IKA—LABING DALAWANG KABANATA 2.0: Fifth Game

1910 Words
NAKABALIK kami sa school at sinalubong ako ni kuya Hanzel nang mahigpit na yakap. “Are you okay? Nasaktan ka ba?”sunod-sunod iyang tanong sa akin at chineck ng buong katawan. Ngumiti ako sa kanya and I hugged him. “Kuya Hanzel, h—hindi ko siya pinatay... P—pinahirapan ko lamang siya, because I want her to die slowly and to die in the game, not in my hands. Paniguradong ayaw rin ni Ella na pumatay ako.. Kaya hinayaan ko siya, sinaksak ko na lamang ang magkabilang hita at braso niya, para kahit papaano ay makaganti ako sa ginawa niya kay Ella,” nanginginig ang boses ko kaya niyakap niya ako nang mahigpit. Hinaplos niya ang aking likod. “Donʼt cry, Hannah. Tama lamang ang ginawa mo, okay? Hayaan mo sa mga kamay ng larong ito ang kamatayan niya,” bulong ni kuya Hanzel sa akin at pinapasok na niya ako sa loob. “Hannah, are you okay? Here, oh, chocolate porridge for you! What do you want na i—toppings? Milk and evaporated milk?” Inalok agad ako ni Candy. Nilapag ang mainit na champorado. May pa—chocolate porridge pa siyang nalalaman. Ang arte talaga niya. “I want both, Candy. Thanks!” nakangiting sabi ko sa kanya. Binigay niya sa akin ang milk powder and evaporated milk. “Here, Hannah! Kain ka nang marami, ha? Huwag mo ng intindihin ang Trixia na iyon... Sana nga multuhin siya ni Ella para hindi na siya makapaglaro bukas! Ay, I miss Ella tuloy! Hannah, donʼt worry, ha? Nandito kami for you and for sure kapag nagising tayo from this nightmare ay makikita muli natin si Ella, kaya huwag ka na malungkot. Malapit na rin naman natin matapos ang game na ito!” Niyakap niya ako kaya napangiti ako sa kanya. “Thanks, Candy and guys! Pangako gagalingan ko ang game bukas... Gusto kong sumali if ever na group na naman,” saad ko sa kanila. “Wala iyon, Hannah! Ako rin sasali rin ako bukas in case na group iyon! Ipapakita ko kay Ella na magaling na ang sugat ko! Ipapakita ko sa kanya na aalagaan din kita!” Tinadyakan ko si Jameson. “Dalawa na lamang tayong magkaibigan Kaya huwag kang mamamatay, ha?” sabi ko sa kanya. I saw him knock on the wood. “Gaga ka! Huwag kang jinx! Baka magkatotoo, uy!” malakas niyang sabi kaya natawa ako. “Never mangyayari iyon, Jameson! Huwag ka mga nega! Kumain ka na rin! Para maaga tayong makatulog!” “Kumain na ako! Ako nga nagluto niyan dahil alam kong comfort food mo ang champorado. Kumain ka lang nang marami, ha? Hanggang mabusog ka at maging masaya muli ang iniisip mo!” malakas niyang sabi. Ngumiting tumango ako sa kanya at kinain na itong champorado ko. Kailangan kong galingan bukas. Nagising kami sa maingay na tunog, sobrang ingay na siyang paggising ko at sumakit ang tenga, statistic sound ang bumabalot sa buong lugar ngayon. “What the f**k! Anong tunog niyon! Ang sakit!” Narinig ko ang malakas na mura mula kay Devon. Napatingin ako sa kanya habang ang tenga niya ay may unan sa magkabila. Habang nakatingin ako sa kanya, naalala ko ang tingin ng Trixia na iyon sa kanya. Hindi lang siya basta tingin, iyong tingin ng babaeng iyon kay Devon ay parang nanghihingi ng tulong. Magkakilala kaya silang dalawa? “Finally, nawala rin! Oh my gosh! I feel like my eardrum ay dudugo na sa sobrang sakit ng tunog na iyon!” Sumang—ayon ako sa sinabi ni Candy. “Hey, girls, are you okay?” Napatingin kami sa door nang may kumatok doon. Tumayo ako at binuksan iyon, nakita ko si kuya Hanzel, maging ang ibang mga lalaki. Magkaiba kasi ang room namin sa kanila, pito na lamang kaming mga babae. “Twin! Ang sakit sa tenga ng sound! Ano bang nangyayari? Heto na ba ang next game natin? Iʼm scare!” malakas na sabi ni Candy sa kakambal niya. “We donʼt know too, Candy. Pero, lahat ng mga nandito ay nasa labas ng kanilang mga building,” saad ni Caspian, kaya lumabas na rin ako at nakita ko ang tinutukoy niya. “So, this is our fifth game? May kinalaman sa sound na iyon, or, what?” sabi ko sa kanila. “If may kinalaman sa statistic sound na iyon... About sa hearing ang main purpose nito?” Lahat kami ay napatingin kay Valerian. “Possible about sa hearing ang next game at individual ang game!” malakas niyang sabi sa akin. Tumango ako sa kanyang sinabi. “Possible nga ganoʼn ang game... But, anong game ang may kinalaman sa hearing?” Iniisip ko kung anong possible na pʼwedeng laruin, lalo naʼt ang mga larong nagawa namin ay larong pambata. “Wait! Nilalaro ba sa kalye ang three claps? Iyong game na naka—blindfold ang ibang player then may pumapalakpak ng tatlong beses? Hearing ang ginagamit doon... Baka may kinalaman ang game tungkol doon?” Nagtaas ng kamay si Anna. “Naalala ko ang tungkol doon, napanood ko sa mga English horror movie,” dagdag niyang sabi sa amin. “Oh, shet! I know that game too! Sobrang hirap niyan! If iyan ang game, maraming mamamatay... Lalo na kung sabay—sabay na papalakpak ang mga taong walang blindfold. This is going to be hell!” malakas na sabi ni kuya Franco. Alaam ko rin ang game na iyon. “Huwag niyong takutin ang mga sarili niyo. Hanggang walang announcement, hindi iyon ang game, okay? For now, mag—asikaso na tayo para sa next game na ito!” malakas na sabi ni kuya Hanzel, kaya tumango kami sa kanya. Hindi namin alam kung ilang oras na ang nakakalipas, naghihintay na kami ng announcement mula sa demonyong larong ito. “Hey, bakit ang tagal—nevermind!” sabi ni Clara nang marinig ang tunog ng announcement, umpisa na ang fifth game namin. “Good day, players. This is our fifth game, we called it In or Out. This is an individual game.” Nagkatinginan kaming lahat. “In or Out game? Napakadali naman yata?” sabi ni Jameson sa tabi ko. “Sounds easy right? We want you to relax in this fifth game, for the sixth, seventh and eighth game you will give everything you can... For the fifth game, all you need is to listen carefully so you can live again. Are you ready? If youʼre ready, go to the designated venue listed on your team. After that listen carefully and sharpen your hearing so that you may live. Good luck, Limbo High School students!” Napalunok ako nang marinig na naman ang halakhak niyang nakakatakot, na parang galing sa ilalim ng lupa. “f**k, in or out?” “Listen carefully,” mahinang sabi ko at huminga nang malalim. “Plaza ang venue natin and number 3.” Napalingon kaming lahat kay kuya Hanzel. “Number three? Para saan ang number na iyon?” tanong ni Alfred. “Hindi ko rin alam, mas mabuting pumunta na tayo roon. Kailangan niyong talasan ang mga tenga niyo!” babalang sabi ni kuya Hanzel sa amin at lumabas na rin kaming lahat. Nang makarating sa Plaza, halos lahat ay nandito na. Iisa lamang ang venue, pero iba—iba ang number na nakalagay. Kina Andrea kanina ay number 1 sila at kina Jeffrey naman ay number 5. Walang may alam para saan ang number. “Maligayang pagdating sa venue ng inyong kamatayan! Maaaring pumila lamang sa bawat number na nakalagay sa harapan niyon dahil ang fifth game ay mag—uumpisa na!” “Nagtagalog siya?” bulalas na tanong ni Clara. “Baka pagod na siya mag—english! Naubusan ng baon?” Lumayo ako sa kanila. Nasa gitna kami ng kamatayan, napapatawa pa silang mag—best friend, sina Candy and Clara. Kinuha ako ni kuya Hanzel at pinila ako sa gitna nila ni kuya Franco, si Jameson naman ay nasa harapan ni kuya Franco, nasa unahan ng pila ay sina Valerian and Timothy at pang—lima ako sa pila. Nagulat kaming lahat nang may bumaba na parang container sa aming lahat, sobrang haba iyon na aabot hanggang dulo, tatlong magkaibang team ang nasa iisang container ngayon. “The echo... Magiging iba dahil nasa loob tayo ng container!” malakas na sabi ni Valerian. Gusto kong hawakan ang container, pero baka may patibong sa gilid nuʼn or may kuryente. “Guys, makinig kayong mabuti, ha? Lalo na sa mga nasa dulo!” malakas na sabi ni Valerian, pero hindi namin alam kung naririnig ba nila. Mas okay ang pʼwesto namin, nasa harap kami. “Out!” Nagulat kami nang magkaroon ng words na In and Out sa harapan namin, nagkaroon din ng linya sa sahig. Lahat kami ay nakaapak na sa out. Paulit-ulit at bumibilis ang boses na nanggagaling sa isang Agila, kaya nahihirapan kaming pakinggan lalo dahil sa liit ng boses nito. “In!” “Donʼt move!” madiin na sabi ni kuya Hanzel at hinawakan ako sa braso. Muntik na akong lumipat sa out. “K—kuya Hanzel, I heard something,” bulong ko sa kanya. “May narinig akong nagsabing out...” Nilingon ko siya. “Hannah, just focus! Hindi natin alam kung gagawin sa mga taong nagkamali,” madiin niyang sabi kaya tumango ako. Pero, may narinig talaga akong nagsabing out. Napapakunot na ang aking noo nang may naririnig talaga ako. Hanggang may narinig na kaming isang sumigaw. “No! Out ang narinig ko—” Nawala na ang boses. Anong nangyari sa kanya? Hindi ako makalingon dahil hawak ako ni kuya Hanzel. “Listen carefully, Hannah! Huwag mo munang intindihin ang ibang tao!” Napalunok ako sa kanyang sinabi. Hindi ko na kinaya dahil napalingon na ako nang marinig ang boses na sumasabay sa Eagle ngayon na nagbibigay ng instruction. This stage of game is crazy. Kailangan mo talagang makinig lalo naʼt maingay ang paligid dahil sa hingal ng mga manlalaro. Lahat ng mga natitirang player ay nandito na sa school namin, kahit iyong mga nasa subdivision na nagtatago. “In. In. In.” Tumalon ako sa loob katulad ng sinabi ng Eagle, pero sa sa echo na narinig ko ay iba ang sinabi sa pangatlong salita, out. Napalingon ako sa likod nang marinig kong doon nanggagaling ang tunog. “Napansin mo na rin pala, Hannah.” Napatingin ako kay Jameson na siyang nasa likod ni kuya Hanzel. “Ang echo... Iba ang sinasabi niya sa dulong salita na sinasabi ng eagle na nasa harap natin,” bulong niya sa akin habang nagko—concentrate ako sa pakikinig. “Yes, kanina pa. Sino iyon? Kaya ba maraming namamatay sa likod?” May narinig na naman kaming tunog... Tunog ng kamatayan. “Yes. Pero, hindi natin alam kung sino iyon. Echo lamang ang naririnig natin. May hinala ka ba?” Tumango ako at nakita ko ang gulat ni kuya Hanzel. Tumalon kami sa in na linya. “You have, Hannah? Hindi natin nakikita ang sumisigaw.” “Mayroʼn, kuya Hanzel. May hinala ako kahit binabago niya ang kanyang boses, for now, kailangan muna nating tapusin ang larong ito.” Isa lamang ang nasa isipan ko, at siya ang tinutukoy ng instinct ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD