IKA—SAMPUNG KABANATA: Collab!

1590 Words
ELLA “BEST, lahat ba niyan ay bibitbitin natin hanggang sa school niyo? Hindi natin kaya. Mabigat ang bed foam, ʼdi ba?” sabi ko sa kanya at tinuro ang nasa harap namin ngayon. Tatlong bag at dalawang maleta ang nasa harap naming lahat, hindi ko alam kung ano ang laman ng mga iyon dahil sina kuya Hanzel, Wealand and Ether ang nag—ayos. May isang orocan silang kinuha at nakikita ko ang laman ay utensils sa pagkain. May maliit na gas din silang dala at iyong portable burner namin. Hindi pa roon nagtatapos dahil may tatlong water container silang dala, may laman iyon and the last ay ang bed foam, blanket and pillows. Kaya ang tanong ko, kaya ba namin lahat niyang dalhin? Hindi kami pʼwedeng gumamit ng car, hindi gumagana. We tried it. “Oo nga, ang dami nating dadalhin? Anong gagawin natin? Dalawa or tatlong hakutan? Aabutin tayo hanggang bukas kahit sabihin niyong thirty minutes lang ang pagpunta sa Limbo High School! Eh, hindi nga natin alam ang oras!” segunda ni Devon. “Injured din kaming apat.” Tinuro niya kami. “Wait! Hindi natin sila bubuhatin, ilalagay natin sila sa e—bike.” “Itutulak natin ang e—bike, Hannah? Nakakapagod!” “Sinabi ko bang Itutulak natin, Devon? Papaandarin natin iyon. Ang nagpapagana sa e—bike ay electricity, therefore, aandar siya dahil electric ang gamit, hindi tulad ng car na walang makapagsabi kung bakit hindi umaandar, ganoʼng nakagagamit tayo ng gas sa pagluluto. I check it already, gumagana siya. Kaya iyong e—bike namin ay kinuha ko rin, may dalawang e—bike na tayong gagamitin kaya walang dalawa or tatlong hakot na magaganap,” sabi ni Hannah kay Devon. “Wow, matalino si best!” Pumalakpak pa ako, matalino naman talaga ang best friend kong si Hannah. “Thanks, Ella, but, we need to do na. Baka maya—maya ay gumabi na at sumugod ang mga lalaking iyon. We are not safe here.” Dama ko ang inis sa boses ni best ngayon. Na—trap kami kanina. Mabuti na lamang ay nakaligtas kami kahit papaano kahit ang dami naming sugat. Pinaglalagay na namin ang lahat ng mabibigat sa dalawang e—bike, katulad ng orocan, bed foam, pillows, blankets and the three water container sa iisang e—bike. The two bed foams ay nilagay sa itaas ng magkabilang e—bike, ang pillows and blankets ay nasa lap naming nakaupo sa backseat ng e—bike. Iyong e—bike namin ay eight seaters, kung nakapanood na kayo ng mga nag—go—golf, ganoʼn ang e—bike namin, iyong kina Hannah ay common lamang. “Wow! Lahat ay nailagay natin! Nagdagdag pa kami ng dinala!” manghang sabi ni Wealand habang nakatingin sa dalawang e—bike. Magdala muli sila ng mga food, blankets, foams and water container. Halos lahat ng gamit ay nasa e—bike namin. “Nakaupo na ba kayong lahat? Kailangan na nating umalis!” malakas na sabi ni kuya Hanzel at pinaandar na nilang dalawa ni kuya Franco ang e—bike, sila ang parehong driver. Nakatingin ako sa bahay namin na sobrang dilim na. “Mamimiss kita.” Hindi ko alam pero lumabas iyon sa bibig ko, habang yakap ang picture frame nina mom and dad. “Ella, makakauwi rin tayo. Think positive!” Hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Ngumiti ng tumango ako sa kanya. “Of course! Kaya sana matapos na itong game. Miss ko na ang parents ko,” malungkot na sabi ko sa kanila. “Kami rin, Ella. Kaya magtutulungan tayong lahat para makaalis dito!” Muli akong tumango sa kanyang sinabi. Nakarating na rin kami sa tapat ng Limbo High School, nakita naming may mga estudyante rin sa loob nito. “Hanzel, may mga estudyante!” malakas na sabi ni kuya Franco. Bumaba sila at binuksan ang gate ng school, sinenyasan kami na sila muna ang papasok. Kinabahan kami nang makita ang tingin nila sa amin, ang ibang estudyante na nasa loob, may dalawang building kasi malapit sa gate ng school. “Ang dami pala natin,” saad ko sa kanila. “Halos lahat ng estudyante sa Limbo High School ay nandito... More than 12k students ang nag—aaral kasama pa ang mga teachers at not related in teaching personnel, hindi lang natin alam kung maging sila ay nandito rin.” Napalunok kami sa sinabi ni Timothy. Lumabas na muli sina kuya Hanzel and kuya Franco. “Come on! Nandoon ang ibang kaklase niyo, Hannah... Si Jameson, nakilala agad kami! Sa kanila ang buong building na iyan at maging si kuya Victor, may iilang teachers and non—teaching personnel ang nasa loob.” Narinig namin ang sinabi ni kuya Hanzel at pinasok nila paloob ng school ang dalawang e—bike. “Hannah! Ella! Buhay kayo!” malakas na sabi ni Jameson nang makita niya kami. “Hoy, anong buhay? So, iniisip mong patay na kami?” bulyaw ko sa kanya nang makababa ako sa e—bike. “Hindi, ha! I mean, akala ko hindi kayo kasama rito... Or, namatay na nga kayo dahil sa games... Nilaro niyo rin ba?” Nakita namin ang mukha ni Jameson, may iilang sugat siya. “Yes, nilaro rin namin iyon... Ang Langit, Lupa, Impyerno, and Stop Dance... Muntik na rin kaming mamatay sa stop dance, mabuti na lamang kasama namin si Timothy... Iyon nga lang, inambush kami ng mga siraulong estudyante rin dito! Kaya lumipat bahay kami, naka—stay kami sa bahay namin.” Kʼwento ko sa kanya, habang isa—isa na namin inaakyat ang mga gamit. “Inambush kayo? Bakit?” “Wala pa ni—isa sa amin ang namamatay, Jameson. Sa inyo ba? Sino ang leader niyo?” Si best ang nagtanong habang dala ang maleta at dalawang backpack. “Wala pang namamatay sa inyo? Ni—isa?” Tumango kami sa kanya. “Wow! Ang galing niyo! Sa amin, lima na ang namatay. Dalawa sa Langit, Lupa at Impyerno... Then, kanina, 3 namatay... Ang apat doon ay kaklase natin, sina Cristy, Denise, Harry and Oliver... Kasama namin sila nang pumunta kami rito sa school, akala namin ay nandito kayo... Sa dalawang game na iyon ay sa quadrangle kami naglaro at ang leader ay ako. S—sinubulan kong ligtas sina Cristy and Denise sa Langit na laro, pero hindi ko kinaya, kaya nagkasugat din ako.” Nagulat kami ni Hannah nang makita ang paso sa kanang braso niya. “Muntik na rin akong mahulog, mabuti na lamang ay nahawakan ako ni Caspian kaya nakaligtas ako, sa third game hindi ako nakasali dahil sa sugat ko, kaya namatay sina Harry and Oliver dahil sa voice ng game master, maging ang isang personnel, kung janitor sa science, namatay rin siya. Ang nakaligtas sa amin kanina ay sina kuya Victor, and Anna,” umiiyak na sabi niya sa amin. “Hey, Jameson, huwag kang umiyak! Wala kang kasalanan! And, we are safe! Need na lang natin makipag—collab sa kanila!” Napalingon ako sa nagsalita, si Anthony. “Ang tagal niyong dumating,” naiiyak na rin siya. We donʼt know their pain right now. “Weʼre sorry. Hindi namin alam na nandito kayo. N—nasaan ang ibang classmates natin? May alam ba kayo?” tanong ni Hannah. “Sina Gela, Philomel, Xyla, Bryan, and Gio, nakita ko sa kabilang building... Doon sila naka—team, iyong the rest hindi namin alam kung nasaan sila. Noong game two, nakita namin sila. Iyon lang ang masasabi ko Hannah.” Nakita ko ang problema sa mukha ni Hannah ngayon. “Sa kabilang building? What do you mean? Maraming nakatago rito sa school?” baritonong tanong ni kuya Hanzel. Tapos na silang maghakot. “Opo, kuya Hanzel. Bawat building ay pagmamay-ari ng isang team, bali limang team kami rito... Makiki—collab kami sa inyo, willing kaming lahat,” sabi ni Jameson. Apat na team ang nandito. “Buti hindi kayo kinalaban?” Napatingin kaming lahat kay Devon. “What? Sorry, pero sa Subdivision na pagmamay—ari nila Ella, inambush kami! Tangina nila! Hindi porket wala pang namamatay sa amin! Mga gago! Kung hindi nga dahil kay Timothy, kalahati kanina sa players ay namatay! Bullshit sila! Tangina, ang sakit ng sugat ko sa likod!” murang sabi ni Devon at naupo sa silya. “Really? They ambush you, guys? But, sorry, lucky for us kasi pumunta kayo rito sa school.” Narinig ko na naman ang maarteng boses ni Candy. “We know! Mabuti na lamang ay pumunta rin kami, at least, nakita namin si Jameson. Nag—alala kami sa iyo,” sabi ni best. “Mamaya na iyan. Kailangan nating mag—collab as a group. Ako ang leader sa amin at si Valerian ang sub—leader, payag ba kayo?” Nakita ko ang mukha ni kuya Hanzel na seryoso, marahil pagod na siya. “Yes, weʼre willing!” sumagot sila agad, sabay—sabay kaya ni—register na sila sa amin. “Success. Bale nasa 18 na tayong lahat kasama kami ni Valerian sa bilang. For now, kailangan na natin mag—aasikaso, paniguradong mag—ga—gabi na rin. Kailangan nating magpahinga dahil bukas paniguradong laro na naman ang kailangan malagpasan,” sabi ni kuya Hanzel sa amin, kaya kumilos na kaming lahat. Kailangan naming magpahingang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD