IKATLONG KABANATA: Pag—iimbestiga!

1482 Words
BUMUKAS muli ang door ng classroom namin, kumpleto na kaming lahat except kay Anthony at kay Miss Santos, ang advisery class namin. “Si Anthony!” malakas na sabi ng mga boys at nilapitan nila ito. “Anong nangyari sa iyo?” “Anong tinanong sa iyo ng mga pulis?” sunod—sunod ang tanong nila. Napatingin siya sa akin. “H—Hannah, i—ikaw na ang next na tatanungin,” sabi niya sa akin, kaya tumayo na ako. “Best, sagutin mo lang iyong tanong nila. Wala naman tayong ginawang mali. Wala tayong kasalanan sa pagpatay kay Ben,” mahinang sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya at lumakad palabas ng classroom namin, nasa dulong classroom sila ngayon, bakante iyon dahil ginawang tambakan ng mga sirang upuan. Nakita ko si Ms. Santos na nasa labas ng classroom na iyon. “Miss Limbo, huwag kang kabahan. Sagutin mo lang ang tanong ng mga pulis sa iyo. Isang tanong, isang sagot.” saad niya sa akin, tumango ako at siyang pagbukas niya sa pinto. Humakbang ako papasok at nakita ko ang dalawang pulis at maging si Mr. Hipolito, ang guidance counselor sa school. “Good morning po,” saad ko sa kanila. Nakita ko ang seryosong tingin na binibigay nila sa akin, hindi ako natakot sa kanila. Sinenyasan ako ng isang pulis na umupo sa harapan nilang dalawa, ang isang pulis at si Mr. Hipolito, ang isang pulis naman ay nakatayo sa gilid. Sumunod din naman ako at umupo roon. Nakita ko ang pagngiti ni Mr. Hipolito sa akin, pero hindi ko siya sinagot. “Ms. Hannah Limbo, sagutin niyo lang ang itatanong ng mga kapulisan sa inyo.” Tumango ako sa kanila. “Siya ang bunsong anak ng may—ari ng school na ito,” saad niya sa dalawang pulis na kasama namin. “Ms. Limbo, kasama mo ba kahapon si Mr. Ben Gaspar?” Direct to the point na tanong niya. Nakita ko ang dalawang star sa balikat niya. Tumango ako sa kanyang tanong. “Yes po. Kasama namin siya kahapon sa bahay nila Ella San Jose para gumawa ng reporting for Physics,” sagot ko sa kanya. “Anong oras kayo nagkita—kita?” May sinusulat siya. “Call time namin ay bandang alas—nuwebe ng umaga sa mismong bahay naʼng mga San Jose, pero dumating sina Ben and Anthony, mga nasa 9:30 ng umaga, na—late raw ng gising si Ben, ayon kay Anthony.” Nagsulat muli siya. “Anong oras kayong natapos? Sa buong araw ba na iyon ay nasa bahay lamang kayo ng mga San Jose?” tanong niya muli sa akin. “Yes, buong maghapon nandoon lamang kami para gumawa ng reporting, doon na rin kami kumain ng lunch, meryenda and dinner. Then, by seven in the evening, umuwi na kaming lahat. Ang kasama ni Ben ay si Anthony dahil parehas silang nakatira sa Carissa Subdivision. Pagkatapos hindi ko na alam kung anong ginawa nila, heto na ang sunod na nalaman ko, na patay na siya,” sabi ko sa kanila at ang mga mata ko ay straight na nakatingin sa kanila. “Parehas kayo ng sinabi Mr. Recto, Miss Limbo.” “Iyon po kasi ang totoo. Teka, may napansin ako. Sa picture na kumakalat ngayon, sa larawan ni Ben sa kamatayan niya, iba ang suot na damit niya, kumpara sa damit na suot niya noong kasama niya kami.” “Mayroʼn ka bang ebidensya na magkaiba ang damit niya?” Tumango ako sa kanya. “Heto.” Pinakita ko sa kanila ang picture namin kahapon, mabuti na lamang ay nag—group selfie kami para i—send namin sa mga parents namin na nasa bahay kami nila Ella. “Group selfie ito. Sinend namin sa mga magulang namin para hindi sila mag—alala. As you can see, iba ang suot na shirt niya rito at dito sa larawan na kumakalat. Naka—black shirt siya na may peace sign hand ang suot niya rito sa group selfie namin, but dito sa nakita, grey ang color na ito at maging ang shorts niya ay iba rin,” sabi ko sa kanila. Nag—slide pa ako ng ibang picture. “Maong shorts ang suot niya kahapon nang kasama namin siya. Possible na nakauwi siya sa kanilang bahay bago siya namatay. Ano po ba ang sinabi ng parents ni Ben sa inyo? Ang narinig ko ay hindi siya raw umuwi, tama po ba ako?” Nakita ko ang tinginan ng dalawang pulis. “Iyon nga ang sinabi nila... Baka pinalitan siya ng damit pagkatapos gawin ang krimen?” Nangunot ang noo ko sa sagot niya. Pulis ba talaga siya? “Excuse me? Sino tangang mag—a—aksaya ng oras para palitan ang damit ng pinatay niya? And, as you can see here, butas ang damit na suot niya, meaning heto talaga ang suot niyang damit nang patayin siya.” Zinoom ko pa ang larawan ni Ben kahit nasusuka na ako. Napaka—brutal talaga ng ginawang krimen sa kanya. Paniguradong malaki ang galit ng taong gumawa nito sa kanya. Ang tanong sino? Ganoʼng wala naman siyang kaaway. Sa mga classmate namin siya ang friendly kahit kolokoy. Gentleman din siya sa mga babae, mapang—asar, pero kapag may nangangailangan ay nilalapitan niya agad. Kaya sino ang gagawa nito kay Ben? “May alam ka bang kaaway ni Mr. Ben Gaspar?” Hindi niya sinagot ang tanong ko, baka naisip niyang tama ang sinabi ko sa kanya. “As I remember, wala. Mabait siya. Friendly. Minsan maloko, pero not to the point na magagalit ka. Gentleman din siya. And, he has a good heart,” sagot ko. Iyon ang pagkakakilala ko kay Ben. “Girlfriend?” Umiling muli ako. “Nope. Wala. Since birth, if my memory serves right. For sure, heto rin ang sinagot ni Anthony kung tinanong niyo siya about this. Theyʼre best friends.” “Are you sure, Miss Limbo?” “Of course, iyon ang naririnig ko. Since first year high school, classmate ko si Ben. Hindi ko rin siya nakikitang may dini—date siya. Maliit lang ang school namin kumpara sa ibang pampublikong school na nasa 20k students ang kabuuan. But, kung mali man ako, sorry. Hindi ko siya nakakasama for 24 hours, we have 8 hours lamang dito sa school and the rest, hindi na.” Tinanguan lamang ako ng mga pulis. “Thanks for your cooperation, Ms. Limbo. Can you call, Ms. San Jose?” Tumango ako at tumayo sa kinauupuan ko, nahagip pa ng aking tingin ang notebook kung saan siya nagsusulat. Bakit nandoon ang name ni tita Elena? “Hannah? Anong tinanong sa iyo?” Nawala ang iniisip ko nang marinig ang boses ni Ella. “Katulad ng kay Anthony. Kung anong oras natin siya kasama at anong oras tayo naghiwa—hiwalay kahapon. Isang tanong isang sagot lang ang ginawa ko, katulad ng sinabi ni Ms. Santos sa akin, ganoʼn na lang ang gawin mo, Ella. Ikaw na rin ang tinatawag doon,” sabi ko sa kanya. Tumayo na rin siya at tinignan ako. “Alis na ako.” Tumango kami sa kanya. “Oh gosh! Bakit tayo tinatanong about kay Ben? Tayo ba pumatay sa kanya? Wala naman tayo sa scene na iyon! So, theyʼre suspecting us?” Narinig ko ang maarteng boses ni Candy. “Hey, Candy, please be quiet! Ang ingay mo! Maghanda ka na rin mamaya once na tanungin ka ng mga pulis at ni Mr. Hipolito, okay?” She rolled her eyes on me. “What ever! But, hindi ko siya pinatay, okay? Kainis naman kasi! Why ba siya namatay? Hey, Anthony, ano ba ginawa niyo ni Ben after natin mag—separate us?” Lahat kami ay napatingin kay Anthony. Gusto ko rin malaman kung anong ginawa nilang dalawa habang pauwi sila? “Wala kaming ginawa! Nakita ko ang pagpasok niya sa bahay nila, bago ko siya iwan!” “Bakit mo ba siyang pumasok sa loob ng bahay nila, Anthony?” Nagtanong ako. Tumango siya sa akin. “Yes, nakita ko ng dalawang mata ko. Pinakyuhan pa nga niya ako at tinakot na hahabulin daw ako ng mga aso sa street namin, kaya tumakbo ako mabilis. Pero, nakita ko talaga siyang pumasok sa gate ng bahay nila! Hindi ko pinatay si Ben! Bakit ko naman gagawin iyon sa best friend ko, ʼdi ba? Tangina! Nanlumo rin ako nang marinig kong p—patay na siya!” naiinis na sabi ni Anthony sa amin, nakita ko sa malayo ang pagkuyom ng kanyang magkabilang kamao. Galit siya. “Okay fine! But, Argh! Nakakainis! Sino ba ang papatay kay Ben?” Sino nga ba ang may gustong pumatay kay Ben? Wala kaming maisip ni—isa. Wala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD