Hindi ko na tinapos pang tingnan ang lahat ng mga litrato sa kahon na binigay sa akin ni Max dahil wala rin naman akong maintindihan sa mga iyon. Nagtungo ako sa kusina para tingnan kung ano na ang ginagawa niya at naabutan ko siyang nakatalikod at nasa tainga ang kanyang cellphone. Nagtago ako sa pader na nakaharang sa kusina at papakinggan ang mga salitang manggagaling sa bibig ni Max. Gusto ko pang madagdagan ang mga kaalaman ko sa gulong ito dahil may mga bagay na hindi pa sinasabi sa akin si Max. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon, Kristina. Hanggang ngayon, hindi pa rin naaalala ni Eva ang ilan sa nakaraan naming dalawa,” mahinang sabi ni Max sa kabilang linya. May alam si Kristina sa gulong ito kaya ba kung nasaan kami, nandoon rin siya para tulungan si Max? Tanong ko