IKALAWANG KABANATA: Dead na si Ben!

1711 Words
MAAGA akong nagising dahil Monday at may flag ceremony kami every Monday. Napaunat ako nang aking magkabilang braso at tumayo sa kama ko, pinagpagan ko ito at lumakad papasok sa aking bathroom. I feel so weird today. Pakiramdam ko ay may hindi tama sa buhay ko ngayon. Siguro dahil wala sina mom and dad today. I heard them kaninang madaling araw, umalis na sila, papunta sa Batangas. Kaya kaming dalawa na lamang ni kuya Hanzel dito, except kay ate Gina na pupunta mamaya to cook our food in two weeks na wala sina mom and dad. Natapos na rin akong maligo at sinuot ang uniform ko, ang Limbo High School uniform, itʼs a green and white uniform, white the top and green the palda. Sinuot ko na rin ang eyeglass ko, I wear it kapag nasa school lang, nasa third row ang silya ko. Hinayaan ko na lang muna ang buhok kong nakalugay at I grab my phone na nasa side table ko. I frowned nang makita ang name ni Ella. Ano naman kaya ang dahilan kung bakit ako chinat ng isang ito? Binuksan ko ang message niya, kahit kailangan ko ng magmadali. Ella: Hannah! Narinig mo ba ang tsismis, ha? Agahan mong pumasok, may sasabihin akong emergency sa iyo! Nangunot ako sa kanyang chat. Tsismis? Emergency? Ano sa dalawa ang sasabihin niya? Weird! Baka may nasagap na naman siyang tsismis sa ibang school. Knowing her na maraming friend sa kanyang facetagram account. Hannah: Got it! See you later. Oh, by the way, good morning! Iyon na lang ang ni—reply—an ko sa kanya. Iʼm curios too sa sasabihin niya later. “Hannah, faster! Mala—late tayo, baka ma—traffic tayo sa daan. Itʼs f*****g Monday!” I rolled my eyes to kuya Hanzel nang bumaba na ako from my room. “I know! But, can you wait? Kakain pa ako ng breakfast ko!” sabi ko sa kanya. “So, bilisan mo ng kumain! Ang bagal mong kumilos!” Napaawang ako sa kanyang sinabi. “Wow, kuya Hanzel! Kumain ka na ba?” I asked him. “Of course! Cereals and oat milk will do for me!” maangas niyang sabi sa akin. I was impressed by his words. “Ganyan ba ang kinakain ng mga Archery athlete, kuya Hanzel?” tanong ko sa kanya at naupo na ako sa dining namin. “Yes! That's why I have this much muscle, Hannah!” nakangising sabi niya sa akin, at flinex pa niya ang muscle niya sa kanyang kanang braso. I rolled my eyes to him. “Kuya Hanzel, maliit lang iyan kumpara sa ibang tao na malaki ang kanilang daga.” Naging seryoso ang mukha niya. “Basher!” Malakas niyang sabi, kaya tumawa ako nang malakas sa kanya. “Just laugh out loud, if you don't hurry I'll leave you. Mag-commute ka papunta sa school na pagmamay—ari natin,” seryosong sabi niya. Kaya mabilis akong nagsandok ng breakfast ko. Kumain na lamang ako nang mabilis at baka iwanan talaga ako ni kuya Hanzel. May isang salita ang isang iyon lalo na kapag nainis siya. “Oh, ang bilis mong kumain, ha? May kanin ka pa sa right side ng lips mo.” Sinungitan ko siya at kinabit ang seat belt. “Che! I know na iiwanan mo ko, kuya Hanzel! Pinagbubunot ko na rin ang mga saksakan!” inis na sabi ko sa kanya. Nairita ako sa malakas niyang pagtawa niya. Enemy number one ko talaga itong si kuya Hanzel, bwisit sa lahat! “Anong mayroʼn, kuya Hanzel? Bakit may mga police mobile sa labas?” tanong ko sa kanya at tinuro ang tatlong police mobile sa labas ng school namin. “I donʼt know! Magkasama tayo ngayon sa bahay, Hannah.” Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni kuya Hanzel ngayon. Mukhang wala nga rin siyang alam. Bumisina siya sa tapat ng school para buksan ang malaking gate, iyong small gate lamang ang nakabukas at may dalawang security guard ang nagche—check sa bag ng mga estudyante na pumapasok. “Kuya Victor, anong mayroʼn? Bakit may mga police?” tanong ni kuya sa security guard na nakabantay ngayon. “Good morning po, Sir Hanzel and Ms. Hannah!” bati at saludo niya sa amin, anak kami ng may—ari ng paaralan na ito. “May pinaghahanap po sila, Sir Hanzel! Ben Gaspar daw po.” Gulat akong napatingin sa kanya. “K—kuya, B—Ben Gaspar po ba ang sinabi mong pangalan?” nauutal kong tanong sa kanya. Tumango siya sa akin. “Yes po, Miss Hannah. Ben Gaspar po ang sinabing name ng isang pulis kanina.” “B— Bakit po nila pinaghahanap si Ben?” Napatingin siya sa akin. “Ang narinig ko kanina, Miss Hannah, hindi po umuwi kagabi. Kaya tinitignan kung nandito na raw si Ben Gaspar, kaya pumasok iyong tatlong pulis kanina, kasama si Mr. Hipolito. Narinig ko kanina ay sinabi niyang wala ang Principal at may—ari ng school, which is parents niyo po,” sabi niya sa amin. “Kilala niyo po ba si Ben Gaspar, Miss Hannah?” dugtong na tanong niya sa akin. “Um, yes po, classmate ko po siya.” Iyon lamang ang sinabi ko sa kanya. Hindi ko sinabi na kasama ko siya kahapon at ang alam ko ay last na kasama niya ay si Anthony. “Ganoʼn po ba, Miss Hannah. Nagka—cutting po ba si Mr. Ben?” Umiling ako sa kanya. Kinalabit ko si kuya Hanzel. “Kuya Victor, alis na kami! Pasok na kami, baka ma—late pa si Hannah sa class nila.” “Oo nga pala! Sige po, Sir Hanzel and Miss Hannah, good morning po muli!” nakangiting sabi niya sa amin at pinaandar na muli ni kuya Hanzel ang kotse. “K—kuya Hanzel, impossibleng nawawala si Ben ngayon. Kasama namin siya kahapon na gumawa ng report namin for Physics. Then, by seven in the evening kami umuwi, ang last niyang kasama si Anthony dahil magka—subdivision silang dalawa... Kung nawawala siya, dapat maging si Anthony, ʼdi ba? Kaya kailangan kong makita kung pumasok din si Anthony,” sinabi ko ang totoo kay kuya Hanzel. “You should go, Hannah, mukhang walang flag ceremony ngayon dahil sa mga pulis na nandito.” Tumango ako sa kanya at lumabas na sa kotse niya. “See you later, kuya Hanzel,” sabi ko sa kanya. Napalulunok na ako habang naglalakad papunta sa classroom namin, ang dami ng pumapasok sa isipan ko. Nakita ko ang pagtingin ng ibang estudyante sa akin, hindi ko lamang sila pinansin. Binuksan ko na ang classroom namin at pagpasok ko ay nakita ang pagtingin nila, kita ko ang gulat din nila. “Hey, Hannah! Nakita mo ba ang mga pulis sa labas?” malakas na tanong ni Ella sa akin, kaya sinarado ko ang pinto ng classroom namin, may aircon kami dahil sa family ni Candy and Caspian. “Yes. Nawawala raw si Ben? How about Anthony?” tanong ko sa kanila. “Nawawala? Iyon ba ang sinabi sa iyo?” Kunot—noo ang binigay ko sa kanya. “Iyon ang sinabi ni kuya Victor, iyong guard sa main gate. Hindi umuwi si Ben sa kanila. Kaya hinahanap ko si Anthony, siya ang last na kasama niya?” Huminga siya nang malalim. “N—no... P—patay na si Ben, Hannah!” malakas niyang sabi sa akin. “P—patay? Paanong nangyari iyon? Si Anthony?” tanong ko sa kanya. “Kinausap siya ng mga pulis.” Si Jameson ang sumagot, nasa upuan na siya at may hawak na book. “P—Paanong nangyaring patay siya?” “W—wala ring may alam, Hannah! Nagulat din si Anthony nang hanapin siya ng mga pulis dahil last nga siyang kasama ni Ben. Then, paniguradong sunod—sunod na tayong tatanungin, lahat ng huling kasama niya kahapon. “Oh my gosh!” “Ella, ipakita mo ang picture sa kanya ni Ben.” “Picture ni Ben?” Tumango siya sa akin at pinakita ang phone niya sa akin. “H—Hannah, i—iyon ang ibabalita ko sa iyo... A—akala ko ay tsismis lamang, pero... Look at this!” Pinakita sa akin ni Ella ang kanyang phone, at halos masuka ako nang makita ko ang picture. Natakpan ko ang aking bibig gamit ang aking kamay. “S—sino gagawa ng ganyang ka—brutal?” nauutal kong tanong sa kanya. May laslas ang leeg ni Ben. May tama na axe ang ulo niya at ang kanyang katawan ay puno ng dugo, hindi ko makita kung anong ginawa sa katawan niya dahil may damit pa rin siya. “T—teka! Iyong damit niya... H—hindi niyan iyong damit na suot niya kahapon, ʼdi ba?” Tinuro ko ang picture ni Ben doon. Muling tinignan ni Ella ang picture. “O—oo nga. Iba iyong damit niya. Meaning... Nakauwi siya sa bahay nila before mangyari ito?” “Oh my gosh! Why are there so many police outside? What happen ba? Muntik pa i—confiscate ang scissors ko, mabuti na lang pinag—usapan kong huwag kunin at lagyan ng tape!” Napatingin kami sa bagong dating na sina Candy and Caspian, ang kambal na classmate namin. “Oh my gosh, Candy! Youʼre safe!” Si Clara. “Of course, Iʼm safe cause Iʼm pretty!” We saw how she flipped her hair. “Ben is dead! Kaya maraming police outside! Magtatanong na rin ang mga pulis sa atin!” “Ben is dead?” “Oh my! Dead? As in, nasa heaven na?” “Oo!” “What about Anthony? Silang dalawa ang magkasama, right, nang umuwi na tayo?” “Kinakausap na siya ngayon ng pulis. And, tayo ang next, lahat ng mga kasama niya kahapon.” Patay na si Ben, pero sino ang pumatay sa kanya? Ganoʼng ang damit na suot niya ay iba sa suot na alam naming lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD