“HANNAH, tulungan mo kami!”
Nahimasmasan ako nang paluin ako nang malakas ni Ella, kaya napatingin ako sa kanya. “Best, kailangan mong tumulong! Kailangan nating hilahin si kuya Hanzel!” malakas niyang sabi at tinuro ang nasa ilalim.
Napatingin ako roon at nakita ko si kuya Hanzel na nakakapit, pero sa paa niya ay kumapit din ang babaeng tinulak ako.
“Hanzel, kumapit ka lang! Tangina ang init!” murang sabi ni kuya Franco habang pilit naming tinataas ang katawan ni kuya Hanzel, pero mabigat siya dahil sa babaeng nakahawak sa paa niya.
“Hindi natin maitaas si kuya Hanzel, kuya Franco! What we gonna do that? T—tumataas ang apoy!”
Napatingin ako sa sinabi ni Ella, nakita ko ngang umaakyat iyon at lalong nagliliyab. Kung wala akong gagawin, mamamatay ang kuya Hanzel ko.
Tinignan ko ang babaeng nasa paanan ni kuya Hanzel. Itʼs now or never. Kailangan niyang umalis doon.
Naghanap ako ng bagay rito sa garbage bag, may naaapakan akong mahaba, kinuha ko iyon at nakita ko ang sirang panungkit.
“Anong gagawin mo dʼyan, best?” takang tanong ni Ella sa akin.
Tinignan ko siya at tinapangan ang aking itsura. “Kailangan nating iligtas si kuya Hanzel, Ella, kaya gagawin ko ito!” sabi ko sa kanya at tinignan na ang babaeng nakakapit kay kuya Hanzel.
Tinignan lamang nila ako habang hawak si kuya Hanzel. “Sorry.” Isang salita ko sa babaeng nasa paanan ni kuya Hanzel ngayon.
Hinawakan ko nang mahigpit ang panungkit at tinusok—tusok ang babaeng nasa paanan ngayon.
“H—Hannah...” Gulat na sabi nina Ella and kuya Franco.
“Sorry.” paulit-ulit kong sabi habang pilit na hinuhulog ang babaeng nasa paanan ni kuya Hanzel.
Kasalanan niya kung bakit nandʼyan si kuya Hanzel ngayon, tinulak niya ako kaya dapat mapunta na rin siya sa hell.
“Lumalakas na ang apoy, Hannah!”
Narinig ko ang sinabi ni Ella kaya ang ginawa ko ay tinusok ko muli siya, sa kanyang dibdib hanggang nakabitaw na siya.
“Aaaahh! G—gusto ko lang mabuhay!” Narinig ko ang malakas niyang sinabi, pero hindi ko na iyon pinakinggan.
“Hanzel!”
Naitaas na nina kuya Franco and Ella si kuya Hanzel. Nakita ko ang pagtingin niya sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit.
“Sshh... Huwag kang umiyak, Hannah. Buhay ako dahil sa iyo, buhay ako!” inaalo niya ako. Hinihimas niya ang aking likod na hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
“K—kuya Hanzel...” Patuloy pa ring tumutulo ang luha sa aking mga mata.
Pinunasan niya ang aking luha at hinalikan ang aking noo. “Donʼt cry. Ginawa mo lang ang kailangan, okay? Huwag ka na umiyak!” madiin niyang sabi.
Napatay ko ang babaeng iyon.
Matapos akong umiyak ay nawala na rin ang impiyerno, bumalik na rin sa dati ang lahat. Tulala akong napaupo sa harap nang malaking monitor dito sa clubhouse. Nagulat ako sa nangyari kanina.
“Congratulations to all of you, you passed game two of this game. Take a break for game three tomorrow! Congratulations!”
“Tangina! Ano iyon! Apoy? Paano nagkaroon ng apoy sa ilalim ng lupa?”
“P—patay na ba iyong mga nahulog doon?”
“Ayoko na! Gusto ko ng umuwi!”
“Literal na impyerno...” usal ko habang nakatingin sa kinaaapakan ko ngayon. Inakbayan ako ni kuya Hanzel. “K—kuya Hanzel, pinatay ko iyong isa,” sabi ko sa kanya.
“Wala kang pinatay, Hannah. Wala.” madiin niyang sabi sa akin.
Hinawakan na rin ni Ella ang magkabilang kamay ko. “Tama lang ang ginawa mo, best. Kung hindi mo ginawa iyon, baka nahulog na rin si kuya Hanzel. Huwag kang makonsensya, best, okay?” Pagpapahinahon ni Ella sa akin.
Tumango na lamang ako habang yakap pa rin niya ako.
Isa—isa na rin dumating ang mga kasama namin, kumpleto kaming bumalik.
“Ayos lang ba kayo? Wala bang nasaktan sa inyo?” pagtatanong ni kuya Hanzel sa kanila.
“Wala naman. Sa inyo?” Nakita kong tinignan ako ni Valerian.
“Weʼre okay. But, muntikan na rin akong mahulog.”
Nagulat silang lahat nang sabihin ni kuya Hanzel iyon. “What do you mean, muntik mahulog isa sa inyo?” tanong nila sa amin.
“Oo, putangina! Muntik ng mahulog si Hanzel... Mabuti na lamang ay nakaisip ng paraan si Hannah... Kaya nakaligtas siya. Huwag na natin isipin iyon, ang importante ay walang nahulog sa atin,” saad ni kuya Franco.
Napatingin kami sa paligid halos kumonti kami hindi tulad kanina. “Totoo kaya iyong mga taong nahulog kanina... Patay na?” tanong ni Wealand.
Naglalakad na kami pabalik sa bahay nila Ella. “Siguro. Naramdaman natin ang init ng apoy na nasa ibaba kanina. Mainit. Sobrang init na once mahulog ka ay mamamatay ka talaga, Wealand. For now, alam nating nakamamatay ang bawat game kaya kailangan nating galingan,” seryosong sabi ni Timothy.
“Tanginang game ito! Sino ba kasi may gawa nito! Trip niya ito, bakit hindi siya ang maglaro nito! Panlarong bata nga, buwis buhay naman ang consequences!” murang sabi ni Ether.
“Teka lang! Dapat malaman natin kung anong game bukas! Putangina! Muntik na rin ako kanina! Mabuti na lamang ay hinila ako ni Wealand! Bullshit!”
Napatingin kaming lahat kay Devon nang sunod-sunod siyang nagmura. “Easyhan mo lang, Devon. Natatakot kami sa iyo! Muntik pa tayo mapaaway dahil sa ugali mo kanina!”
“Muntik mapaaway, Wealand?”
“Eh, ano, kasi...”
“Kasalanan naman nila iyon! Inapakan nila ako tapos hindi sila mag—so—sorry! Mga gago ba sila! Muntik ko na nga sila itulak kanina kung hindi lang ako inawat ni Ether! Mga bwisit!”
Mainitin pa rin ang ulo niya.
“Hey, Hannah, huwag kang maawa. Huwag kang mawalan ng lakas dahil sa nakita mo. Tatagan mo ang loob mo,” bulong ni Ella sa akin.
Nagulat ako nang pisilin ni kuya Hanzel ang aking braso. “P—pero, kuya, n—namatay sila dahil sa atin.” Naririnig ko ang huling sinabi niya. Ume—echo na iyon sa aking tenga.
“Kailangan nating mabuhay, Hannah. Iyan ang tandaan mo. Salamat dahil tinulungan mo ko, ha? Kaya huwag kang ma—guilty, Hannah. Hanggang nandito ako, hindi ko hahayaang masaktan ka!” Tinanguan ko na lamang sila.
Tama lamang ang ginawa ko. Tama lang na inalis ko siya dahil mapapasama niya sa kamatayan si kuya Hanzel. Dapat lang sa kanya iyon.
Hindi tayo pʼwede maging mahina sa bagay na ito. Buhay ng mga mahal natin ang nakasalalay. Kailangan nating manalo sa walong larong ito, six games na lamang ay makakauwi na rin kami.
Matatapos na rin ito.