IKA—PITONG KABANATA 2.0: Langit, Lupa, IMPIYERNO!

2378 Words
AFTER thirty minutes na pinag—usapan namin ay bumalik muli silang anim, may mga backpack and maleta, si kuya Franco ang may maleta. Siya ang nagdala. “What? Anong tinitignan niyo? Wala akong mahanap na backpack! Kaya hetong maleta na lang, at least, lahat ay nandito na!” katʼwiran niya sa akin. “By the way, Hanzel, maalis tayo sa maleta ko! Habang naglalakad kami kanina, ang sasama ng tingin ng ibang nandito. Iyong tipong ready na sila kung ano man ang laro ang lalaruin natin. Mabuti na lamang ay nakaisip ng paraan itong si Valerian, nagsama—sama na lamang muna kami at pinuntahan ang bawat bahay, inuna namin itong si Devon, ang lahat ng buhay. Amputa!” dagdag niyang sabi with aksyon pa. “Actually, iyon din ang suggest ni Hannah kanina nang makaalis kayo. Nahuli nga lang ang suggestion niya!” Napatingin sa akin si kuya Franco. “Seryoso? Nakaka—goosebumps naman! Ganyan ba mag—isip ang mga matatalino. Same—same?” Hinawakan pa niya ang magkabilang braso niya. Loko talaga itong si kuya Franco. “Kailangan na nating umalis. Mag—ga—gabi na.” Nagulat ako sa sinabi ni kuya Hanzel kaya napatingin kami sa labas at nakita namin na dumidilim na nga. “T—teka! Wala pa naman tayong kalahating araw, ʼdi ba? Hindi pa nga tayo kumakain ng lunch tapos pagabi na?” eskandalong sabi ni kuya Franco. “B—baka, uulan?” usal ko sa kanila. “Dumidilim kapag umuulan, ʼdi ba?” Nakatingin din ako sa kalangitan. “Possible, but look at that sun, pababa na ito.” Tinuro niyon ni Valerian, kaya napanganga ang aking bibig. “Gabi na? Pero, bakit ang bilis?” usal ni Devon. Nagkibit—balikat si Valerian sa amin. “I know, why.” Napalingon kaming lahat kay Timothy. “Alam mo kung bakit, Timothy?” sabay naming tanong sa kanya. “Easy! Hinala ko lang... You know... About sa online games? Mabilis gumabi roon, ʼdi ba? Possible na ganoʼn din dito. Sabi niyo nga, wala pa tayong kalahating araw nang magising tayo, pero look, gumagabi na talaga. Same sa online games, right? Minutes lamang ay gumagabi na sa mga games nilalaro natin. Thatʼs my thought kung bakit gumagabi na ngayon.” “Hala! Parang sa nilalaro kong cooking games, mabilis gumabi roon! Maging doon sa simulation like baking, supermarket and iba pa na nilalaro ko... Mabilis gumabi roon.” “Tumpak, Ella! Ganoʼn ang nangyari sa atin ngayon.” Napataas ang aking tingin sa kalangitan. “So, nasa laro ba talaga tayo?” tanong ko sa kanila “May kumo—control sa atin? Kung mayroʼn, sino naman?” Sumasakit ang ulo ko sa aking iniisip ngayon. “Wait! Huwag na natin isipin iyon! Ang bigyan nating pansin ang next game bukas, kaya kailangan na nating magpahinga para makapaglaro nang maayos bukas,” seryosong sabi ni kuya Hanzel sa amin. Iyon nga dapat ang gawin namin, ang magpahinga at maghanda para bukas. Kinabukasan, nagising ako sa living room, nagpasya kaming dito na lamang matulog lalo naʼt hindi namin kung may manggugulo ba sa amin. Lalo naʼng makita namin ang ibang may grupo, ang sasama ng tingin sa amin. Kinabahan kaming lahat. Napatingin ako sa mga kasama ko na mahimbing na natutulog, binaba namin lahat ang foam nila Ella at pinagtabi—tabi ang mga iyon, except sa dalawang foam para sa aming tatlong babae. Nakita kong wala sina kuya Hanzel at kuya Franco sa higaan. Nagluluto na ba sila ng breakfast namin? Anong oras na ba? Hindi namin alam kung anong oras na, basta ang alam namin ay dumidilim na siyang hudyat na gabi na. “Hanzel, what do you think? Ano kayang nangyayari ngayon?” Napatago ako sa gilid nang marinig ko ang tanong ni kuya Franco. “I donʼt know. Naguguluhan din ako!” “Tangina, bro, Limbo High School Edition nakalagay sa app, two years na tayong graduate sa school niyo, kaya bakit pati tayo ay nandito?” “Iyon din ang iniisip ko, Franco. O, baka may kinalaman ang pagsabog? Lahat tayo ay nasa school nang mangyari iyon, right?” “I donʼt know, Franco. Wala talaga akong makuhang sagot kung nasaan tayo at kung laro ba talaga ito, katulad ng sinabi ni Timothy.” “Paniguradong nasa laro talaga tayo! Ang bilis gumabi, pero ang bagal mag—umaga! Napaka—weird ng panahon dito!” Napatago ako sa sinabi niyang iyon. Napaka—weird nga rito. Gusto ko na tuloy umuwi at makita sina mom and dad. Nagising na rin ang lahat, kumain na kami dahil hindi namin alam kung anong oras gaganapin ang laro, hindi naman gumagana ang mga orasan, nasa 12:30 pa rin ang mga iyon. Kumakain pa rin kami nang mapahawak ako sa aking tenga nang marinig ang malakas na ingay na iyon. “Argh!” mariing na sabi ko habang magkahawak pa rin sa magkabilang tenga ko. “Attention: To all Limbo High school students, head to the San Jose Subdivision clubhouse. The second game is about to begin. Attention to all Limbo High School students, held to the San Jose Subdivision clubhouse. The second game is about to begin.” paulit-ulit ang announcement na iyon na siyang pagtaas ng aking balahibo sa katawan. “K—kuya Hanzel,” nanginginig na tawag ko sa kanyang pangalan. Hinawakan niya ang aking kamay. “Itʼs okay, Hannah. Nasa tabi mo ko, huwag kang aalis sa tabi ko, okay?” Tumango ako sa kanya. “Okay, guys, walang aalis sa tabi ng isaʼt isa hanggang hindi natin alam ang game, okay? Be alert again!” malakas na sabi ni kuya Franco. Tinignan niya si kuya Hanzel. “Tara na? Kailangan nating laruin ito para makauwi na kung nasaan man tayo ngayon!” Tumayo kaming lahat kahit ilan sa amin ay hindi pa tapos kumain, tinakpan na lamang muna iyon at lumabas sa bahay nila Ella. Napapalunok ako habang naglalakad ngayon papunta sa clubhouse ng subdivision, may nakita kaming kasabayan namin na papunta rin doon, katulad nila ay natatakot din sila. “Kuya Hanzel, ang dami natin. P—paano kung ilan lang ang pʼwedeng manalo? A—anong gagawin natin?” mahinang tanong ko sa kanya. Pinisil ni kuya Hanzel ang aking kamay. “Hey, huwag kang maging negative thinker ngayon, Hannah, malalampasan natin ito. Basta sumunod ka sa akin, okay?” sabi niya, na siyang kinatango ko. Nakarating na kami sa clubhouse, ang dami namim ngayon. Naghihintay muli kami ng announcement hanggang marinig muli namin ang ingay. “Congratulations To all the students who have passed our game one. Now game two begins, which we'll call Langit, Lupa, IMPIYERNO!” Nakarinig kami ng bulungan sa paligid namin. “Best, easy lang pala ang game. Aapak lang tayo sa langit para hindi tayo mataya. Ang dami nating pwedeng akyatan dito,” bulong ni Ella sa akin. “Favorite game natin ito noong bata tayo? Easy win for us!” Ngumiting tumango ako sa kanya. Langit, lupa at Impiyerno lamang ang lalaruin namin. Bakit parang duda akong ganoʼn lamang kadali iyon. “Tangina! Larong pambata lang pala ito, Hanzel!” “Game two mechanics: The floor will collapse into an abyss, if they dont get onto an object in time.Rules: Always be alert.” paulit—ulit muli ang pagbanggit sa mechanics and rules ng game. “Be alert?” tanong ko sa aking sarili. Napatingin ako sa palagid ang dami naming nakatira rito na nag—aaral sa school namin. Nilibot ko ang tingin sa paligid ng club house, marami rin pʼwedeng akyatan na magiging langit namin para hindi mataya. “Kuya Hanzel, we need to be group. Hindi pʼwedeng magsama—sama tayo at baka makita ng iba na walang natataya sa atin, kailangan nating maghiwa—hiwalay.” “Tama ang sinabi mo, Valerian... We should separate muna. Hannah, sumama ka sa akin. Ella, kay Franco ka sumama. Then, Devon, sumama ka kina Wealand and Ether, then Valerian and Timothy. Hindi pa natin alam kung anong consequence nitong game, kaya dapat mauna kayong makaapak sa bagay na malapit sa inyo. Kung kaya niyong itulak sila, itulak niyo para umalis,” seryosong sabi ni kuya Hanzel. “Kailangan nating manalo sa game two na ʼto!” Tumango kaming lahat sa kanya at naghiwa—hiwalay. “Hannah, huwag kang bibitaw sa kamay ko kahit anong mangyari, ha?” “Opo, kuya Hanzel, hindi ako bibitaw sa kamay niyo,” sagot ko sa kanya. “Letʼs the game begins!” malakas na sabi nito at bigla kinanta ang kantang pambata sa larong ito. “Langit, Lupa, Impiyerno... Im, im, Impiyerno! Saksak puso, tulo ang dugo. Patay, buhay, maalis ka—” Napatigil ako sa pagkanta nang mali ang kantang naririnig ko ngayon. “A—anong kanta iyon?” pagtatanong ko kay kuya Hanzel. “Simpleng buhay lang ang meron sila. At simpleng mga pangarap. Kung ano-ano na ang ginagawa. Ginhawa lang ay malasap. Maghihintay sa kanto. May paparahing oto. Magbibigay aliw sa tamang presyo. Uuwi na may dala, sa kapatid at sa Ina. Ngiti nila ang mas mahalaga. Alin, alin, alin nga ba? Alin ang tama? Alin ang masama?” Bigla akong nakaramdam nang kaba. Bakit ganito ang kanta? Bakit iba sa nakasanayan namin? “Langit, lupa, impyerno. Tama mali pwede naman siguro. Saksak puso tulo ang dugo. Tuloy ako ngayo'y nalilito. Dumanak man ang pawis. O, tumulo ang dugo. Upang di lang maalis. Kakalimutan ang puso. Kung sa mundong ito'y Impyerno ang buhay mo. Langit naman daw papatungo. Langit lupa, impyerno. Tama mali pwede naman siguro. Saksak puso tulo ang dugo...” Nagkakagulo na ang lahat nang marinig namin ang kanta sa nakakakilabot na boses. Nanlalamig ang buong katawan ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Ang alam ko lang, natatakot ako. “Langit... Lupa... Impyerno... You shouldn't be on LUPA anymore, if you don't want to go to IMPIYERNO!” malakas na sabi nito at siyang pagyanig ng buong lupang inaapakan namin. Napatingin ako sa inaapakan namin nang makitang magkaroon iyon ng lamat. Napaawang ang aking labi nang may makitang apoy sa ilalim. “Hannah, tara na!” malakas na sabi ni kuya Hanzel at hinila niya ako. Tumuntong kami sa bleacher, wala ni—isang nahulog. “What the f**k is that!” sigaw ng lalaking malapit sa amin. “Literal na impiyerno,” saad ko at napatingin sila sa akin ngayon. “Hell?” “Anong nangyayari?” “Huwag kayong kabahan! Basta umapak lamang tayo sa mga bleachers ay maayos na tayo! Kaya walang mahuhulog sa atin!” “Tama iyon! Think positive lang!” sari—sari na ang mga boses nila, kaya nalilito na ako. “Kuya Hanzel,” “Sumunod ka lang sa akin, Hannah! Hindi kita bibitawan. Sana ganoʼn din ang iniisip ng iba sa atin.” Bigla akong kinabahan for Ella, pero alam kong hindi siya pababayaan ni kuya Franco. Muling tumugtog ang kantang iyon sa lalong nakakatindig balahibong boses. Parang ang lapit ng boses sa aming lahat... Parang galing sa ibaba. Napatingin ako roon habang panay lunok pa rin ng aking laway. “Langit... Lupa... Impyerno... You shouldn't be on LUPA anymore, if you don't want to go to IMPIYERNO!” Narinig muli namin ang boses na iyon kaya tatakbo na kami sa bleachers nang mapahinto kami, lumubog iyon kaya sumegway si kuya Hanzel at dinala ako sa table, tumayo kami roon kasama ang isang babae. “K—kuya Hanzel, nawala iyong bleachers... I—iyong mga taong nandoon, n—nahulog...” nauutal na sabi ko sa kanya. Mabuti na lamang ay hindi pa kami masyadong nakalalapit doon... Pero, what if ang ibang kasama namin ay tumuntong doon? Huwag naman sana. Lumipas ang games na pa-konti nang pa-konti ang pʼwedeng matungtungan, pero marami pa rin kami. “Hanzel, anong plano? Kumonti ang magiging langit natin.” “Best! Bumukas iyong lupa!” Niyakap ako ni Ella na nasa gilid ko. “I—I donʼt know... Naguguluhan din ako.” “This is the last game, Franco. Paniguradong tatanggalin ang stage sa game na ito.” Napatingin kami sa stage, doon lahat ang punta kanina, pero kami ay nanatili rito sa table na nasa tabi namin, hindi rin namin alam kung mawawala rin ba ito. “Sa nakalipas na rounds ay dito kami tumutuntong ni Hannah, but for sure mawawala rin ito. Dapat humanap tayo nang ibang matutuntungan na kasya ang apat na katao,” sabi ni kuya Hanzel. Napatingin ako sa paligid, nakita kong may iilang malapit sa amin na magiging langit namin, but weʼre not sure kung hindi iyon mawawala. “Langit... Lupa... Impyerno... You shouldn't be on LUPA anymore, if you don't want to go to IMPIYERNO! This is the last game!” sigaw nito, isama pang nagpatay—sindi ang ilaw sa buong paligid. “Run!” Hinila ako ni kuya Hanzel, nawala ang table na dapat tutuntungan namin. “Hanzel, sa garbage bag! Langit ang isang iyon!” malakas na sabi ni kuya Franco, kaya tumakbo kami roon. Nagulat ako nang may humila sa akin, kaya nadapa ako kasama ang babaeng humila sa akin. Ang babaeng iyon ang kasama namin sa table. “I need to win!” malakas niyang sabi sa akin. “Hannah!” Binalikan ako ni kuya Hanzel at tinayo niya ako. “Run!” sigaw niya kaya tumakbo ako nang mabilis. Hinawakan ako ni kuya Franco, sumampa kami sa garbage bag na ito. “Kuya Hanzel!” malakas kong tawag sa pangalan niya, nanginginig na ang boses ko at maging ang buong katawan ko. Bumubuka na ang lupa, nakikita ko na ang apoy sa ilalim nuʼn. “Kuya Hanzel, run!” Nag—uumpisa na akong umiyak, naririnig ko rin ang sigaw nina kuya Franco and Ella. No, no! Hindi pʼwedeng mamatay ang kuya ko. CTTO: Langit Lupa Impyerno Song by Chud Festejo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD