ELLA:
NAKAHINGA ako nang maluwag nang matapos ang game na ito. Nakita ko ang mga bangkay na nakahiga na kasama namin sa harap ng stage.
Umiwas ako ng tingin sa mga iyon at hinanap ang aking best friend. I donʼt know kung nasaan siya ngayon, naghiwa—hiwalay kasi kami and I choose here, malapit sa stage ng clubhouse.
Actually, muntikan na rin ako roon sa voice kanina. I didnʼt expect that na maninipulahin niya ang voice ng game master, mabuti na lamang ay alert si Timothy kaya sumigaw siya nang malakas.
Napahawak ako sa aking bibig nang makita ang isang bangkay na labas ang mata niya, napaiwas ako at halos masuka ako.
Naglakad—lakad muli ako hanggang makita ko na siya. Nangunot ako nang makitang naka—blind fold pa siya kaya tinanggal ko iyon. “Hannah, okay na! Pʼwede mo ng tanggalin ang blind fold mo!” Nakita ko ang gulat sa mukha niya. “What? Tapos na ang third game, Hannah! Nanalo muli tayo!” masayang sabi ko sa kanya at bigla siyang napaupo.
“E—Ella, naka—survive tayo.”
I saw best's eyes that have no life now. I can't blame her because this is the second game where we saw dead people. The first game is easy, kaya we called it second game pa lamang sa larong Impiyerno.
“Yes, best, but we survive again! Natalo na naman natin ang kamatayan na iyan!” sabi ko na kanya kaya niyakap ko siya nang mahigpit.
Nang matapos ang pagda—drama namin doon ay lumakad na rin kami paalis sa clubhouse, ang sasama ng tingin nila sa amin dahil siguro ay isa kami sa dalawang group na walang namatay na member. Lucky lamang kami dahil matalino si Timothy kaya nasigawan niya kami, pero kung malapit lamang kami ay baka halos mangalahati ang patay at kami lamang ang natira.
Dapat nga magpasalamat sila sa amin.
“G—guys, may napapansin ba kayo?”
I stopped walking when best spoke. “Napapansin, Hannah? Paanonng napapansin? Tahimik naman ang paligid,” sabi ko sa kanya at tinignan ang paligid namin ngayon, tahimik talaga.
Bawal naman lumabas ang mga hindi kasali sa game, and, kami pa lang ang unang umalis sa clubhouse.
“M—may mali kasi... Iyong bahay na malaki na iyan, walang sinampay dʼyan kanina, at wala ring halaman sa terrace sa kabilang iyon. Weird, but hindi maganda ang pakiramdam ko.” Nakita ko ang mahigpit na paghawak niya kay kuya Franco. “Dalian natin. Hindi talaga maganda nag pakiramdam ko ngayon,” saad ko sa kanila.
Hinawakan niya rin ang aking kamay at mabilis kaming lumakad. “Best, are you sure?” tanong ko sa kanya at tinanguan niya ako.
Palingon—lingon kami sa paligid, bigla na rin akong kinabahan dahil sa sinabi ni Hannah, sina Timothy at kuya Franco lang naman ang kasama naming lalaki. Badass din naman itong si Devon, pero babae pa rin siya like us.
“Waah!” Napasigaw ako nang may tumamang bato sa aking paa.
“Shet! May nangbabato sa atin!” malakas na sabi ni kuya Franco at nakita kong niyakap niya si Hannah, nabitawan niya ang aking kamay.
“Aww!” Napahawak ako sa aking braso nang may tumama roon, nakita ko ang bala sa pellet gun. I know that dahil nakikita ko iyon sa mga pinsan kapag naglalaro sila at napipikon na sila sa isaʼt isa.
Napahawak naman ako sa kabilang braso ko nang may maramdaman akong masakit doon, bato ang dumaplis sa balat ko, nagkasugat iyon.
Tumingin ako sa paligid, lahat sila ay nasa itaas. Napapalibutan nila kami. Tama ang sinabi ni best sa amin.
“Hannah!” malakas kong tawag sa kanya nang makitang medyo malayo na sila sa akin. Masakit na rin ang buong katawan ko.
Hinigit niya muli ang aking kamay at mabilis siyang tumakbo, nakawala siya sa pagkakayakap ni kuya Franco.
“Run!” malakas niyang sabi sa amin.
Nahihila na niya ako dahil sa bilis niya, muntik ko ng makalimutan na member and captain siya ng track and field.
“Huwag kang bibitaw sa kamay ko, Ella!” Tumango ako sa kanyang sinabi.
“I will!” sumagot ako sa kanya at pa—zigzag ang takbo naming dalawa. Hindi na tumatama ang binabato nila sa amin.
Nakaalis din kami roon at hinihingal kaming napahinto. “A—ayos lang ba kayo— ang dami niyong sugat,” saad ni best sa amin habang nakatingin sa amin ngayon.
Kinuha niya ang bag na dala niya, nakita ko ang nilabas niyang tubig at tela. “Best, huwag na! Malapit naman na tayo, doon mo na lamang kami gamutin at baka sundan pa nila tayo!” sabi ko sa kanya. Masakit ang sugat ko but kaya ko pa naman tiisin.
“Are you sure, Ella? Dumudugo ang braso—”
“Yes, kaya ko pa! Donʼt worry, malayo naman ito sa bituka, ʼdi ba?” Putol ko sa kanyang sasabihin.
“Hannah, kailangan na nating umuwi at sabihin kay Hanzel ang tungkol dito.” Nagsalita na rin si kuya Franco, nakita ko ang damit niya na butas, mukhang sa kanya tumama ang bato at bala ng pellet gun.
“O—okay po,” sagot na lamang niya at muli kaming naglakad. Nakita ko ang pag—aalala niya sa amin, siya ang walang sugat sa amin.
“A—anong nangyari sa inyo?” gulat nilang tanong sa aming lahat nang makabalik kami.
“Inambush kami ng ibang player, Hanzel. Pinagbabato kami at pinagbabaril ng pellet gun.” Si kuya Franco ang sumagot. “Kailangan nating umalis dito bago dumilim, paniguradong hindi lamang ito ang unaʼt huling gagawin nila ito sa atin. Nakamatiyaga na sila sa group natin, Hanzel. Tayo na lamang ang kumpleto pa ang member simula sa game 2 hanggang ngayong game 3,” dagdag na sabi niya.
Ako naman ay ginagamot na agad ni Hannah, nakita ko ngang nanginginig siya. “Hey, best, okay lang talaga ako. At saka hindi naman masakit. Duwag ang mga lalaki na iyon, inambush tayo kahit limang lang us, ʼdi ba?” Tumango siya sa sinabi ko habang pinupunasan ng betadine ang aking mga sugat.
“f**k this! Wealand, kumuha na kayo ni Ether na kakailanganin nating lahat! Aalis tayo rito sa bahay nila Ella!” utos ni kuya Hanzel.
“Yes po, kuya Hanzel! Kami na bahala ni Ether!” Nakita ko ang pag—alis nila rito sa living room namin.
“Kuya Hanzel, ako na po kay kuya Franco. Hindi kaya nina Wealand and Ether ang pagkuha ng mga gamit. Kailangan din natin ng mahihigaan, iyon ang importante pagkatapos ng games. At, alam ko na kung saan tayo pupunta... Sa school, for sure walang tao roon and we have a key sa gate, ʼdi ba?” Nakita ko ang mga mata ni best na seryoso. Tapos na niya akong gamutin at hinarap naman si kuya Franco, marami siyang sugat sa likod niya.
“Okay, Hannah! Tutulungan ko ang dalawa!”
“Okay, ako naman ang gagamot sa iyo Devon!” nakangiting sabi ko sa kanya at ginamutan din siya.
“Kuya Franco, thanks!”
Napalihim akong ngumiti nang marinig ang boses ni Hannah na nahihiya. Matagal na niyang crush si kuya Franco.
“Wala iyon, Hannah! Kailangan kitang protektahan!”
Iʼm so happy sa best friend ko. Mukhang magkaka—love life na siya dahil dito sa lecheng larong ito!