IKA—LABING TATLONG KABANATA: Traydor?

1240 Words
“In and out!” huling sabi ng Eagle sa amin at sa gitna kaming pumuwesto lahat. Equal ang tinutukoy niya. This is the last command, but we heard another kamatayan song. May namatay pa rin dahil parehong in ang umecho sa dulo. Kilala ko na talaga ang boses na iyon. “Congratulations for winning fifth game, In or Out! You can rest now and have a conditioning for sixth game!” “Ha! Ha! We are all ligtas, right?” Narinig ko ang malakas na tanong ni Candy. May narinig kaming ingay sa paligid at sunod naming nakita ko ay ang liwanag mula sa labas, nawala na ang container kung nasaan kami. “Heto na siguro iyong kasagutan sa tanong mo, Candy!” sagot ni Jameson, na nakaupo rin sa sahig. “Oh my gosh!” “f**k it!” Napalingon kami sa likod at nakita namin ang bangkay na napipi at umaapaw sa katawan ang dugo. Amoy kalawang at amoy malansa iyon. Lumapit kami roon na lalong pumasok ang amoy ng ng dugo sa katawan. Halos maduwal ako dahil sa amoy. “Hinulugan sila?” tanong ni Timothy. “Base sa katawan, mukhang may nahulog sa itaas, durog na durog ang katawan nila, maging ang utak ay nakalabas na.” Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niyang iyon. Nakita ko ang sinabi ni kuya Franco, nakalabas nga ang utak nito. “Hannah, come on! Huwag mo ng titigan!” Kinuha ako ni kuya Hanzel at niyakap niya ako nang mahigpit. “Kuya Hanzel, habang tumatagal lalong nagiging brutal ang lahat. Larong pambata lamang ito, pero bakit ganito? Bakit grabe ang punishment,” sabi ko sa kanya habang napapalunok ako. “Hannah, hindi ko rin alam kung anong nangyayari, pero tatlong games na lang ay makakauwi na tayo. Kaya kailangan nating galingan, ha?” Hinawakan ni kuya Hanzel ang magkabilang pisngi ko. Tumango ako sa kanya kahit nanginginig ang aking katawan. “Y—yes po.” Napalingon muli ako sa likod namin at nakita ko ang isang iyon, gusto ko siyang komprontahin dito, pero paniguradong kukuyugin siya at hindi lamang siya, maging kami ay damay. “Guys, bumalik na tayo! Walang namatay sa atin!” tanong ni kuya Hanzel kaya lumayo na ako sa kanya. Tumabi ako sa gilid ni kuya Franco at ni Jameson. Nagulat ako nang akbayan ako ni kuya Franco. “Kuya Franco, ang bigat ng kamay mo po,” sabi ko sa kanya. “Nangangawit na ang kamay ko, Hannah.” Nakita ko ang paghaba ng kanyang labi. Hindi ko na lamang inalis ang kanyang kamay sa akin. “Hannah.” Tumalon ang puso ko nang marinig ang boses ni Valerian sa likod ko. Nilingon ko siya. “Bakit?” tanong ko. “About sa sinabi mo kanina. . . Anong ibig mong sabihin? Sino ang tinutukoy mong iniiba ang command para sa mga nasa likod?” bulong niya sa akin. “Mamaya ko sasabihin, Valerian. Kapag sinabi ko ngayon, paniguradong may ibang makakarinig at matahin nila tayo. Madadamay tayong lahat, hindi lamang ang isang iyon,” mahinang sabi ko sa kanya. “Guys, tara na! Kailangan na nating bumalik para makapagpahinga!” malakas na tawag sa amin ni kuya Hanzel, kaya sumunod na kami sa kanya. “Ang hirap ng game, ano? Mabuti na lamang walang namatay sa atin!” Napatingin ako sa boses na iyon. Nakita ko ang malaking ngiti niya habang nakikipag—kwentuhan kina Ether, Wealand, Alfred and Anthony. Puputulin ko ang sungay mo today. Nakabalik na kaming lahat sa building namin, lahat kami ay naupo sa ginawa naming sofa. “Oh my gosh! Ano naman kaya ang next game for tomorrow?” maarteng tanong ni Candy sa amin. “Siyempre walang nakakaalam kung ano ang next game, Candy! Letʼs just wait for tomorrow morning, okay?” “Iyon na nga ang gagawin natin, Devon— Oh, anong need mo, Hannah?” Nakatingin sa akin si Candy, pero hindi siya ang pakay ko. Hindi ko siya sinagot at humarap kay Devon. “Devon,” pag—uumpisa kong sabi sa pangalan niya. “What? Anong pakay mo sa akin?” tanong niya sa akin. Huminga akong malalim at tinapatan ang tingin niya. “Ikaw iyon, ʼdi ba?” agaran kong tanong sa kanya. “Ako ang alin? Ano ang tinutukoy mo, Hannah?” tanong niya sa akin. “Alam mo ang tinutukoy ko, Devon. Ikaw iyong nasa dulo ng pila natin, ʼdi ba? Ikaw iyong nagbabago ng command para sa mga nasa dulo. Ikaw ang dahilan kung bakit maraming namatay kanina. Huwag ka ng magkaila. Bakit mo ginawa niyon? Dahil sa iyo maraming namatay!” madiin na sabi ko sa kanya. “What? Anong pinagsasabi mo, Hannah? Oo, ako nga nasa dulo ng pila ng team natin, pero hindi ako nagbabago ng command kaya maraming namamatay sa likod,” sagot niya sa akin. “Baka naman bungol lamang sila kaya namatay sila! Kung may nagpapalit ng commance, dapat lahat ng nasa likod ay patay na, pero bakit may buhay pa rin? Anong masasabi mo?” Nakataas ang silik ng kanyang labi sa akin. “Oo nga naman, Hannah. Nasa likod ko si Devon kanina, may naririnig din kaming boses na ume—echo pero hindi boses ni Devon iyon,” sabat ni Alfred sa akin. “Nasa likod mo siya, pero hindi mo nakikita kung bumubuka ba ang bibig niya. Hindi porket hindi niya ka boses hindi na siya, Alfred?” Tinignan ko siya. “Pʼwede namang mabago ang boses, katulad nito. . . Hello, my name is Hannah Limbo. See, nabago ko ang aking boses sa maliit. Kung hindi mo ko makikita kahit nasa likod or harap mo ko, maiisip mo bang ako ang nagsasalita? Hindi, ʼdi ba?” tanong ko sa kanya. “Kaya alam kong ikaw ang nagsasalita para baguhin ang huling sinasabi ng eagle kanina, Devon. Bakit mo ginagawa iyon?” madiin na sabi ko sa kanya. “Hey, Hannah! Hindi nga ako iyon! Ang laki ng galit mo sa akin, ha? Ihuhulog mo ako ngayon sa bus, ha? Baka nakakalimutan mong ako ang tumulong noong na—ambush tayo sa subdivision nila Ella! Sinamahan din kita para ipaghiganti si Ella sa bumaril sa kanya, kaya bakit sinisisi mo ko?” Tumayo na siya sa harapan ko. “Hindi ko alam. Pero, isa lang sigurado ako, Devon. . . May kinalaman ka sa dalawang iyon, sa pag—ambush sa atin sa third game at sa pagbaril kay Ella. Wala pa akong evidence para roon, pero isa lang ang sigurado ako, the way na tinignan ka ni Trixia habang sinasaktan ko siya, sure akong may kinalaman ka!” madiin na sabi ko sa kanya. Ningisihan niya ako. “Sure, Hannah! As long as, wala kang evidence about sa sinasabi mo, hindi ako ang pumatay sa mga estudyante kanina, nagpa—ambush sa atin sa game three at nagpabaril kay Ella. Malinis ang konsensya ko, Hannah!” madiin niyang sabi sa akin. “Sure! Pinapanalangin kong ang next game ay tungkol sa honesty, para magkaalaman tayo!” madiin na sabi ko sa kanya. Lumabas ako sa room na iyon at lumipat sa kabilang room kung nasaan ang ibang gamit namin. Dapat talaga magkaroon ako ng evidence laban kay Devon, isa lang talaga ang paraan dapat magkaroon ng game tungkol sa honesty. Para malaman nilang lahat totoo ang sinasabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD