LUMAKAD na kami at isa—isa na rin kaming may naririnig mula sa ibang team, mostly ay babae ang lumaban.
Nakarating na rin kami sa clubhouse, nandoon na silang lahat, kami ang nahuli dahil nasa malapit sa gate ang bahay nila Ella.
“All the participants who joined the third game, the stop dance, are here. Are you ready to dance to your death?”
Ayan na naman ang boses na nakakatakot.
“Itʼs simple to play, you need to stop to dance when the song stopped. Thatʼs how you play the stop dance, right? So, letʼs play, participants!”
“Wala silang idadagdag sa rules?” tanong ni Ella sa akin.
“Mukhang wala—”
Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang muling nagsalita iyon. “Letʼs play stop dance while you wearing eyemask. So, letʼs start!” Narinig na namin ang malakas na tawa nuʼn.
What the f**k!
“Sasayaw tayo habang nakapiring? Paano kung mabang—”
Tinakpan ko ang bibig ni Ella. “Thatʼs the point of this game,” sabi ko sa kanya.
“So, anong gagawin natin?” tanong ni Devon at nakita ko ang mata niyang pagkataranta niya.
“Lumayo tayo sa isaʼt isa, at maging sa kanilang lahat para hindi tayo mabangga,” sabi ni Timothy, na siyang pagtango ko sa kanya.
“Iyon ang dapat talaga nating gawin. Lumayo sa lahat at pakiramdaman ang paligid. Heto ang sinasabing, control your body and mind.” Heto nga iyon.
Kumuha na kami ng tig—iisang blindfold at tinakpan na iyon sa mga mata namin. Pinili kong gumilid para maramdaman kung tatama ba ako sa pader ng clubhouse ngayon, iyon ang safe spot. Ang luging spot ay ang nasa gitna, crowded doon.
I heard the song immediately. Itʼs Twinkle, Twinkle little star song. Kino—kontrol ko ang aking katawan na hindi lumayo sa spot na inaapakan ko ngayon, at maging ang buong kamay ko ay nililibot ko para makasiguradong walang tao sa paligid ko. Hindi rin naman nagtagal ay huminto na ang tugtog, i stop right away.
I heard some screaming... In pain. Paniguradong mga patay na sila ngayon.
Muling tumugtog ang sound na siyang pagkasayaw ko muli, naging madali sa akin ang second, third and fourth game hanggang sa fifth game, sa last game. Naramdaman kong may natatamaan akong tao sa paligid ko.
Bwisit!
I backward and I felt na may tao rin sa likod ko, kaya wala akong choice kung hindi mag—move forward ako hanggang huminto na ang tugtog, unlucky for me dahil na—bent ko ang aking magkabilang tuhod.
Shet!
I heard loud screaming, marami. Sobrang dami na siyang pagtagal ko sa pagkaka—bent ng aking tuhod. Nangangawit na ako, hindi ko na kaya. Gusto mo ng sumuko, pero nakita ko si kuya Hanzel sa aking mga mata, kaya lalo akong tumibay na matira sa larong ito.
Kaya ko ito!
Hindi ako pʼwedeng mawalan ng pag—asa.
Tiniis ko ang sakit kahit alam kong mapupulikat ako pagkatapos nito, pero kailangan kong manalo hanggang marinig ko na muli ang tunog, nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko na iyon.
“T—tapos na?” I asked myself kahit wala pang announcements mula sa boses na iyon.
“This is the end of our third game, players! Please, take off your blindfold.”
Narinig ko na ang sinabi niya kaya tatanggalin ko na sana nang marinig ang boses ni Timothy. “Hannah, Ella, kuya Franco and Devon, huwag niyong tatanggalin ang blindfold niyo!” sigaw niya, kaya binaba ko muli ang kamay ko at lumayo sa aking blindfold.
“B—bakit, Timothy?” Nanginginig kong tanong sa kanya.
“Hindi siya ang nagsasalita—” Hindi na natapos ni Timothy ang sasabihin niya nang may marinig kaming sumisigaw ngayon.
“Argh! Bakit wala akong makita!”
“Anong ginawa niyo sa mata ko!”
“Ang liwanag!”
Naririnig namin ang sigaw ng ibang players na siyang pagkatakot ko.
“Control your body and mind! Hindi siya ang nagsasalita! Hindi ganoʼn ang boses niya! Hindi players ang tawag niya sa atin kanina, kung ʼdi participants!”
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko mula kay Timothy. Participants nga ang tawag niya sa amin at hindi players. Muntik na kami kung hindi namin kasama si Timothy. Bigla rin akong nag—relax dahil narinig kong tugtog mula sa pagkakangawit ko kanina.
“Thatʼs a nice deduction, Participant Timothy!” Narinig namin ang malakas na halakhak na akala mo ay nagmumula sa ilalim ng lupa.
Natatakot ako sa aking narinig. Hindi pa rin ako gumagalaw hanggang wala akong naririnig muli mula sa game master na ito.
“I congratulate all of you who passed our third game, Participants! See you at your fourth game tomorrow. Rest again everyone!”
Thatʼs it.
Participants na ang tawag niya sa amin.
Need ko na bang tanggalin, paano kung niloloko niya muli kami?
Ayokong tanggalin.
“Hannah, okay na! Pʼwede mo ng tanggalin ang blind fold mo!” May humila sa aking blind fold at nakita ko si Ella. “What? Tapos na ang third game, Hannah! Nanalo muli tayo!” nakangiting sabi niya sa akin at niyakap niya akong mahigpit.
Napabuga ako nang malakas at nawalan ng lakas ang aking magkabilang binti, tuluyan akong naupo sa semento. Napatingin ako sa paligid at doon ay nakita ko ang mga katawan na wala ng buhay. Ang daming namatay sa game na ito.
“Trisha! Why?”
“Putangina niyo! Michael! Babe, please, mabuhay ka!”
“Ayoko na talaga rito! Pabalikin niyo na ako sa amin!”
Naririnig ko ang mga iyak nila. Mga hinagpis. Mga takot. Nabibingi ako.
“We should go, guys! Kailangan na nating bumalik.”
Napataas ang tingin ko kay Timothy. Tinulungan niya kami, kung ʼdi dahil sa sinabi niya baka patay na rin ako, kami at ang iba pang kasali ngayon.
Control your body and mind. Muntik ko ng hindi magawa ang mind na iyon.
Muntik na akong mailagay sa alanganin.
“Timothy, t—thanks,” sabi ko sa kanya.
“Oo nga pala! Tungkol doon ay nabuhay kami, maging ang ibang nandito dahil narinig nila ang sinabi mo. Sa totoo lang, muntik ko na rin tanggaling ang blind fold ko kanina kung hindi ka agad nagsalita. Muntik ko ng ma—meet si Kamatayan kanina!” Tatawa—tawang sabi ni kuya Franco, pero takot din siya sa nangyari kanina. “Kaya umalis na tayo! Masama na rin ang tingin nila sa atin. Dalawang group lamang ngayon ang walang namatay sa member nila, isa tayo roon. Kaya come on!” dagdag niyang sabi at hinawakan ako ni kuya Franco.
“Huwag niyo na silang tignan. Maglakad na lang tayo palabas ng clubhouse na ito!” Mabilis kaming lumakad na lima palabas sa clubhouse.
Bakit parang kasalanan pa namin?
Dapat nga ay pasalamatan nila si Timothy dahil sa sinabi niya kanina, paniguradong kalahati sa amin ay patay na.