindi ba’t ang hirap tanggapin kung wala ‘man lang klarong explanation kung bakit niya nagawa iyon? Dalang-dala ako sa teleserye na pinapanood ko. ‘Pati character ni Moira ginaya ko. Paano naman kasi ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Tagos hanggang buto!’ Apektadong-apektado talaga ako sa seryeng ito. ‘Bakit naman kasi nauuso pa ang heartbroken effect. Bakit palagi na lang nasasaktan ang totoong nagmamahal.’ Napalingon ako sa aking likuran ng maramdaman ang mainit na hininga. “Lola! Kanina ka pa ba nanonood diyan?” tanong ko. Napahagikgik sa tawa si Lola, “Oo!” sagot niya. “Pati mga lines ni Moira ay narinig kong sinasabi mo. Masyado ka pang bata para manood ng ganiyang mga palabas.” “Kasi Lola, iba itong palabas na ito kumpara sa nababasa kong mga fairy tale stories. Happy palagi ang ending, samantalang itong si Moira at Jason, wala. Bakit po kaya nagawa niyang lokohin si Moira? Hindi ba’t mahal naman nila ang isa’t-isa?” Out of curiosity ay naitanong ko na lang iyon kay Lola. “Maraming dahilan,” tugon ni Lola. “Una, hindi talaga totoo ang pagmamahal kaya nagawa ni Jayson iyon. Pangalawa, posibleng hindi naman sila ang nakatadhana para sa isa’t-isa” Pinapakinggan ko talaga ang mga sinasabi niya. “Tama na nga ang pagtatanong mo. Balang araw kapag nasa tamang edad ka na ay malalaman mo ang lahat ng tungkol diyan. Pero sa ngayon, pag-aaral muna ang atupagin mo. Gabi na!” “Opo, Lola. Tatapusin ko na lang po ang pagre-review ko.” “Review ba talaga ang gagawin mo? E mukhang madaling araw ka na naman matutulog dahil tatapusin mo pa ang episodes niyang pinapanood mo. Ikaw rin, baka ang masagot mo sa exam ay kwento ni Jason at Moira!” biro niya. Ilang araw na akong puyat sa pagre-review ng mga subject para sa nalalapit naming pagsusulit sa paaralan. ‘Last quarter at graduating na ako sa elementarya. Gusto kong maging proud sina Mama at Papa sa akin.’ Magiging masaya ako kung mapapasaya ko sila sa regalong maibibigay ko na walang katumbas na kahit anong halaga. Siguradong mababayaran ko ang pagsasakripisyo nila para sa akin, para sa aming magkakapatid. Huminga ako ng malalim nang mabigyan ako ng test paper ng aking guro. Napapikit ako at napasambit sa aking isip, ‘Lord, sana lahat ng ni-review ko ay lumabas sa exam.’ Higit na malakas pa rin ang power ng panalangin. Napatindig ako ng marinig ang boses ng aking guro, “Focus on your own paper and no cheating! Ang mahuli ko ay kukuhanin ko kaagad ang test paper at wala ng chance para mag exam. It means you will fail to graduate.” Umikot ang aming guro sa buong kwarto. “Nagkakaintindihan ba tayo?” tanong niya. “Opo!” sagot naming mag-aaral. ‘Alam naming nagbibiro lang ang aming guro, pero isa iyon sa way niya para mag-aral kami ng mabuti.’ Umikot ang tingin ko sa aking mga kaklase. Seryoso sila at Halata sa mukha na kinakabahan. Dahil nasa higher section ay expected na ng karamihan na papasa ang lahat o ‘di kaya ay makaka perfect sa exam. ‘Pero in reality, madugo ang pag-aaral sa highest section kasi mataas ang expectation ng mga guro sa amin, lalo na ang magulang namin.’ Kahit ayaw mong makipagsabayan ay magpupursigi ka kasi nakakatakot na ma criticize at ma-compare sa ibang estudyante. Naka focus lang ang buong attention ko sa test paper. Ang ilan ay madadali, ngunit mas marami pa rin ang mahirap. ‘Talagang sinusubok ang aming mga utak.’ Fifteen minutes before lunch ay nag remind na ang aming guro. “Are you done?” tanong niya. “You can pass your paper!” Isa-isa nang nagsitayuan ang aking mga kamag-aral. ‘Kaya mas na-pressure ako!’ Kailangan ko pang masagutan ang sampung mahihirapan na tanong. ‘Please, kayanin mo!’ sabi ko sa aking utak. Binilisan ko ang pagsasagot. “Three minutes!” saad niya. Mas nataranta ako. ‘Almost half of my classmate ay nagsasagot pa rin.’ “Finish or not finish, pass your paper.” Nang umangat ang aking mukha ay nasilayan ko ang aming guro na nakangiti at maaliwalas ang mukha. Isa-isa niyang kinuha ang aming mga papel. Isang linggo bago ang practice namin sa pagma-martsa ay ito ang huling araw na makakabonding namin ang aming guro. “Before anything else, I would like to congratulate each and every one of you. You did your best for this school year.” Bati niya sa amin. “Saksi ako sa mga hard work niyo para magkaroon ng mataas na grade, at ang diplomang makukuha niyo ay siyang kabayaran sa mga pagsisikap niyo.” Pumalakpak siya, “As your adviser teacher, I’m very proud na kayo ay mga naging estudyante ko. Goodluck sa inyong lahat sa susunod na chapter ng inyong pag-aaral.” Hindi ko napigilang maluha ng makita ang mga mata ni Mama. Maluha-luha siya at masaya. “Mama, pwede po ba na kayong dalawa ni Papa ang magsabit sa akin ng medalya?” tanong ko sa kaniya. ‘Alam kong busy sila sa trabaho at sana sa pagkakataon na ito ay makasama ko sila. Dahil ang parangal na nakuha ko ay para naman talaga sa kanila.’ “Please po, Mama?” Tumayo si Mama sa kaniyang kinauupuan at hinagkan ako. “Syempre naman!” tugon niya. “Hindi ako mawawala sa Graduation Day mo. Dahil kami ng Papa mo na magsasabit sa iyo ng medalya.” Mas humigpit ang yakap niya, “Congratulations, anak. Proud ako sa achievement mo.” “Sorry po, Mama kung second honor lang ako. Hayaan niyo po sa high school mas pagbubutihan ko po ang pag-aaral ko.” “Ano ka ba naman, bata ka! Bakit ka magso-sorry, ‘e ang galing-galing mo nga. Alam mo ba noon si Mama hindi nakakuha ng ganito.” Natutuwang kwento niya. “Ivy, salamat sa pagsisikap mo sa pag-aaral.” Suot-suot ang puting toga at cap ay nagsimula na kaming mag martsa papasok sa Dom kung saan gaganapin ang aming graduation rites. Nasa parents’ corner ang aking pamilya para panoorin ang isa sa mahalagang araw na ito sa aking buhay. Hindi ko napigilang mapaluha ng kantahin ang graduation song namin na ‘Thank you!’ ‘Jusko bakit ganito ba ang nararamdaman ko?’ “Stacy Ivy Barmeda,” tawag ng principal sa aking pangalan. Dahil nakapila na sa isang side ay dire-diretso lang ang akyat namin sa hagdan. Kaya nang tawagin kaagad ang aking pangalan ay mabilis na akong naka-akyat sa stage kasabay si Mama at Papa. Hawak ko ang aking diploma habang si Mama naman ay kinuha ang medalya na inabot sa kaniya. Isinuot niya iyon sa akin. “Congratulations, Mr. & Mrs. Barmeda!” sambit ng Principal. “Mula Kinder hanggang Grade 6 ay hindi kayo binigo ni Stacy.” Malaki ang kaniyang ngiti habang kinakamayan si Mama. Ilang segundo pa ang nakalipas at ako naman ang kaniyang tinitigan. “Congratulations, Stacy!” “Thank you po, Ma’am!” tipid kong sagot. Habang nasa stage ay kinuhanan naman kami ni Lola. Nag video rin pala siya habang sinusuot ni Mama sa akin ang medalya. “Congratulations, anak! Proud si Papa sa iyo,” usal ni Papa. Tapos na ang seremonya at magkakasama na kami. “Tara na!” yaya niya. “Nagpareserved kami ng Mama mo sa restaurant.” Sobrang saya ko dahil magkakasama kami ngayon. Mas naging special ang araw na ito sa akin dahil buo kaming pamilya. “Stacy, nag-inquire na pala ako sa school ng Ate Airene mo.” Habang kumakain ay pinag-usapan namin ang tungkol sa school na papasukan ko. “Dad, bakit sa school ko pa? Ang dami namang school bakit kailangan schoolmate ko pa si Stacy?” ‘Alam kong hindi masaya sa idea na iyon si Ate dahil mababantayan ko ang kaniyang galaw at nangyayari sa buhay niya.’ “Isa sa magandang school iyon kaya gusto ko rin doon pag-aralin ang kapatid mo. She also deserved a good education like you. Lahat kayo!” paliwanag ni Papa. Hindi na sumagot si Ate Airene at palihim na inirapan si Papa. “Papa, mahal po ang tuition doon.” Saad ko. “Baka po hindi niyo na kayanin ni Mama sa pagtatrabaho kung dalawa pa kami ni Ate ang mag-aaral doon. Meron naman pong school malapit din po sa school ni Ate Airene pero mas mababa ang tuition. Halos karamihan po ng classmate ko ay doon din mag-aaral.” “Nag inquire na ako sa kanila and you can apply for scholarship. Kahit hindi full scholarship ay malaking tulong na sa amin ng Mama mo iyon.” Napatingin ako kay Ate bago sumagot. “S-sige po, Papa.” Sagot ko. ‘Ayoko na sanang umayon sa gusto ni Papa dahil madadagdagan lang ang galit ni Ate Airene pero wala akong magagawa dahil sayang ang oportunidad kung papalampasin ko. Dahil bakasyon ay nadadalas ang panonood ko ng mga drama at romantic series. Nakadagdag pa sa pagpupuyat ko ang pagbabasa ng pocket book. ‘Palihim ko lang iyon binibili noon sa book store.’ Isang umaga ay gumising ako na mabigat ang pakiramdam. Dahil naiihi ay pinilit kong bumangon at pumunta sa banyo. Habang umiihi ay nakapikit ako. Nang ipa-flash ko na iyon ay nanlaki ang aking mata nang makitang may dugo ang aking ihi. Tumakbo akong umiiyak pababa ng hagdan dahil sa takot at kaba. ‘Blangko ang isip ko at wari’y nawala sa katinuan.’ “Lola!” tawag ko sa matandang nakaupo sa sofa. Napayakap ako ng mahigpit habang umiiyak. “Lola!” Humahagulgol ako habang patuloy siyang tinatawag. Inalo niya ako at hinimas ang aking buhok. Masyado siyang apektado kapag nakikita niyang umiiyak ako o kahit ang iba kong mga kapatid. “Ano ba ang nangyari, apo?” tanong niya. “Kumalma ka nga at tumahan sa pag-iyak. Sabihin mo kay Lola ang problema para masolusyunan natin.” Nakangiti si Lola. Sa tuwing ganito ang ipinapakita niya sa akin ay bigla na lang nawawala ang takot sa aking puso. Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata at tumingin sa kaniya. “Lola, meron pong dugo ang ihi ko!” tugon ko. Ngumisi si lola at inalis ang aking pagkakayakap sa kaniya. Inikot niya ako at tiningnan ang aking likuran. “Hindi ka dapat matakot, apo! Natural lang sa babae ang nangyari sa iyo ngayon. Isa ka nang ganap na dalaga gaya ng Ate Airene mo.” Hinawakan niya ako sa balikat at iginaya muli pa-akyat. “Buwan-buwan ka ng maaring magkaroon kaya dapat malaman mo na ang mga dapat gawin.” Pagpasok sa kwarto ay dumiretso kami sa banyo ni lola. Nakatayo ako sa sulok habang tinitingnan ang galaw niya. Kumuha siya sa cabinet ng tuwalya at panty. Pagkatapos ay dumiretso siya sa medicine cabinet at doon nakita kong kinuha ang isang napkin. ‘Mula kay Ate Airene hanggang sa bunso kong kapatid na si Andie ay hands-on si lola sa pag-aalaga sa amin. Mula pagkabata ay siya na ang tumayong ina at ama namin dahil parehong kumakayod sa pagtatrabaho ang aking mga magulang.’ “Tuturuan kita kung ano ang dapat mong gawin kapag mayroon kang buwanang dalawa.” Sabi muli ni Lola na may ngiti sa labi. “Buwanang dalaw?” ulit kong sabi. “Buwanang dalaw o menstruation kung tawagin. O kaya naman ay monthly period.” paglilinaw sa akin. Ipinatong niya ang aking panty sa kaniyang hita. “Dito mo ilalagay ang napkin. Panoorin mo ng mabuti dahil minsan ko lang ituturo sa iyo ito.” Tumango ako at masunurin na in-obserbahan ang ginagawa ni lola. ‘Para sa akin ay siya talaga ang best teacher ever.’ “Madali lang pala, Lola.” Nakangiti na ako ngayon at nawala na ang aking takot na naramdaman kanina. “Maligo ka na. Huwag mong kakalimutan na banlawan ang panty mo. Pagkatapos mong banlawan ay ipahid mo sa iyong mukha.” Bilin pa niya. “Pero hindi po ba nakakadiri iyon lola?” tanong ko. “Hindi, apo!" sagot niya. Hinimas pa niya ang aking buhok. "Nakita mo ba ang mukha ng Mama at Ate mo?” tanong niya. Tumango ako at sumagot, “Opo. Makinis po ang mukha nila at hindi nagkakaroon ng pimples kagaya ng nakikita ko sa mga kaklase ni Ate Airene at mga kaibigan ni Mama.” “Tama!” sagot niya. “Tingnan mo ang mukha ng lola. Matanda na ako pero kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng mga kung ano-ano sa aking mukha. Kasi sinunod ko ang sinabi ng aking nanay noon. Kaya kapag sinunod mo ang sinasabi ko, magiging maganda ang mukha mo at hindi magkakaroon ng pimples.” Huminga ng malalim si lola. “Maligo ka na at sundin mo ang sinasabi ko. Papalitan ko lang ang kobre kama habang hihintayin kita sa labas.” ‘Ganito pala ang pakiramdam kapag isang ganap ka ng dalaga. Halo-halo ang emosyon na aking nararamdaman. Kinakabahan, natatakot at nahihiya. Hindi rin ako komportable sa tuwing gagalaw ako. Hindi rin pala madali ito para sa mga babaeng katulad ko. Madaming pamahiin si Lola na sinasabi at pinapagawa gaya na lang ng patalunin niya ako sa hagdanan mula sa pangatlong baitang ng hagdan. Nakakatuwa rin pala ang mga ganitong pangyayari na aking naranasan.’ Naramdaman ko ang dampi ng halik sa aking ulo. Pagdilat ko ay naroon sina Mama at Papa. Mga nakabihis na sila at handa na naman umalis ng bahay. “Good morning, anak. Ilang araw kaming mawawala ni Papa. Magpakabait kayo kay Lola at huwag maging makulit. Tulungan mo si Ate Airene mo na bantayan ang dalawa niyong kapatid.” saad ni Mama. ‘Nasanay na ako sa mga ganitong sitwasyon. Madalas wala sila Mama at Papa sa bahay dahil kailangan nilang magtrabahong dalawa para sa aming apat na magkakapatid. Gusto nilang ibigay ang best para sa amin. Ayaw nilang maranasan namin ang maghirap kagaya ng naranasan nila noong mga bata pa sila. Kulang kami sa pag-aalaga sa magulang pero pinupunan iyon ni lola kaya’t hindi ako naging mapaghanap sa atensyon na hindi nila naibibigay.’ “May pasalubong ako sa inyo pag-uwi.” Sabi ni Papa. ‘Iyon ang pampalubag loob niya sa aming magkakapatid. Ilang araw silang nawawala pero pag-uwi nila ay marami silang pasalubong na dala.’ Nasa hapag-kainan na sina Lola Salve, Ate Airene, at ang dalawa kong kapatid na sina Kenzo at Andie. Tipikal na nasa bahay lang kami buong maghapon kapag weekend o walang pasok. Kapag wala sina Mama at Papa ay si lola ang palagi naming nakakasama. “Umupo ka na!” Narinig ko ang isang boses mula sa aking likuran. Nang makita siya ay si lola iyon na dala-dala ang nilutong almusal. 'Mahilig si lola na magluto ng masustansyang pagkain, katulad ng gulay at isda. Iniiwasan niya kami pakainin nang mga preservative foods dahil hindi iyon maganda kalusugan at sa katawan.' Paglapag pa lang sa lamesa ng niluto ni lola ay narinig ko na ang pagdadabog ni Ate Airene. “Sopas?” padabog na tanong ni Ate kay Lola. “Masustansya ito.” sagot na lang ni lola sa kaniya. “Pero ayaw ko nito!” Inirapan ni Ate si Lola. “Gusto ko ng bacon, hotdog at itlog!” sabi niya. Dahil hindi ko na makayanan ang pagiging bastos ni Ate kay Lola ay nagsalita na ako. “Ate, bilin nina Mama at Papa ay huwag tayo magpasaway kay Lola,” paalala ko sa kaniya. “At masarap namang itong almusal na niluto para sa atin, ah!” “E ‘di ubusin mo iyan lahat. Letse!” Padabog siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan at umalis sa harap ng hapag kanina. Hindi na siya pinigilan ni Lola at ngumiti na lang. "Saan pupunta iyon?" tanong ni Kenzo. Sumabat naman si Andie, "E 'di magpapaluto ng sarili niyang almusal." “Hayaan niyo na ang Ate Airene niyo. Baka hindi maganda ang gising kaya masungit.” “Pero hindi naman po tama na bulyawan at magdabog siya sa harap ng pagkain.” Katwiran ko. ‘Simula nang mag high school si Ate ay marami nang nagbago sa kaniyang ugali. Maging sa kaniyang kilos at pananalita ay nag-iba na rin.’ “Si Ate talaga! Umarte na naman!” ani Andie habang sinusubo ang pagkain. “Isusumbong ko talaga iyan kay Mama at Papa.” Sabat naman ni Kenzo. Ngumiti na lang si Lola. "Huwag na kayong mag-sumbong sa Mama at Papa niyo. Huwag niyo na silang bigyan ng isipin," payo ni Lola sa amin. Upang hindi humaba ang usapan ay itinuon na lang namin ang atensyon sa aming kinakain. Hindi kami salat sa kahit anumang bagay. Lahat ng magagandang laruan, damit at mga bagong gadget at appliances sa bahay ay mayroon kami pero bilin sa amin ni lola na huwag mahalin ang mga materyal na mga bagay na iyon. Pwede namin pahalagahan ang mga iyon dahil dugo at pawis ang pinambili sa mga bagay na iyon ngunit hindi dapat kami maging mayabang sa kung anuman ang mayroon kami. ‘Tinuruan kami ni lola na makuntento at maging masaya na mayroon kami.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD